Pahina 14

29 4 0
                                    


Paglisan.

Mag-iisang buwan na simula nung nailibing si tita. Maraming pagbabago kay Vergel. Hindi na siya sumasama sa amin sa pagkain. Madalas kapag niyaya siya ng ibang kasama namin ay hindi niya sinasagot. Nagpapaiwan lang siya silid at nagbabasa ng libro.

"Ano bang date ngayon?." Tanong ni Mcsean.

"October 18, 2021. Bakit anong meron?." Sagot ni Khyra.

"Magbibirthday na si Sandra." Sagot ni Mcsean.

"Paano mo naman malaman?." Tanong ni Khyra.

"Madalas kaming magkausap e. Sabay din kami umuwi. Kaya mas maraming oras na nakakapagkwentuhan kami." Sagot ni Mcsean.

"Ikaw ah,may gusto ka siguro kay Sandra." Panunukso ni Khyra.

"Ano naman kung meron?." Matapang na sigaw ni Mcsean.

"Bat ka galit?." Natatawang tanong ni Sandra. Kakarating lang nito.

"Bakit ngayon kalang Sandra?. Sayang at hindi mo narinig ang sinabi ni Mcsean." Natatawang tanong ni Khyra.

"Bakit ano ba yon?." Tanong ni Sandra.

Bago pa man sumagot si Khyra ay kumuha sa kutsara si Mcsean ng kakaunting pansit at tumayo ng konti para isubo ito kay Khyra.

"Wala yon. Wag mo na siya pansinin." Sabi ni Mcsean kay Sandra at pinaupo na ito.

"Oh kainin mo yan binili ko yan sayo kase alam kong paborito mo yan." Sabay abot ng isa pang plato ng pansit kay Sandra.

"Bayad ko. Bat ba lagi muna akong nililibre baka wala ka ng pera." Sabi ni Sandra.

"Ayos lang mura lang naman yan. Sige na kainin mo na." Sabi ni Mcsean.

"Sige next time ako naman manlilibre sayo." Nakangiting sabi ni Sandra.

"Sige ba,di ko yan tatanggihan." Sabi ni Mcsean.

Biglang tumulo ang luha ko. Dahil ganyan din kami ni Vergel. Nung umpisa kaming naging magkaibigan ganyan niya din ako ituring.

"Anong nangyari?. May masakit ba sayo?." Tanong ni Khyra.

"Oo nga,ayos kalang?." Tanong nila.

"Oo,babalik nako sa room." Sagot ko.

Tumayo nako at lumakad na patungo sa room. Pagpasok ko ay nakita ko na nagbabasa lang si Vergel.

Kinuha ko ang biscuit sa bulsa ko. Rebisco strawberry ito alam kong paborito niya ito kaya ibinili ko siya.

Inilapag ko ito sa upuan niya at agad na tumungo ako sa upuan ko.

Tinignan ko siya kung kakainin niya. Kinuha niya ito at binuksan. Tumayo siya at nagulat ako dahil papalapit siya sa akin.

Iniabot niya sa akin ang biscuit at nakita kong hawak niya ang kalahati nito. Kinuha ko agad.

"Salamat pero busog naman ako." Sabi ko.

Tumalikod lang siya at bumalik sa upuan niya. Nakita kong kinakain niya na ang biscuit kaya kinain ko na din ang akin.

Ngumiti ako dahil sa loob ng isang buwan ni hindi niya ako tinignan o kinausap. Ngayon na lumapit siya sakin ay masaya na ako.

Bumalik na lahat ng kaklase namin sa room. Lumapit sa akin si Khyra.

"Ayos kana?." Tanong niya.

"Oo,ayos nako. Salamat." Sagot ko.

"Pumunta ka daw mamayang uwian sa Library mamaya sabi ni Clyde." Sabi ni Khyra.

Aimer Les Deux Lune (God's Creation Series #1)Where stories live. Discover now