Pahina 17

14 2 0
                                    


Halik.

Lumipas na ang isang linggo. Ngayong araw dadating ang sponsor ng scholarship dito sa school namin.

Naligo na ako upang hindi mahuli sa school. Pagkatapos maligo ay nag-ayos na ako para sa pagpasok.

Pagkatapos magbihis at mag-ayos ng kaunti. Bumaba na ako at sumakay sa elavator upang mas mabilis.

Gaya ng dati ay sa sakayan ko nalang hihintayin ang kumag kong kaibigan.

Nandito na ako sa sakayan pero wala pa siya. Kaya naghintay pa ako ng kaunti.

"Hoy!. Iniisip mo na naman yang kumag mong boyfriend!." Sigaw niya ng mahuli akong nakatulala.

"Kesa naman isipin ko ang kumag na katulad mo!." Inis kong sabi.

"Gwapo naman kung iisipin mo." Sabay hawi sa kanyang buhok pakanan. Nakita tuloy ang mga hikaw niya.

Mala Han Seojun talaga ang datingan niya. Ang isa sa pinakafavorite character ko sa kdrama.

Pumara na siya ng jeep na sasakyan namin. Sumakay na kami. Tahimik lang kaming nasa byahe.

Nang makarating ay bumaba na kami. Masaya ang lahat. Karamihan sa kanila ay mga babae.

"Napakagwapo ng sponsor ng school natin. Alam ko hindi siya nalalayo sa edad natin. Kapag nakita ko siya hahalikan ko siya." Rinig kong sabi ng babae na sobra sa make-up.

"Kung mauunahan mo ako." Sabi ng isa sa mga kausap ng naunang babae.

"Ganoon ba kagwapo ang lalaki na yan?. Para pag-usapan ng ganto?." Rinig kong tanong ni Vaughn.

"Siguro,pinagkakaguluhan siya kahit mukhang wala pa siya dito." Sagot ko.

"Ako lang ata ang walang pake sa kanya." Salita sa aking utak.

"Hi!. Vaughn." Bati ng isang grupo ng mga babae.

Nilapagsan lang ito ni Vaughn ng taas noo. Nakapamulsa siyang naglakad patungo sa room namin.

"Tama nga siya para sa pinsan ko." Salita sa aking utak.

Sumunod na din ako dahil hindi ko na kaya ang ingay ng mga tao. Mabilis akong naglakad.

Pumasok na agad ako at naupo. Wala pa ang aming teacher kaya natulog muna ako. Kulang ang tulog ko lagi. Kaya kapag may libreng oras sa school natutulog ako.

"Okay,guys!. Please stand up." Rinig kong sabi ng aming guro.

Agad na akong tumayo at inayos ang buhok. Tumayo kami para magdasal.

"Mr. Calyntex,please lead the prayer." Sabi ng aming guro.

Pumunta nasa harap si Vaughn. Nagsimula na siyang magdasal at marespeto kaming sumabay. Pagkatapos ay agad na kaming pinaupo.

"Gusto ko lang ipaalala na ngayon dadating ang bisita natin. Bago tayo bumaba ay pupunta muna siya sa bawat room dito." Sabi ng aming guro.

"Gusto niya daw makita ang mga room. Kaya sana magpakita kayo ng respeto sa kanya kahit halos kaedad niyo lang siya." Paalala ng aming guro.

"Ayyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!." Tili ng mga kaklase kong babae.

"Sabi ng respeto,diba?." Inis na sabi ng aming guro.

"Sorry,Sir." Sabi ng gay naming kaklase.

"Hindi muna tayo magkaklase."

Nagsigawan sila pero ako natulog na agad ako. Narinig ko pa silang pinagalitan ni Sir.

"Ano ba!?. Sabi ng respeto!." Sigaw ni Sir na nagpatahimik sa mga kaklase ko.

"Moon?." Pamilyar na boses ang narinig ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aimer Les Deux Lune (God's Creation Series #1)Where stories live. Discover now