Simula

810 5 5
                                    

Testimony series #2

Refined by the Ashes

Simula

●∘◦❀◦∘●

"Congrats, Yshi! Sabi ko na nga ba, ga-graduate ka ng with high honors ngayong Senior High School!" bati sa'kin ng pinsan kong si Rose Anne.

Um-attend din siya ng graduation ko ngayong araw at kasalukuyan kaming nagtitipon-tipon para magpicture. Nandito rin kasi ang mga magulang niya dahil katulad ko, gr-um-aduate na rin ang kaibigan niyang si Riana.

"Of course! I did my best to make Mom and Dad proud."

"At dahil diyan, I have a gift for you later."

Namilog ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. A gift again from Rose Anne, huh? When I turned seventeen last year, she gave me a Cartier trinity necklace! I hope I'll receive a Chopard bracelet naman this graduation. Everyone knows how much I love collecting expensive jewelry.

"Yshraellaine, we have to talk." Nilingon ko si Ate Irene, kapatid ko. Napangiwi ako pagkakita sa seryoso niyang ekspresyon. Graduation ko today pero bakit ang serious niya?

"About what?"

"Something important."

Nagkibit-balikat ako. "Sounds interesting." Muli akong sumulyap kay Rose Anne, "Sandali lang, huh?" Tumango naman siya.

Sumunod ako kay Ate na naglakad papunta sa parte ng gymnasium na wala masiyadong tao. Dahil busy ang parents ko sa business, si Ate lang ang um-attend ng Graduation Ceremony ko. Hindi naman mahalaga sa'kin ang presence nina Mom and Dad kapag ganitong events dahil maiuuwi ko pa rin naman ang mga medalya ko, umattend man sila o hindi. Mas mahalaga pa rin ang business kaya I understand kung 'yun ang inuuna nila. I can't live without money anyway.

"Ibibigay mo na ba sa'kin ang gift mo kaya dinala mo 'ko rito? Pwede namang makapaghintay 'yan sa bahay, di ba?" sabi ko.

"Igayak mo na ang mga gamit mo mamaya. Lilipat na tayo ng bahay bukas."

Napanganga 'ko. "What? Seriously?"

"You know our situation. 'Wag kang mag-pretend na hindi mo alam. Stop acting like a spoiled brat bitch."

"Excuse me?"

"Nalulugi na ang negosyo nina Mom and Dad, you know that. Ginigipit na rin tayo ng bangko. Wala ng ibang choice kundi ibenta ang iba nating assets—"

"Edi ibenta kung gusto niyong ibenta! Wala akong kinalaman diyan. Dito ko gustong magcollege. Hindi na baleng mag-working student na lang ako rito sa Maynila, hinding-hindi ako uuwi ng probinsya!" Tumaas ang aking boses.

"Hindi ka ba makaintindi? At paano ang allowance mo? Ang tuition mo? Tingin mo kaya mong masuportahan ang pag-aaral mo sa pamamagitan lang ng pagmomodelo? Buti sana kung permanenteng trabaho 'yan, hindi kami mag-aalala. Kaso hindi. 'Wag ka namang makisabay sa intindihin. Naghihirap na tayo, Yshi. Accept it. 'Wag kang maarte."

"But... But... Kung uuwi man ako, ayaw ko sa Nueva Ecija! You know, hindi ko kasundo ang mga kamag-anak natin don. Tsaka matalahib don! Walang signal! Hindi na baleng sa side na lang tayo ni Mommy sa Tarlac. Mas maayos ang pamumuhay don, doon na lang ako."

"Iniinsulto mo ba si Daddy, Yshi? Ano na naman ang sasabihin ng Lola Iya kay Daddy? Na hindi niya kayang buhayin si Mommy? Na hindi niya tayo kayang suportahan at sa dulo, aasa lang tayo sa yaman nila? No way, Yshi. Uuwi tayo ng Nueva Ecija, sa Nueva Ecija ka mag-aaral."

"Pero—"

"No more buts. Hindi na rin tuloy ang celebration mamaya sa bahay. Nagparty ka na last week, okay na 'yon. Ang dami na ngang problema, gagastos pa tayo."

"Oh come on! Seriously?!"

"Seriously. Just pack your things and be ready for tomorrow."

Nakasimangot akong sumakay ng kotse, hindi ko kinikibo si Ate. Ganoon din siya sa'kin habang nasa byahe. Hindi ko lang maiwasang mainis dahil sa nangyayaring financial problem sa'min. Nakasanayan kong mula pagkabata, nabibili ko ang lahat ng gusto ko kailangan ko man 'yun o hindi. Sobrang nakakapanibago na biglang isang iglap, magbabago na ang buhay namin. Well, narinig ko noong nakaraang buwan ang patungkol sa trusted business partner ni Mommy na nang-scam sa kanila ni Dad pero hindi ko akalaing magiging ganito ka-grabe ang epekto non sa'min!

"Do you see that smoke?" basag ni Ate sa katahimikan.

"What smoke?" Nilingon ko ang kaniyang tinutukoy.

Umawang ang aking bibig pagkakita sa itim na usok na umaakyat sa kalangitan. Makapal ito, tila nagmumula sa isang malaking apoy.

Sa pagliko namin, kita ko ang nagkukumpulang mga tao sa gilid ng kalsada. Nagkakagulo ang mga lalaki sa pagbubuhat ng mga timbang may lamang tubig. Binuksan ko ang bintana ng kotse. Umalingawngaw sa aking tainga ang malakas na sirenang nagmumula sa isang fire truck, tinahak nito ang kalsadang dadaanan namin sa pag-uwi.

Ramdam ko ang mabilis na pagdagundong ng dibdib ko. Binilisan ni Ate ang takbo ng sasakyan upang makarating kami agad sa bahay. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtantong ang fire truck na nakita namin kanina ay huminto sa tapat ng bahay naming nababalot ng matinding apoy!

"Oh my god!" sigaw ni Ate.

Agad siyang bumaba ng sasakyan at pumunta sa mga kapitbahay naming nagtutulungan sa pagbubuhos rito ng tubig. Mabilis akong bumaba at sumunod sa kaniya. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin. Nanlambot ang mga tuhod ko. Pinagpawisan ako nang malapot dahil sa labis na kaba at takot.

It looked like a full-blown inferno in front of me. The deep red and amber flames consumed every part of our house! From the roof, doors, windows! Everything is on fire!

"S-Sila Mommy! Manang Selya, nasa loob ho ba sila Mommy?!" nanginginig ang boses na tanong ko sa nakita kong kapitbahay namin.

"Hindi ko alam, hija. Wala kaming nakitang lumabas na tao diyan sa bahay niyo!"

Sunod-sunod na mura ang nasambit ko. Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa upang tawagan ang numero nila Mommy. Parang may malaking tinik na nabunot sa aking dibdib matapos may sumagot sa kabilang linya.

"M-Mommy! N-Nasusunog ang bahay natin!" I cried.

Sinimulan nang puksain ng mga bumbero ang apoy. Kahit limang metro ang layo ko mula sa bahay ay ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa alab na bumabalot dito.

"Papauwi na kami!" Mom said.

Sa isang kisap-mata, ang apoy na kanina'y lumalamon sa paligid ay unti-unting nanghina. Nabalot ng masangsang na amoy ang buong paligid, like a bad barbeque party gone horribly wrong.

Walang tigil sa pagtulo ang luha sa aking mga mata matapos makita ang bahay na tinirhan ko sa loob ng labing-walong taon, biglang sa isang iglap ay tuluyang natupok ng apoy. Mas lalo akong napaiyak matapos mapagtantong wala akong naisalbang kahit isang gamit sa loob.

My mac book, chanel clothes, hermes perfume, prada bags, gucci sandals, cartier jewelry...

All completely turned into ashes.

●∘◦❀◦∘●

Refined by the Ashes [Testimony Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon