The Question

752 38 6
                                    

THE QUESTION

"How to make a puppy? seriously Axl?" natatawang sabi ko kay Axl nang mapansin ko sa program ang How To Make A Puppy. "Hihiyain mo nanaman ang sarili mo."

"Kung makapagsalita ito akala mo naman andito ka noong nagturo ako eh." hindi ko parin mapigilang matawa. Sino ba naman kasing hindi matatawa sa phenominal nyang How To Draw A Puppy. Wala man ako noon dito pero nakarating sa akin ang kwento. Lahat kasi nang tao dito alam ang kahihiyan na dala ni Axl noon.

"Kung alam mo lang kung paano natuwa si Yna noon, hindi ko makakalimutan yung ngiti sa labi nya eh." pagmamalaki nya.

"Alam mo kung sayo Axl, wag ka na ulit sumubok. Wag mo na dagdagan yung kahihiyan mo. Kung si Yna lang gusto mong mapasaya, sya nalang turuan mo nang How To Make A Puppy na yan."

"Alam mo Vince kontrabida ka talaga. Makikita mo mamaya, pati ikaw matutuwa dito."

Halos isang oras na kami na andito. Kakaabto palang sa akin ni Yna nang program para sa araw na ito. Kami ni Axl ang naiwan dito, as usual magkasama nanaman si Mia at Yna. May mga hinahanda sila para sa mga bata. Kasama na doon yung cupcakes na kakarating lang padala nang parents ni Mia.

"Bahala ka sa buhay mo, basta wag mo akong sisihin kung mapapahiya ka ulit ha."

"Hindi ako mapapahiya." confident na sabi nito.

Makalipas ang ilang oras, nagsimula na ang program. Sinulan ito sa mga games. Nakakatuwa panoorin ang mga bata sa pakikipaglaro sa isa't isa. Hinati sila sa apat na grupo- Red, Yellow, Green and Blue.

Nasa Yellow Team ako and I am proud na leading ang group ko sa mga games. Si Yna naman ay nasa Red Team, si Axl naman ay nasa Green at si Rico ang nasa isang Team. Si Mia, kasama sya ni Axl sa green team pero hindi sya pwede maglaro.

I actually tried na imanipulate ang groupings but I failed. Pinagalitan pa ako ni Yna dahil sya nga daw hindi nagreklamo na may si Mia ang kasama nang boyfriend nya tapos ako na kaibigan lang- talagang nilagyan nya pa nang emphasis nang salitang kaibigan eh- grabe ang reklamo ko.

Naiinis ako kasi sa dinamidami nang pwedeng makasama ni Mia sa group na pwedeng si Yna nalang, si Axl pa talaga. Tapos itong mga tao sa paligid ko akala mo naman naiintindihan nila ako.

Kaya naman ako nagrereklamo kasi ako ang nagdala dito ka Mia kaya dapat ako ang magaalaga hindi ibang tao. Kung makpagasar ang iba na nagseselos ako akala mo naman alam nila ang totoo.

Kaya nga bumawi ako sa games. I made sure na kami ang mananalo at ito na nga, kami ang leading.

"Kuya VInce, panalo tayo!" sabay high five sa mga kasama kong bata. Napatingin ako sa gawi ni Axl na napapakamot nang ulo. Syempre natalo ko sya.

Matapos ang halos forty minutes na paglalaro ay nagkaroon kami nang maikling merienda. Katabi ko ngayon si MIa, "Alam mo nakakalungkot kasi di ko manlang naranasan na makapaglaro na katulad nila." ramdam ko sa boses nya ang lungkot but I have to be firm dahil hindi ko ipagpapalit ang safety nya sa kahit ano.

"Happiness is more than that Mia," sagot ko. "Mas malalim pa yun sa mga nakikita mo. Look at them Mia." sumunod ito sa sinabi ko. Pinagmasdan nya ang mga bata na nagtatawanan habang kumakain nang sandwich.

"Wala silang magulang, once in their lives naramadaman nila na mag-isa sila, hopeless. But hope comes noong nakita nila ang sarili nila na hindi na sila mag-isa. Yung tawa nila na naririnig mo, those beautiful smiles, lahat yun hindi dahil sa lang nakakapaglaro sila. The reason behind those were the joy that comes from here." tinuro ko ang dibdib ko kung saan nakatapat ang puso ko.

Bumalik nang tingin si Mia sa akin, doon ko napansin na may luha na pumatak mula sa mata nya. "You're right Vince." ngumiti ito habang patuloy ang pagpatak nang luha. Pinunasan ko nalang ito at humarap sa kanya, "Kaya ikaw, kapag nakakaramdam ka nang lungkot, isipin mo lang katulad ka nang mga bata na yan, hindi ka na rin mag-isa."

