Finding My Place in Your Heart

115 7 14
                                    

Prologue


August 14. Birthday ni Papa.


Huminga ako ng malalim bago tanggalin ang tingin sa kalendaryo na nasa aking harapan. Bago pa tuluyang magbago ang mood ko ay bumaba na ako sa aming kusina kung nasaan kumakain ng hapunan ang mga kuya ko. Si Mama ay wala pa at siguradong nagtatrabaho pa.


"Birthday na niyan ni Papa, Elisha..."


Mula sa pagsasandok ng kanin ay napitigil ako dahil sa binanggit na iyon ni Kuya Weston. Kahit ang isa ko pang kapatid na si Kuya Easton ay napatingin sa kanya.


"Babatiin mo ba? Pupuntahan mo ba? May inihanda ka na ba na regalo para sa kanya?"


Bumuntonghininga ako at tuluyang ibinaba ang sandok. "Busog pala ako." saad ko't naglakad patungo sa aking kwarto. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila.


Kailangan pa ba talaga na pag-usapan iyon? Lalo na't nasa harapan kami ng hapagkainan? Nawalan tuloy ako ng gana.


There are only two men I hate in my whole life. One of them is my papa.


Ang huling alala ko na ipinagdiwang namin ang kaarawan niya kasami siya ay noong limang taong gulang pa ako. I hated him so much. He cheated on my brother. He abandoned his children.


Ang aking nanay ay laging pinapaalala sa akin na maging mabait ako kahit ang mundo ay hindi. I don't know how can she forgive my papa. Ako, hinding-hindi ko siya mapapatawad. He left us to create a new family. Alam kong hindi siya masaya sa amin pero hindi iyon sapat na rason para iwanan ang responsibilidad niya bilang ama.


He didn't just cheat on my mama, but he also cheated on us.


Laging sinasabi sa akin ni Mama na maging mabait ako at sinusunod ko naman iyon. Pero hindi ko magawa-gawa iyon sa dalawang taong sobrang kinamumuhian ko.


Agad kong pinunasan ang luha na tumakas sa aking mga mata nang may kumatok sa aking kwarto. "Elisha? Pwede pumasok?" rinig kong boses ni Kuya Easton.


"Bukas 'yan."


Pumasok si Kuya sa kwarto ko at agad kong nakita ang pag-aalala sa kanyang mukha. Hindi ko maiwasan na matawa.

ㅤ 

"Okay lang ako, Kuya..." inunahan ko na siya ngunit hindi parin naalis ang pag-aalala sa kanyang mukha.


"'Wag mo na pansinin iyon si West, alam mo naman na miss niya na rin si Papa."


Halos umikot ang mata ko sa narinig.


"At alam mo niya rin na gusto mong makita si Papa-"


"Ayaw ko siyang makita." putol ko. Narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga.


Finding My Place in Your Heart (Sitio Series #2)Where stories live. Discover now