KABANATA 59: "ANG BAHAGHARI AT ANG PAGWAWAKAS NG KASAMAAN"

9 0 0
                                    

"ANG BAHAGHARI AT ANG PAGWAWAKAS NG KASAMAAN"

May 15, 2020

9:00 A.M.

Sa oras na ito ay unti-unting naging puti ang mga ulap. at kasabay nito ay unti-unti ring nakikita ng mga tao ang mga sinag ng araw.

Umambon nga ng kaunti.

Hanggang sa unti-unti ring nagkamalay si Don Paulo at pati ang kanyang mga kaibigan.

Napansin nila na bumalik na ang dati nilang anyo at napansin rin nilang nawala na ang kanilang kwintas sa kanilang mga leeg.

"Don Paulo! Okey lang ba kayo? Hindi ko tuloy natandaan kung ano ang nangyari pagkatapos ng aming laban?"

"Okey lang naman ako Don Andrew, sa tingin ko tapos na ang laban!"

"Ang sakit ng katawan ko," sabi ni Donya Cassiopeia at pati na rin si Don Ian.

"Pero, nasaan na si Donya Serina. Naku! Hanapin natin siya. Huli ko siyang nakita ng nagliwanag siya ng matindi!"

"Sige, Don Paulo hanapin natin siya."

Hinanap nila si Donya Serina kung saan-saan.

Samantala, habang lumiliwanag ang kapaligiran ay nagkatuwaan ang lahat ng tao dahil pagsinag sa kanila ng araw ay nawala bigla ang sama ng kanilang pakiramdam.

Nawala ang kanilang iniindang sakit na ubo at sipon.

Naibalita rin ito sa telebisyon at radyo. Pagkatapos nadiskobre na din ng mga siyentista na ang makakapuksa lang sa Sarngid Flu ay ang Sunlight o sinag ng araw.

Hindi na nga kumalat ang flu at ng nalaman nila na ang Sunlight ang makakagamot sa kanila ay inilabas ng mga doktor at nurse ang kanilang lahat ng mga pasyente para sila ay gumaling.

Sila ay gumaling at lumuha silang lahat sa saya. Ang magandang balita pa ay walang nasawi sa naturang sakit.

Kumalat ang sakit hanggang sa Known State ng ganong kabilis hanggang sa lugar ni Kaylo at Idran.

Pati nga sina Kaylo at Idran ay nahawa sa sakit na iyon na hindi nabanggit sa unang nobela.

Pero noong lumabas na sila at nasinagan ng araw ay nawala bigla ang kanilang sakit. Dito ay nawala na nga ang pandemya sa mundo ng imahinasyon nang suminag ang araw.

Sa kabilang banda, habang nagsasaya ang lahat ng tao ay patuloy na hinahanap ni Don Paulo at ng kanyang mga kaibigan si Donya Serina.

"Guys, maghiwahiwalay tayo. Ako na dito para maghanap."

Sumang-ayon nga sila kay Don Paulo.

Hinanap nila ng hinanap si Donya Serina hanggang sa nakita nito ni Don Paulo.

Nakita niya si Donya Serina na punit-punit ang kanyang damit at siya ay may galos sa ibabaw ng lupa na may kaunting damo. Ang malala ay may hindi pansin ang malalang pinsala sa likod ng kanyang ulo.

"Donya Serina, mahal ko! Nahanap ko na siya."

Lumapit agad ang kanyang mga kaibigan.

You are My Sunshine (Last, Volume 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon