Kabanata 34

130 3 3
                                    

Kabanata 34: Burn to Ashes

Warning: It contains mature scenes. It is not recommended for minors, please don't read it if you're below 18y/o. PLEASE.⚠️

●∘◦❀◦∘●

"Namamalik-mata ba 'ko?" tanong ko kay Junri. Unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan hanggang sa huminto na kami sa tapat ng bahay ni JL.

"I guess I'm not," I added.

Mayroong bahid ng liwanag sa bandang living area ng bahay maging sa terrace. Parang tinatambol nang malakas ang dibdib ko.

"M-May tao kaya sa loob? Nandyan kaya si Jeam Lloyd, Junri?"

"Hindi ko alam. Gusto mo bang i-check?" aniya.

"Pwede rin kaso..." Sumulyap ako sa kaniya. "Paano ka? Papasok ka rin sa loob?"

He shook his head. "Hindi na. Iiwan na lang siguro kita rito para makapag-usap kayo. May number naman ako sa'yo kaya tawagan mo na lang ako kapag ginabi ka ng uwi."

Tumango ako. "Sure. Thank you, Junri."

Bumaba na ako ng sasakyan. Nang makapasok ako sa gate, kumaway ako sa kaniya bilang pagpapaalam. Tumango siya bago tuluyang paandarin ang kotse palayo.

Kinwento ko kay Junri ang nangyari kina JL at Miaka pero hindi ko binanggit na may kinalaman ako sa pagkawala ng bracelet.

"JL will never do that. I know him. Kung may ebidensya man sila, sigurado akong na-set up lang siya."

Iyon ang sinabi sa'kin ni Junri kanina habang nasa byahe kami.

Ayaw kong banggitin sa kaniya ang plano kong tuluyang agawin ang kapatid niya kay Miaka dahil hindi ako sigurado kung kokontrahin niya 'ko o kukunsintihin. Ayoko munang makarinig ng kahit anong opinyon sa mga tao. I know what I want. I won't let anyone dictate me.

"JL," pagtawag ko mula sa labas. Kumatok ako sa pinto at naghintay ng halos limang minuto ngunit walang sumagot.

Naglakad ako papunta sa bintana. Bahagya ko itong pinunasan gamit ang aking palad upang tanggalin ang hamog na namakat sa salamin. Wala naman akong napansing tao sa loob. Tumawag ako ulit ngunit wala pa ring JL na lumabas.

Nang bumalik ako sa pinto, hinawakan ko ang door knob sa pagbabaka-sakaling bukas ito. Umawang ang aking bibig nang mapagtantong hindi ito naka-lock.

So, JL was really here.

Akmang bubuksan ko ang pinto ay napapitlag ako sa gulat matapos makarinig ng boses mula sa likuran ko.

"What are you doing here?"

Nilingon ko ang nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong si JL ito.

Magulo ang kaniyang buhok, bahagyang nangingitim ang ilalim ng malamlam niyang mga mata. Naglakad ako palapit sa kaniya para hawakan siya sa braso ngunit tinabig niya ang kamay ko. I noticed the smell of alcohol on his breath so I immediately walked away.

"Oh my gosh! Uminom ka?!" tanong ko, hindi makapaniwala.

Nasagot ang katanungan ko nang mapatingin ako sa kamay niya. May hawak siyang paper bag na may lamang alak—Jim Beam to be exact.

"Go away," malamig niyang wika sa akin.

Pumasok siya sa loob ngunit sumunod lang ako. Umupo siya sa sofa. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa tapat niya, napapakagat-labi.

I never expected to see him this way. He looked so different from the neat, kind and calm Jeam Lloyd I know. Ganito ba talaga ang nagagawa ng heartbreak?

Refined by the Ashes [Testimony Series #2]Where stories live. Discover now