The murder

86 3 0
                                    

Habang nasa byahe si raiko pabalik ng seoul siya pag hahanda naman ng mama ni raiko sa paburito nitong black noodles, kimchi at seaweed soap. Habang ang ama at ang kapatid niyang babae at lalaki ay nanonood ng tv. Lumapit ang mama niya sa mga ito at sumabay na din manood ng tv. Ngunit sa isang hindi inaasahang pang yayari may isang lalaki ang pumasok sa loob ng bahay nila raiko.

"Honey ano yung ingay na iyon?" Tanong ng mama ni raiko na kasalukuyang naka tutok ang mga mata sa telebisyon.


"Baka pusa lang iyon honey! Teka si raiko anong oras ang lapag ng eroplano nila?" Tanong ng kanyang ama sa kanyang ina


"Maya maya pa siguro malapit na sila sa bansa natin!"



"Excited nako makita ang gold medalist kong anak sa olympic shooting haha! Manang mana talaga sakin ang batang iyon!"



"Oo na, oo na sayo na nag mana ang anak mo!"



Habang aliw na aliw ang pamilya ni raiko sa panonood ang lalaking pumasok sa bahay nila ryko ay dumaan sa bintana ng kwarto ni raiko hindi upang mag nakaw ng kahit na anong mamahaling bagay kundi upang nakawin ang isa pang baril ni raiko sa kanyang silid. Tinignan pa nito ang magazine ng baril kung may bala ito at binalik ng muli ang magazine sa katawan ng baril. Inisuksok din nito ang baril sa likod ng kanyang katawan at nag simula ng maglakad ngunit bago pa man tuluyang lumabas tinignan niya ang family picture ng pamilya ni raiko na nasa side table lang ng kama niya. Initaob ito ng misteryosong tao. Ng makalabas gamit ang bintana ni raiko sa kwarto dumiretso ito sa pinto at pinindot ang doorbell


"Anak mo na ata yun!"



"Siguro nga!" Sabi ng kanyang ina. Tumayo si mrs kang upang buksan ang pinto pero nagulat siya ng makita ang lalaki na naka hood na hawak ang baril ng anak at ipinutok ito sa ulo niya.


"Honey ano yung tunog na iyon?" Tanong ng tatay ni raiko. Tulad ng pagkabigla walang anu ano ay pinaputukan din niya ang ama ni raiko sa ulo ganun din ang kaniyang kapatid na babae at lalaki. Ng matapos na ang krimen na ginawa ng misteryong lalaki na pumaslang sa kaniyang pamilya ay agad itong lumabas at itinapon sa basurahan ang baril na ginamit niya. Napatingin ito sa isang direksyon si raiko na nag lalakad ng buong galak habang nakasabit ang gold medal na napalunan niya sa olympic.




Nang marating ni raiko ang kanilang bahay agad niya itong binuksan at pumasok sa loob. Dirediretso siya sa pinto ng kanilang bahay at binuksan ito. "Andito nako! Ma-" nagulat siya sa nakita ang mama niya na nakahandusay sa sahig may tama ng bala sa ulo "mama! Mama!!!! Sino may gawa nito mama! Pa-papa!!!" Agad niyang inabot ang ama na nakahandusay din sa sahig tulad ng tama ng ina niya sa ulo ganun din ang tama nito na sanhi upang mawalan din ng buhay. Tinignan niya ang mga kapatid tulad ng sa magulang niya ganun din ang tama ng mga ito.






Isang trahedya o isang krimen na nangyari sa buhay niya na posible na siya ang iturong salarin sa nangyaring krimen sa kanyang pamilya.

W - Two WorldsWhere stories live. Discover now