Ch 114

1.6K 92 2
                                    

Chapter 114

       TP's pov

"Anong sabi mo?" - tanong ulit ng emperor sa kanyang Aide

"May natagpuan na mga nagkalat na katawan sa harap ng puntod ng dating reyna,sa harap ng throne room,sa harap ng palasyo at sa harap ng silid ni princess Yerovica" - pang-uulit ng aide sa sinabi nya kanina

"Skyler ano ang naging reaksyon ng prinsesa?" - Malamig na tanong ng emperor

'Seryoso ba sya,mas una nyang itatanong kung anong reaksyon ng prinsesa' - skyler's mind

"Natakot ang prinsesa kaya hindi pa sya lumalabas sa silid nya,hindi nyo ba sya pupuntahan?"  - Tanong ng aide sa emperor

gumuhit ang ngisi sa labi ng emperor

"Did you inspect her room?" - Tanong ng emperor na ikinataka ng kanyang aide

"Pardon?" - nagtatakang tanong ng aide

Tumayo ang emperor mula sa pagkakaupo at naglakad papalapit sa bintana

"My daughter,Princess yerovica
Ibilang mo sya sa mga taong hindi mo dapat husgahan dahil lang sa panlabas na kaanyuhan" - mahabang lintaya ng emperor at tumingin sa labas ng bintana ng kanyang opisina

Mula sa kinatatayuan nya ay makikita mo ang loob ilang kabahayan sa labas ng palasyo

"Alam ko ang nangyayari sa loob ng sarili kong empire,skyler" - malamig na sambit ng emperor

"Kung alam nyo naman pala ang lahat,bakit hindi nyo tinutulungan ang ikaapat nyang anak?" - tanong ng kanyang aide

"I believe that my daughter is strong enough to defend herself from those b*stards" - sabi ng emperor

'Tiwalang tiwala ang emperor na maipagtata---' - hindi natapos ni skyler ang Mahabang pag-iisip ng sumagi sa isipan nya ang nangyari kamakailan lang.

Nagalit ang dragon na pumoprotekta  sa empire at pinatumba nya ang lahat maliban na lang kay yerovica na nananatiling nakatayo at parang wala lang nangyari

'Mukhang malakas ang prinsesa subalit bakit nya itinatago ang abilidad nya?' - takang tanong ni skyler sa isipan

Yerovica pov

Acchhu~

"Natapos na rin ako,your highness" - sabi ni maddie

Gusto ko sanang tulungan si maddie na linisin ang silid ko pero tumanggi ito at sinabing magpahinga na lang ako

Ayos na sana ang lahat pero nagkalat talaga si light
(Refering at the body of a assassin in front of her room)

[~Ang utos mo ay ilagay ko yung mga katawan sa lugar  kung saan mapapansin nang lahat,all i did are just your command~] - pagtatanggol ni light sa sarili

- Dinumihan mo ang puntod ni mommy veronica,i hate you-

[~Like i care,human~] - light

"salamat,maddie" - nakangiting pasasalamat ko kay maddie

Kailangan kong bumuo ng ilan pang alliance sa loob ng palasyo,soon magiging count na si dustine habang si venice ay magiging countness.

Ikakasal silang dalawa sa susunod tatlong araw,event before the Empire National day.

About sa empire national day,ipagdiriwang ang araw kung kailan ginawa Nang unang emperor ang imperyo

Sa araw na yun mismo magaganap ang imperial knights Entrance competition,'kyahh im excited'

"Your highness paano nyo nga pala nalaman hindi namatay si queen veronica sa panganganak?" - Tanong ni maddie sa akin

"Nakakaalala na ako" - direksahang sagot ko

Automatikong nabitawan nya ang panyong hawak nya

???

"Ano nga ulit ang sinabi nyo,your highness?" - Tanong ni maddie sa akin

omy binigla ko ba siya?

"Nakakaalala na ako,maddie" - masiglang sambit ko

A MOMENT OF SILENCE~

Naluha naman si maddie

"Congratulation,your highness" - umiiyak na sabi nya

[~She's over acting~] -  light

"Gulpihin na natin ang mga nanakit sa inyo noon,your highness" - sabi ni maddie at ipinakita ang kamao

'Pfft~'

"Your highness huwag mo kong tawanan sa isipan nyo,seryoso ako" - sabi ni maddie

"Naalala nyo na ba si prince kayden?,yung lalaking kasama nyong nahulog sa lake?,yung dapat na fiancee nyo" - mahabang lintaya ni maddie

SILENCE~

Agad na tinampal ni maddie ang bibig nya

Masyadong TANGA yung yerovica noon dahil mas pinili nya si khalid kaysa sa taong handang sumalo ng palaso para sa kanya.

Kayden....

"We already met,maddie" - nakangiting sambit ko

"Sa pagkakaalala ko ay dalawang buwan syang tulog matapos nyang malunod kasama nyo,princess" - sabi ni maddie

Uhmm nauna pala syang nagising kaysa sa akin

"Hindi ko na matandaan ang mukha ng prinsipe" - rinig kong bulong ni maddie

Gusto kong sabihin kay maddie na si kayden ang nagpakawala sa kanila ni sir henly noong nakakulong sila sa bahay ni baron elijah

Kahit hindi pa ako nakakaalala ay mapapansin ko agad na isang prinsipe si kayden.

Ang gwapong bata kaya ni kayden.

"Narinig ko na isa sya sa mga bisita na darating sa empire" - sabi ni maddie

"Talaga?" - kusang umakto ang katawan ko ng di inaasahan

"Nagagalak ka na bang makita sya ulit?" - Nakangiting tanong ni maddie sa akin

Umiwas ako ng tingin

"Magkaibigan kami kaya normal lang na magalak akong makilala sya" - sabi ko

"Dalaga na si your highness" - asar ni maddie sa akin

Uhmp

"Hindi ko pala napapansin si sir henly lately" - sabi ko

"…"

Oh di ba natahimik sya kekeke

May something na nangyayari between them lately,hindi ko na lang masyadong pinagtutuhunan ng pansin iyon dahil ayokong pakealaman ang private life's nila.

"Your highness mapagkakatiwalaan ba natin sya?,sa pagkakaalala ko ay nagtratrabaho sya sa empress" - sabi ni maddie

Isang ngiti lang ang ipinakita ko sa kanya

Naisip ko na rin yun

"Isang matalinong kawal si sir henly at alam kong papanig sya sa atin" - nakangiting sambit ko

<Chapter 114 ends>

Reincarnated princessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon