Chapter 14

1.6K 69 3
                                    

Warning: Mature Content| R-18


Kinabukasan ay nagulat si Xander nang makita niya ang ka-buddy niya na si Ruiz. Nakikipag kwentuhan ito sa ama niya habang sila ay nag-aalmusal.

Lumapit siya sa kubo na nasa ilalam ng malaking puno kung saan ay madalas sila nagsasalo salo lalo na kung marami sila. Bukod sa presko doon ay malaki ang lamesa at maraming mahabang upuan. Kaya kahit kumpleto sila ay kakasya silang lahat. Nakaupo doon ang kanyang ama habang nakikipag usap ito kay Ruiz.

"Aga mo bud ah." Bati ni Xander dito kaya agad napatingin sa kanya ang dalawa.

Ngumiti ito at tumayo. Lumapit ito sa kanya at nakipag man-hug pa. Kaya ginantihan niya ito ng yakap at tapik sa balikat.

"Kumusta? Kumusta sa maynila?" Tanong muli ni Xander.

"Ayon maynila pa rin." Ani naman ni Ruiz na sinamahan pa ng mahinang pagtawa.

"Oh kumain ka na riyan. Nasa kusina ang almusal ng asawa mo. Ikaw na ang bahala dito at akong pupunta pa sa bayan." Ani ng ama niya kaya tumango na lamang siya.

"Siya iho mauna na ako. Si Xander na lamang ang bahalang umistima sayo." Paalam nito kay Ruiz.

"Sige ho tay. Ingat ho kayo."

Nang maka alis ang kanyang ama ay umupo siya sa harapan ni Ruiz. Nagtitimpla siya ng sariling kape ng muling magsalita si Ruiz.

"Kumusta si Althea? May naaalala na ba siya?"

Umiling siya at muling itinuloy ang ginagawa.

"Wala pa bud. Gusto ko na ngang umamin sa kanya." Sagot naman ni Xander.

"Well nasa sa iyo yan kung gusto mo nang sabihin sa kanya ang lahat. Total pwede na siyang bumalik ng maynila. Nahuli na naman ni Herman. Kaya ligtas na siya."

Uminom muna siya ng kape na nasa tasa niya bago bumuntong hininga. Napatingin naman si Ruiz at kumunot ang noo nito dahil sa pagbuntong hininga ni Xander.

Naisip nito na mukhang may malaking problema ang buddy niya. Kaya mariin niyang tiningnan si Xander at saka niya ito muling tinanong.

"ikaw kumusta? May problema ba bud?" Tanong ni Ruiz kay Xander.

Kapagkuwan ay humugot ito ng malalim na hininga bago tumingin kay Ruiz.

"May nangyari na sa amin bud."

Naibuga ni Ruiz ang iniinom niyang kape dahil sa narinig. Nanlalaki ang mata niyang tumingin kay Xander.

"Tang... I... Na... Shit joke ba yan?"

Inis niyang tiningnan si Ruiz dahil sa tanong nito sa kanya. Nagpupunas ito ng tumapon na kape sa mesa.

"Mukha ba akong nagbibiro? At sa palagay mo magbibiro ako sa ganitong sitwasyon ko?"

"Tang ina bud.. Ang laki problema mo."

"Talagang malaki. At alam kong kapag bumalik na ang alaala niya ay kasusuklaman niya ako." Sandali siyang tumigil at tumingin sa mukha nito. "Pero alam mo, nung may mangyari sa amin pakiramdam ko iyon ang pinaka tamang nangyari sa buhay ko. Wala akong maramdamang pagsisisi. Siguro kasi mahal na mahal ko siya."

Kung siya ang papipiliin ay ayaw na niyang bumalik ang alaala nito. Gusto na niya na maging totoong asawa ito at makasama. Mahal na mahal niya si Althea at hindi niya alam kung kakayanin ba niya na mawala ito sa kanya. Sa buhay niya.

"Talagang nagsabay pa kayo ni Garcia. Malaki din ang problema ng isang iyon sa buhay pag-ibig niya." Tumatawang ani ni Ruiz kaya napatingin siya dito?

(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon