The main character

202 11 0
                                    

Ito na ang pinaka malaking competition ng Olympic Gold medalist in Shooting siya ba ulit ang mag uuwi nito sakanilang bansa?. " sabi ng host ng Olympic of shooting tumunog na buzzer hudyat upang mag simula na ang lahat sa pag tira sa target "teka bakit ganun sampung minuto nalang ang natitira sa oras niya at hindi pa rin pinuputok ni raiko kang ang kanyang baril baka maubusan siya ng oras" habang lumalakad ang oras siyang pag concentrate naman ni raiko sa pag asinta sa target isang mahinahon na pag asinta walang kaba at walang frustration halo. " 3,2,1" lahat ay natahimik bago pa man tumunog ang buzzer ay siyang pagbaril naman ni raiko.



















"Hahaha 10.9! 10.9 ang score ni raiko siya na naman muli ang mag uuwi ng gold medal sa bansang seoul korea sigurado ako at tuwang tuwa at proud ang mga taga seoul sakanya lalo na ang kanyang mga magulang once again congratulation!"

Name: Raiko Kang
Age: 20
Gender:Male
Sports: shooting
Country: Seoul South Korea



Tumunog ang cellphone ni raiko habang siya ay nag pupunas ng basang buhok agad niyang kinuha ang cellphone sa side table ng kanyang kwarto sa hotel tinignan niya ang pangalan ng tumatawag, walang iba kundi ang mama niya. Agad niyang pinindot ang green button ng cellphone at inilagay iyon sa tenga niya.

"Hello umma!"

"Nako raiko congrats! Proud na proud kami sayo dito. Kelan pala ang uwi mo?" Tanong ng kanyang butihing ina.

"Mamayang gabi po makakarating akosa seoul siguro mga gabi na din!"

"Ahh ganoon ba osige ipag luluto kita ng paburito mong black noodles, kimchi at seaweed soap!"

"Excited na tuloy akong umuwi! Sige na po mama mamaya nalang po papasok na kami ng airport!"

"Osige!mag iingat ka lagi ha!"

"Opo bababye mama"

"Raiko anak lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin ng papa at ng mga kapatid mo"

Walang alintanang tinignan ni raiko panandalian ang cellphone niya at ibinalik ito sa kanyang tenga ulit "alam ko po iyon mama! Mahal na mahal ko din po kayo!" Sagot niya sa ina. Ibinaba na niya ang tawag ngunit makikita sa mukha ni raiko ang pagkagulat sa mga mata niya na may halong pangamba at pagkalito sa mga huling binitawan na salita ng kanyang ina..

"Raiko may problema ba?" Tanong ng coach niya

"Wala po coach pagod lang po siguro" palusot na tugon niya sa kanyang coach na nakaupo sa likod ng kanyang upuan sa eroplano.

Sana mali ang kutob kong ito! Sabi ni raiko sa kanyang sarili. Ngayon lang niya kasi naramdaman ang ganoong kaba at takot para bang nilalamon siya nito ng unti unti at ito ang ayaw niyang maramdaman sa tana ng buhay niya. Ilang oras pa ang bibilangin bago makarating sa kanilang bansa. At isa lang ang nasa isip niya ngayon sana walang mangyari na hindi maganda.

W - Two WorldsWhere stories live. Discover now