58

166 10 13
                                    

Short Narration Ahead

Arden's POV

"I hate strawberries," inis na sabi ni Nadia at sinaraduhan ako ng gate. Bumagsak naman ang balikat ko.

Lumingon ako sa tindahan at nakita si Zia na tumatawa.

"Aish, siya lang pala yung may gusto nung strawberry..." naiiling na bulong ko.

"Bakit ka nagsinungaling?" kunwaring galit na saad ko nang makalapit sa kanya.

Tatry ko lang kung matatakot ba siya. Para na rin sabihin niya ano yung totoong favorite food ni Nadia na magpapabati sa'min.

"R-relax ka lang, s-sasabihin ko naman yung favorite niya, eh," alanganing natawa siya saka sinubo yung strawberry.

"Ikaw lang pala yung may gusto niyan, eh. Tsk. Sabihin mo na, ano talaga yung paborito niya?" tanong ko at bahagyang lumapit sa kanya. Napaatras siya.

"C-c-chocolate..." halos bulong na sabi niya. Natawa naman ako. "B-bakit ka tumatawa?"

"Grabe kasi yung utal mo," natatawang sabi ko. "Tsaka 'di naman ako galit, salamat."

***

"Hinga ka muna Arden, kaya mo 'yan," bulong ko at huminga ng malalim. Inilapit ko ang kamay sa doorbell. "Pindutin mo," bulong ko sa sarili.

"Para kang tanga, dre," napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko ang napapailing-iling na si Aries.

"B-bakit?" Tangina, ba't ako nauutal?

"Weak mo talaga, dre. Gusto mo ako na yung pumindot niyan para sa'yo?" tanong niya. Agad naman akong umiling. "Gago, kanina pa kaya kita nakikita diyan na nakatayo."

"Ngayon lang kaya ako tumayo dito," pagsisinungaling ko. Umiling siya at nanlaki ang mga mata ko nang pindutin niya ang doorbell nang pagkaraming beses. Pagkatapos no'n ay tumakbo siya sa tindahan nila Zia.

"Gago," bulong ko.

"Me? Gago?"

"Ay gago!" wala sa sariling sigaw ko nang may magsalita. Unti-unti akong humarap sa nagsalita.

I gulped really hard as I saw Nadia in front of me. She was just wearing an exercise outfit, her hair was all over the place and a small beads of sweat can be seen on her forehead, but still... she looks so gorgeous...

Well, as always.

"Mas gumanda ka yata," I mumbled under my breath. Takang napatingin siya sa'kin.

"What?"

"Ah, sabi ko... gusto mo?" I asked and showed her the bouquet of chocolates. Lihim na napangiti ako nang makita ko kung paano magliwanag ang mukha niya.

"U-uhm, is that for me?" tanong niya at tinuro pa ang sarili. I nodded.

"Asa ka," sabi ko at inilayo yung bouquet nang akmang kukunin na niya 'yon.

"What the hell?! Argh, I hate you na talaga!" she hissed then turned her back at me. Napasapo naman ako sa noo ko.

"I-I'm just kidding Adi... sorry," I said in a really low voice so that she could feel my sincereness.

She face me and looked at me from head to toe. After that, she rolled her eyes. She even flipped her hair!

Ang taray.

"Well, It seems like you're really sorry naman talaga. I can feel your sincereness while you're saying it—"

"So, okay na ta—"

"But, don't you dare cut me off," putol niya sa'kin. "I forgive you na, pero I'll forgive you nang super, yung as in papansinin na kita... If you say that your sorry, while being conyo," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"C-conyo?"

"Hm!" she nodded while a smile was plastered on her pretty heart-shaped face.

"How could you smile like that?" I asked that made her eyebrows furrowed. "Just seeing you smile, makes my heart flutter..."   

She blinked a couple of times before talking. "H-ha?"

"Hakdog," bulong ko. She pouted. "You're so cute—"

"Stooooop!" she shouted and hush me. "I already know that I'm cute, so don't say it na! Just do what I said earlier. Speak just like how I speak!"

"R-relax, your... puso?" halos bulong na sabi ko. Taena, ito na yata yung pinakamahirap na gagawin ko sa tanang buhay ko.

A soft chuckle escape her lips when she heard what I've said.

"Yeah, it's kinda like that! Pero you're just a newbie kaya I understand why it doesn't sound cute pa," she said, amusement can be seen on her face.

"Really ba?" tanong ko at mariing napapikit nang may marinig na tumawa sa may likuran ko.

"'Yan, ayos dre, ah."

"Tangina mo dre, ano'ng ginaga—"

"Also, stop cursing, It's so nakakaasar kaya," putol sa'kin ni Nadia. And the way she said that, it looks like she really don't want me to hear cursing. Salubong kasi ang mga kilay habang sinasabi niya 'yon with matching padyak pa.

She's like a spoiled brat who can't get what she want. But still... she looks cute... beautiful.

"You look so... ganda," natigilan siya nang marinig ang sinabi ko.

"S-sabing stop na, eh."

"Stop... saan?"

"Stop complimenting me na! Its making me kilig, eh!" natigilan siya at tinakpan ang bibig niya. "Omg! Argh, alis ka na muna nga," sabi niya at sinarado ang gate.

"W-what just happened?" 

"Kinilig daw siya," sabi ni Aries at tinapik ang balikat ko. Napadaing naman ako nang may tumapik na malakas sa kabilang balikat ko.

"Ay, sorry. Napalakas ba?" tanong ni Zia pagkalingon ko.

"Hindi, ang hina nga, eh," sabi ko at akmang  iaabot na sa kanya yung bouquet ng chocolate nang may sumigaw mula sa taas.

"Don't!" Napakunot ang noo ko sa sigaw ni Adi.

"Ha?"

"Halaman!" sigaw niya na ikinatawa ko. "Don't laugh!" sigaw niya ulit kaya ngumiti na lang ako.

"Baki—"

"Don't smile like that nga! Kaasar, eh. Tsaka don't give my chocolates to Zia! She'll make ubos those niyan, eh," sabi niya at pumasok na sa loob.

Sabay-sabay kaming napatingin nang bumukas ang gate nila Nadia.

"W-where's Ma'am Nadia's tsokolate?" tanong niya. Agad na narinig ko naman ang impit na tawa ng dalawa sa likuran ko. I just purse my lips to refrain myself from laughing.  

"Here's Nadia's tsokolate na po," I said, even emphasizing the word 'tsokolate'. Inabot ko sa kanya yung bouquet ng chocolate.

Sinarado na niya yung pinto kaya humarap na 'ko sa dalawa.

"Gago, ba't kayo tumawa?"

"Tumawa ka rin nga, dre," sabi ni Aries. "Bakit  ba kasi nag-conyo 'yon'?" tanong niya. Napakibitbalikat ako.

"Well, Nadia wants everyone around her to be conyo, so... yeah. That explains it," Zia explained. Napatango na lang kami ni Aries.

"Aish, she's really crazy," bulong ko.

"Hey, I heard that, ha!"

"Nadia?" gulat na tanong ko nang bumukas ang gate at bumungad agad si Nadia.

Don't Me, ArdenWhere stories live. Discover now