Special Chapter

45 2 0
                                    

Arden's POV

"Dre, uwi na 'ko," sabi ko kay Aries. Nandito ako sa kanila dahil sinabi niyang magpapatulong daw siya sa nililigawan niya.

Pero ang gago, wala naman palang nililigawan, gusto lang niyang malaman kung ano'ng nangyari sa'min ni Nadia.

Gago, 'no?

"Gago, dre. 'Di mo pa nga nakukwento," usal niya at binatukan ako.

"Bahala ka diyan. Kalalaki mong tao, chismoso ka. Uuwi na 'ko, dahil kapag naabutan ako ng ulan papaligpit kita."

"Ganyan ka na ngayon, ah. 'Di ka na nagshe-share. Para kang 'di kaibigan."

"Saka ko na ikukwento," sabi ko at lumabas ng bahay nila. Tumakbo pa 'ko para 'di na niya 'ko mapigilan.

"Hoy kailan?" Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakadungaw siya sa bintana nila.

"Kapag nagkajowa ka na!" natatawang sigaw ko.

"Gago ka! Maulanan ka sana!" sigaw niya kaya napailing nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Malapit lang naman yung bahay namin sa kanila, kaya naglakad lang ako.

Natigilan ako sa paglalakad nang mag-vibrate yung phone ko. Kinuha ko yun at nakitang may bagong chat si Nadia.

Pero hindi ko na tinignan kung ano yun, dahil baka kung ano na namang masasakit na salita yun. Ayoko munang masaktan ngayon.

Magdadalawang linggo ko na siyang 'di chinachat. Kasi sabi niya, kung talagang gusto ko siya, huwag ko na siyang guguluhin. Kaya yun yung ginawa ko. Kahit mahirap pa.

'Di naman masyadong mahirap.

Parang tino-torture lang.

Tinago ko na ulit yung phone ko sa bulsa nang maramdaman ko ang patak ng ulan sa balat ko. Hindi na 'ko nag-abala pang tumakbo dahil bumuhos na rin naman siya.

Paepal...

Natigilan ako sa paglalakad nang may makita sa waiting shed. Isang babae na parang umiiyak. Pamilyar yung mukha niya, pero hindi ko alam kung sa'n ko siya nakita.

Lumapit ako sa kanya at inabot ko yung panyo ko sa kanya. Base lang sa tantsa ko, nasa 20's na rin siya.

O sobra? Malay ko ba kung bata lang talaga itsura niya.

Parang familiar naman 'tong ginawa kong pagbibigay ng panyo sa umiiyak na babae. Tapos umuulan din.

Parang nangyari na rin 'to nun. Pero hindi nga lang 'tong babaeng 'to yung binigyan ko ng panyo...

Si Nadia...

Yun yung araw na bagong lipat kami, nakita ko siyang umiiyak sa harap ng bahay nila.

Akala ko nga pulubi, eh.

Pero nung nakita ko siya, hindi naman pala.

Bakit ngayon ko lang yun naalala? Pero nung araw na yun, naging crush ko siya, kaso 'di ko naman siya laging nakikita kaya nawala rin.

Umupo ako sa tabi nung babae at tumikhim. Tumungin siya sa'kin.

"Uhm, pwede po magtanong?” tanong ko sa kanya. Halatang nag-aalangan siya pero tumango rin naman siya kalaunan. "Bakit po kayo umiiyak?"

Pinunasan muna niya ang pisngi niya na puno ng luha tsaka umayos ng upo. Pagkatapos ay tumikhim siya at nagsalita.

"Hindi naman kita kilala, so you're a stranger. I guess, I can tell you, right?" tanong niya.

"Malay ko po," biro ko pero wala naman siyang reaksyon, katakot.

"Hays, well," pagsisimula niya. "Something happened. My daughter and I fought abou—"

Don't Me, ArdenWhere stories live. Discover now