..

..

..

"Okay kids are you ready to have your own puppies?" nagtinginan ang mga bata na dahilan na gusto kong tumawa nang malakas. Sa tindi nang lakas nang loob ni Axl na humarap sa mga bata para ulitin ang ginawa nito ilang taon na ang nakalipas.

"Kids iba 'to, hindi tayo magdo-drawing. Promise." mukuhang nagbago ang timpla nang mga bata nang marinig mula kay Axl na iba ito sa ginawa nila noon.

"Aray" biglang sabi ko. Paano bigla nalang may humampas nang braso ko. "Anong problema mo Yna?" bigla nalang kasing nanghahampas.

"Kanina pa kita tinitingnan, you're laughing at him." sabi nito.

"Ang lakas din naman kasi nang loob nang boyfriend mo." sabi ko.

"Lahat ba may hawak nang papel na katulad nito?" itinaas ni Axl ang isang square na papel at gumaya din ang mga bata para maipakita na may hawak na silang papel. "Lahat ba may hawak nang color pen?" at sumagot din ang mga bata.

"I guess everyone is ready..." itinaas muli ni Axl ang papel na hawak. "Okay, susundan nyo ang gagawin ko. Gagawin nating triangle ang papel na ito. Katulad nito." itinupi nito ang papel para gawing triangle at ginaya naman sya nang mga bata.

"Vince oh, ikaw lang ang hindi gumagawa ka rin; hindi yung tawa ka nang tawa dyan." si Mia inabutan ako nang papel. "Mukhang okay naman eh." sabi ni Mia bago bumaling kay Axl para sa mga susunod na instruction.

"Alam mo Mia if you want a puppy kaya kitang bilhan, baka kasi madisappoint ka sa magagawa mong puppy eh." agad naman akong nakaramdam nang malakas na hampas, katabi ko nga pala si Yna. "Susuntukin na kita Vince, wag mong tinatawanan si Axl,"

"Oonga naman, ang cute nya nga oh. He looks so excited and it seems like he knows what he is doing." napailing nalang ako. Talagang dapat dalawa pa sila na kumampi kay Axl.

"Hakawan ninyo ang dalawang dulo nang base nang triangle. Tapos itupi nyo sya sa gilid nito para magmukhang tenga nang aso." mukhang naghanda nga talaga si Axl sa ginagawa nya.

"Wow, this is amazing." bilib na bilib talaga si Mia kay Axl. Eh basic lang naman itong ginagawa ni Axl. Pero hindi nalang ako umimik.

"Buti pa si Mia marunong mag-appreciate, unlike you Vince." panunumbat ni Yna.

Hindi nagtagal natapos din ang ginagawang puppy at maraming bata ang naging masaya. Tinaas nila ang mukha nang aso na nagawa nila. Ginawan nila ito nang mata at inayos ang kulay. Masasabi ko na nagenjoy ang mga bata.

"I'm so proud of you babe..." salubong ni Yna sa papalapit na si Axl bago hinalikan ito sa pisnge. YUmakap naman sa bewang ni Yna si Axl at nagpasalamat.

"Oh kayo? Nag-enjoy ba kayo?" tanong ni Axl sa amin. "Ikaw Mia? Nag-enjoy ka ba sa puppy na ginawa mo?"

"Sobra! Ito nga yung gawa ko oh,"

"Wow! Maganda!" sabi ni Axl. Ako nanatili lang na tahimik. "Ito ring gawa nang maganda kong girlfriend oh," pagmamalaki sa gawa ni Yna. "Ibibigay nga namin ito kay Baby Andy eh. Teka, ikaw Vince, nag-enjoy ka ba?"

"Tinatamad ako magtupi nang papel."

"Naku Babe, sobrang nag-enjoy si Vince. HIndi lang nya pinapahalata. Kaya halika na, hinihintay na tayo ni Andy." hindi na ako umimik. Naiwan nalang kami ni Mia ang umalis ang dalawa.

"Ahm, Vince.. can I ask you a question?" bumaling ako sa kanya. "ahm, do you still have feelings for Yna? Ahm, nagseselos ka parin ba sa kanilang dalawa?" hindi ako agad nakasagot. Natigilan ako.

"Napapansin ko na hindi ka comfortable with Axl." huminga sya nang malalim. "Pasensya na sa tanong ko ha, okay lang kung di mo sagutin." tumango lang ako. "Halika, merienda tayo. Gutom na ako." pumayag na ako. Wala parin sagot sa tanong ni Mia.



----------------

"Love your neighbor as yourself." Matthew 22:37


Note: Sakit sa ulo nang update na ito. Hahaha! Goodnight!

Beautiful StrangerWhere stories live. Discover now