Chapter 19

1.5K 67 17
                                    

Napatayo si Althea mula sa kinauupuang batuhan nang makita kung sino ang nasa likuran niya. Binundol siya ng matinding takot at kaba nang makitang dahan dahan ang mga itong lumapit sa kanya.

"S-Sino kayo? A-Anong kailangan nyo?' Nanginginig niyang tanong sa mga ito. Pilit niyang pinapatapang ang sarili kahit sobrang lakas na ng kabog ng kanyang dibdib.

Ngunit imbis na sagutin siya ay tumawa lamang ang tatlong lalaki. Inilabas pa ng isang lalaki ang baril nitong hawak kaya agad na napaatras si Althea dahil sa takot. Luminga linga din siya at pilit na humahanap ng ibang tao na dumaraan sa lugar upang makahingi siya ng tulong. Ngunit sa kasamaang palad ay wala siyang makita.

"Hindi naman sinabi ni boss na napakaganda pala ng regalo niya." ani ng isang lalaki. Tumawa pa ang iba nitong kasama.

"Kung siniswerte ka nga naman. May bayad na may laman tiyan pa." Muling nagtawanan ang mga ito.

Halos manginig na sa takot si Althea. Pilit niyang isinisigaw sa utak ang pangalan ni Xander. Unti unti na rin pumapatak ang luha niya sa mata dahil sa takot.

"Tang ina. Tumatayo na si manoy. Excited masyado." Ani naman ng isa pa.

Dahil sa matinding takot ni Althea ay tumakbo siya palayo sa mga ito ngunit hinabol siya ng mga ito. At nang maabutan siya ay hinawakan siya sa magkabilang braso kaya nagsisisigaw siya habang nanlalaban at pilit na kumakawala.

"Pa-parang awa nyo na. Please please huwag po!" Humahagulgol niyang ani habang pilit kumakawala sa pagkakahawak ng mga lalaki.

"Huwag kang mag-alala miss. Masasarapan ka sa gagawin namin."

"Tama, dahil dadalhin ka namin sa langit."

Kahit takot na takot siya ay nagawa pa niyang kagatin ang isang lalaki na nakahawak sa kamay niya.

"Argh! Tang ina mo!!" Sigaw ng lalaki matapos niya itong kagatin.

Halos mabingi si Althea ng bigla siya nitong sampalin ng malakas sa mukha. Nahilo siya dahil sa tindi ng pagkakasampal nito sa kanya. Nalasahan din niya ang sariling dugo sa labi.

Dahil sa ginawa nito ay nanghina si Althea ng bahagya ngunit pilit pa rin siyang kumakawala sa mga ito. Hindi siya makapapayag na magawa ng mga ito ang gusto nilang mangyari.

Naisip niyang mabuti pang mamatay na lamang siya bago siya mapagsamantalahan ng mga ito. Dahil kung magkataon na mangyari iyon ay wala siyang mukhang ihaharap kay Xander. Dahil kahit siya ay mandidiri sa katawan niya kung bababuyin siya ng mga ito.

Bumwelo si Althea at sinipa ang ibabang parte ng katawan ng lalaking nasa kanyang harapan kaya napalayo ito sa kanya at napahiga bago nagmumurang hinawakan ang kanyang pagkalalaki na sinipa ni Althea.

"Shit shit tang ina! Papatayin ko talaga yang babae na yan!" Galit na galit na ani nito.

"Bitawan nyo ako! Sino ba kayo? Ano bang kasalanan ko sa inyo?!" Sigaw ni Althea.

Ngunit imbis na sagutin siya ay lumapit ang lalaking kanyang sinipa at sinuntok siya nito sa kanyang sikmura kaya agad na nanghina si Althea at impit na napa ungol dahil sa sakit.

Napadaing siya sa sakit na nararamdaman. Sunod sunod ang pagbuhos ng kanyang luha sa mata dahil pakiramdam niya ay iyon na ang kanyang katapusan.

"X-Xander p-please help me. Mister ko." Paos niyang bulong habang umiiyak.

NANG MAKARATING si Xander kasama si Ruiz sa bahay nila ay agad niyang hinanap si Althea buong kabahayan.

"Althea! Misis ko!" Sigaw ni Xander na inikot ang buong bahay. Tiningnan niya ang kwarto at kusina pati na rin ang banyo.

(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An AgentWhere stories live. Discover now