KABANATA 51: "PAANO KUNG NAINLOVE NA TALAGA AKO SA IYO? ANG HIRAP MAGMOVE-ON"

17 0 0
                                    

KABANATA 51: "PAANO KUNG NAINLOVE NA TALAGA AKO SA IYO? ANG HIRAP MAGMOVE-ON"

Part 1:

Patuloy ngang namasyal ang mga magkakaibigan doon sa pasyalan nila Donya Serina na tinatawag nilang Place of the Autumn sa Ilinip.

"Wow, habang naglalakad tayo papalayo sa inyo Donya Serina, parang gumaganda ang nakikita kong view dito."

"Oo. Tama ka Don Paulo. Natuklasan ko lang ito last year. Pasensiya na Don Paulo, hindi ko maala-alalang tawagan ka last year eh kasama ang kaibigan natin."

"Okey lang iyon Donya Serina. At least, nandito na tayo ngayon diba?"

"Oo nga," ngiti ni Donya Serina.

Naglakad-lakad sila kung saan-saan. Habang lumalayo sila ay dumadami ang nakikita nilang mga tao.

"Wow, ang dami nang tao dito ah."

"Oo nga Don Paulo, ang daming kumukuha ng kani-kanilang mga litrato. Dito kasi iyong pinakamagandang parte."

Nagpakuha nga si Don Andrew ng kanyang litrato.

"Uy, Don Paulo, kuhanan mo naman ako ng litrato oh, pangchange profile lang."

"Oh Sige. Akin na iyong cellphone mo."

"Salamat Don Paulo, mabuti ka talagang kaibigan."

Kinuhanan nga niya ito ng litrato at pagkatapos niyang makuhanan ay nagpakuha nga rin si Don Ian.

Matapos na makuhanan ni Don Paulo ang dalawa ay dito nga rin humingi ng favor si Donya Cassiopeia.

"Don Paulo, pwede mo ba kaming kuhanan ng picture ng aking boyfriend?"

///BOYFRIEND!!!///

"Boyfriend mo siya Donya Cassiopeia? Akala ko, kaibigan mo siya. Nahihiya lang kaming kausapin siya kasi hindi naman siya gaanong nakikipag-usap sa atin," sabi ni Donya Serina.

Ang boyfriend nga nito ay tumitingin-tingin sa paligid habang sila ay naguusap-usap.

"Oo, mahiyain kasi siya ngunit mabait siyang tao," sabi ni Donya Cassiopeia.

"Kailan kayo naging magkasintahan? Kwento mo naman Donya Cassiopeia," sabi ni Don Paulo.

Biglang lumapit sa kanila sina Don Ian at Don Andrew.

"Uy, ba't ang ingay niyo mga kaibigan at saka parang gulat na gulat kayo?"

"Hmm, Don Ian, ano kaya kung tanungin mo sila."

"Oo nga. Hello guys, ba't ganyan ang mga reaction niyo?"

"Si Donya Cassiopeia bro, kasintahan niya pala ang lalaking iyon?"

"What?! Kailan?!"

"Hindi ko alam iyan ah."

"Guys, sasabihin ko na. Huwag kayong magmadali."

"Sige, Donya Cassiopeia," sabi ni Donya Serina."

Ibinahagi nga ni Donya Cassiopeia kung bakit sila nagkatuluyan.

"Ganito kasi iyon. Ang pangalan ng boyfriend ko ay John Michael. Alam niyo na siguro na mahiyain o siya introvert dahil sinabi ko na kanina. Kaya, hindi siya close sa inyo at hindi siya gaanong nagsasalita."

"May tanong ako, Donya Cassipeia, kailan mo siya nameet?" tanong ni Don Paulo.

"Aksidente kaming nagkabanggaan sa daan, sa tapat ng aming bahay. Tapos non, nalove at first sight ako. Tinulungan niya akong kunin ang mga librong aking nabitawan at nagkalat sa daan. Tsaka, ibinigay sa akin. Ayon, nagkakilala kaming dalawa. Matapos non, lagi na kaming nagchachat sa isa't-isa sa aming messenger. Tapos, ilang araw lang ang lumipas linigawan niya ako at siya ay nagconfess sa messenger. Agad ko naman siyang sinagot kahapon dahil mahal ko siya. Tsaka, alam na nito ng aking nanay at okey naman siya na magkaboyfriend ako."

You are My Sunshine (Last, Volume 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon