I'm going to Fight

40 0 0
                                    

Dahil sa sobrang kalungkutan at hinanakit sa mundo naramdaman ni ryko na para siyang pinarurusahan ng mundo. Una siya ang sinisisi sa pagkamatay ng kanyang magulang pangalawa nilalayuan siya ng mga tao sa pag aakalang siya ang pumatay sa kanyang pamilya at higit sa lahat ang tingin ng lahat sakanya ay isang kriminal. Tinangka niyang tumalon sa isang tulay sa seoul.

"Nakakapagod na halos lahat nalang ng tao ang tingin sakin ay kriminal!" Sigaw ni ryko habang nakakapit pa lang sa tulay. Tumingin siya sa ulap. Mukhang uulan pa ata sa mga oras na iyon.

"Kung talagang hanggang dito nalang talaga gagawin ko na!" Sabi pa niya ulit sa sarili niya. Unti unti siyang bumibitaw hanggang sa makabitaw siya. Ngunit may biglang sumagi sa isip niya paano niya makukuha ang hustisya na hinahanap niya sa magulang niya. Kailangan niyang malaman kung sino ang killer ng pamilya niya. Maagap ang isa pa niyang kamay at humawak sa rehas ng tulay.

Unti unti niyang iniangat ang sarili sa pag kakabitin. Hanggang sa makaraos siya sa pag kakabitin. Naupo siya panandalian dahil sa panghihina ng kanyang tuhod. Tuluyang bumuhos ang ulan nag desisyon na din siyang lumakad pauwi ng kanyang bahay.

Hahanapin ko ang pumatay sa pamilya ko i'm goin' to fight for my family's justice!







































Yun ang huling nasa pahina ng sikat na comics na "W" na ginawa ni Mr. Jun Oh. Limang taon na din ang pagiging best seller nito kahit matanda gustong gusto ang kwentong ito. Ngunit paano maiiba ang buhay ng isang dalaga ng dahil lamang sa comics ng kanyang ama.

W - Two WorldsWhere stories live. Discover now