Kabanata 38

3.7K 141 69
                                    

38 – Well

I felt weak. My knees were trembling even though I got into the car safely. Basang-basa ng luha ang pisngi ko, habang nangangatal ang panga ko sa takot. I left him there. Sa pagtakbo ko ay ang pagpasok niya sa loob ng warehouse upang tumulong.

My hands were shaking while trying to get any information about them. Malayo ang kotse sa pinangyayarihan ng engkuwentro ngunit sapat ang kagamitan nila para malaman ang nangyayari sa lugar. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mayroong masamang mangyayari kay Zion.

"K-kumusta po sa loob, General Diaz?"

Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy sa pakikinig. He was talking to someone through the radio. Hindi ko maintindihan ang pag-uusap nila kaya wala akong magawa kung hindi ang piping magdasal na sana ay walang mapahamak sa kanila.

Almost fifteen minutes passed and they never said a word to me. Parang masisira ang ulo ko at sasabog ang dibdib ko sa pag-aalala. Mula sa backseat ay nanginginig kong inabot muli ang heneral.

"Makakalabas na po ba sila? Bakit ang t-tagal nila sa loob?"

He continued connecting to one of the agents inside. Parang nabuhayan ako ng loob nang positibo siyang sumenyas sa nagmamaneho. Is it done? Ligtas na sila?

"Hospital. Patungo sila sa ospital." aniya.

H-hospital? Nasugatan ba siya? Zion was hurt? Imbis na makampanteng tapos na ang nangyayari ay mas lalong kaba ang idinulot no'n sa akin. I wanted to go back to the scene but they won't let me, for sure. Wala akong magagawa kung hindi ang sa ospital dumiretso.

I immediately ran out of the car when we arrived. Sa mga ambulansiyang dumating ay nakita ko si Waldo na sugatan ngunit wala na akong pakialam pa. I ran to the emergency room and looked around. Everyone was busy trying to mend those wounded. Puno ng luha ang mga mata ko nang hawiin ang bawat kurtinang nakaharang para lamang mahanap kung nasaan siya.

"Z-zion!" I shouted.

I wiped my tears away and ran to the other side of the huge room. Nang mahawi ang panghuling kurtina ay para akong napako sa kinatatayuan ko. Zion was inside, with blood gushing down from his shoulder. Halata ang sakit sa kaniyang mukha, ngunit nang makita ako ay agad siyang umiling.

"Daplis lang, Daia. Huwag kang mag-alala."

"Daplis? T-that's a lot of blood!"

Napalunok ako at hindi nakalapit. He couldn't move his right arm. Dalawang nurse ang sumusubok na umasikaso sa kaniya habang ang isa ay sinasabihan akong lumayo muna sa pasyente. Butil-butil ang pawis ni Zion habang ayaw ipakita sa akin ang pag-inda niya.

"I'm okay. Kakausapin ko muna ang doktor."

"S-sasama ako. Makikinig ako sa sasabihin niya."

Director General Diaz tapped my shoulder before nodding his head at me, agreeing to whatever Zion said. Umiling ako upang magpumilit na manatili ngunit mukhang hindi talaga ako papayagan ni Zion na manatili rito.

"Naghihintay sa labas ang mga kaibigan mo, Daia. Sila muna ang asikasuhin mo."

Desperada kong hinilot ang sentido ko at umatras. For sure Giselle and Jewel have heard of what happened. Sasabihin talaga iyon ng mga bantay sa kanila. Pinunasan ko ang luha ko at tuluyang lumayo upang maisara ang kurtina. I turned and saw my friends.

"Daia! Salamat sa Diyos at okay ka!"

A man entered the emergency room, screaming because of pain. It was Waldo. Nagngitngit ang panga ko sa galit dahil sa kaniyang ginawa. Mahigpit akong niyakap ni Jewel habang si Gigi ay humarang upang huwag ko nang tignan ang lalaking iyon. I hate him so much.

Hands in Heaven (Louisiana Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon