Kabanata 15

128 2 4
                                    

Kabanata 15: Vague Chance

●∘◦❀◦∘●

"Handa mo talagang iwan si Miaka para sa'kin hano?" I can sense sarcasm in my voice.

Nakatingin kami sa isa't isa—magkatapat—habang prenteng nakaupo at naghihintay i-serve ang aming order. Dinala niya ako sa isang kilalang restaurant sa kabilang bayan—One Bella. Pasado alas nueve na ng gabi nang makarating kami rito. Madilim na ngunit hindi bakas ang pagiging gabi sa lugar dahil sa dami ng ilaw na naka-attach sa ceiling, walls at maging sa mga halaman.

Isinakay niya ako kanina sa tricycle—na kung noon niya ginawa ay paniguradong mate-turn off ako—pero dahil nandito naman kami sa probinsya, understood na hindi laging kotse ang sinasakyan ng tao dahil marami rin namang bumibiyahe sa loob ng Nueva Ecija na sumasakay lang sa tricycle. Bukod don, wala rin namang kotse si JL. Ayoko maging demanding.

For some reason, kahit alam kong hindi okay ang status niya pagdating sa pinansyal, hindi ko pa rin magawang ma-turn off—which is unusual for someone who is 'matapobre' like me.

"Ayoko lang na magalit ka sa'kin, Isra."

Nag-angat ako ng tingin. I saw him looking at me, with eyes full of concern.

"Bakit ayaw mong galit ako? Hindi ba alam ni Miaka na pumunta ka sa'kin?" tanong ko.

Dahil kung ako ang nasa kalagayan ni Miaka, paniguradong hindi mapapalagay ang isip ko kapag nalaman kong may ibang babaeng kasama ang manliligaw ko. Tanga na lang siya kung hindi niya pa rin nahahalatang may gusto ako kay JL.

"Sinabi ko sa kaniyang nag-aaya kang kumain. Tumanggi ako ulit kanina kaya paniguradong magtatampo ka dahil hindi ako nakasama nung huling beses kang nag-aya. Naintindihan naman 'yun ni Miaka. Siya pa nga ang nagsabing puntahan kita kasi baka may problema kang gustong ikwento."

Tanga nga.

Umiling ako. "Wala naman akong problema."

Dumating na ang order namin. Is-in-erve 'yon ng isang waiter na tingin ko'y kasing edad ko lang.

"Salamat po, Ma'am," wika nito. I nodded as a response.

Nang kaming dalawa na lang ni JL ang naiwan, naging tahimik muli ang paligid. Pareho kaming hindi nagsasalita, tila nagpapakiramdaman. Sumulyap ako sa kaniya nang marinig ko siyang bumuntong-hininga. Nahuli ko ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.

I looked away. His stares give me chills.

"Kumusta naman ang araw mo? Ngayon ang enroll-an niyo 'di ba?" basag niya sa katahimikan.

Sumimsim ako ng juice. Umakto ako na parang wala lang sa'king kinakausap niya 'ko kahit deep inside, sobra akong kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit sa simpleng pakikipag-usap niya lang ay nagwawala na ang puso ko.

"Okay naman. Nakasabay ko sa pag-eenroll ang kapatid mo."

He looks curious. "Really?"

"Yeah. Si Junri. Nung una makulit siya pero hindi ko inaasahang magiging masungit bigla nung nabanggit ko ang pangalan mo."

Ngumiti siya. "He's always like that. Arki rin ang course niya kaya hindi imposibleng magkita kayo."

"Ka-batch ko ba siya?" tanong ko.

"He's eighteen so probably, yes. Pareho kayong first year."

Tumango ako. "Mukhang may makakakopyahan ako ah."

He chuckled. "Bad 'yan."

"I told you, bad girl ako."

Kung mag-usap kami ay parang natural lang. Parang wala akong inis na kinikimkim sa kaniya. Hindi ko rin naman 'yun pwedeng ilabas dahil well, sino ba ako para mag-demand na ako lagi ang puntahan niya at 'wag si Miaka? Nakikihati lang naman ako ng atensyon.

Refined by the Ashes [Testimony Series #2]Where stories live. Discover now