Conquest 30 *A Novelist*

696 35 1
                                    

              Conquest 30 *A Novelist*

                        Vincent's POV

"Falling in love with me." Sabi ng isang babaeng may hawak ng necktie ko at nakaupo ngayon sa desk ko.

"H-hah?" Iyan lang ang tanging nasabi ko dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon.

Agad naman siya lumayo sakin at inayos ang sarili habang nakatingin sakin pero poker face pang siya.

Teka, ano na ang nangyayari sa mundo? Bakit babae na ang gumagawa ng first move sa lalaki?

Kasalukuyang nakanga-nga parin ako bakas ng pagkagulat. Humila siya ng isang upuan at inilagay sa harap ng dask ko tsaka siya umupo roon ng maayos at sabay labas ng isang makapal na libro.

Nandito kami sa classroom, mabuti na lang at wala pang tao dahil isang oras pa bago magsimula ang klase.

"Sabi dito sa librong ito, para makagawa ka ng isang magandang kwento ay dapat may inspirasyon ka." Poker face parin niyang sabi.

"Kaya?" Tanong ko sa kanya pero nakakunot ang noo ko.

"Gusto kong gumawa ng love story. Kailangan ko ng inspirasyon kaya ikaw ang napili ko." Itinuro niya ako gamit ang kanyang hintuturo.

"B-bakit ako?" Tanong ko habang nakaturo sa sarili ko. Tsk! Bakit ko pa tinanong. Syempre, kaya niya ako pinili ay dahil sikat at gwapo ako aba! Ako yata ang prince ng school hahaha!

"Mukha ka kasing mang-mang." Diretso niyang sabi sakin pero hindi siya nakatingin sakin sa halip ay nakatingin siya sa libro niya at binubuklat-buklat ito.
At sa pangalawang pagkakataon ay napanga-nga nanaman ako. Sa gwapo kong ito, nagmukha pa akong mang-mang as in walang alam ganon.

"H-haha wag ka nga magbiro ng ganyan, alam ko namang- naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita rin siya.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Sabi niya habang nakatingin sakin ng seryoso

"H-hindi," Sagot ko.

Pagkasabi ko nun ay bigla siyang tumayo at tinuro muli ako pero this time yung libro na yung ginamit niya sa pagturo sakin.

"Simula mamaya... BOYFRIEND na kita." Sabi niya sabay alis ng classroom.

Inumpog ko na lang yung ulo ko sa desk. "H-haha kakaibang babae yun ah." Sabi ko sa sarili ko.

Naalala ko pa kung paano siya pumasok sa classroom.

                            Flash back

Payapa pa akong natutulog sa loob ng classroom habang nakabaon pa yung ulo ko sa desk nang narinig kong nagbukas ng pinto, inakala kong si Rex lang iyon kaya pinagpatuloy ko ang pag-syesta ko.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityWhere stories live. Discover now