Chapter 4

62 5 0
                                    

Chapter 4

"SO, ANO NA balak mo, Rezel? Day off mo ngayon sa work, 'di ba?" tanong ni Harold, habang kumakain ng kwek-kwek na binili pa namin sa labasan ng school.

"Magpapahinga---"

"Gala muna tayo bago tayo umuwi," pagputol ni Harold sa sinasabi ko.

"'Tsaka na ang gala, Harold, kapag nakapagpahinga na ng maayos si Rezel," mataray na singit ni Sam sa usapan naming dalawa ni Harold.

Tumuhog si Sam ng isang fishball at kikiam sa baso naming dalawa. Napangisi ako at tumingin sa kaniya.

"Napaka-kj naman talaga nito. Makapagbawal akala mo naman jowa," bulong ni Harold, habang ngumunguya pa rin. Bumulong aiya pero narinig naman namin ang sinabi niya.

Nakita kong tumaas ang kilay ni Sam sa sinabi ng kaibigan naming lalaki.

"Hindi ka ba inform na kami na dalawa?" tanong nito.

"K-kailan pa?" Halata sa boses ni Harold ang pagkagulat.

"Ngayon lang. Mahirap na at baka maagawan pa ako," tugon nito.

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya kaya napatingin ako kay Harold na nakatingin din pala sa akin. Katulad ko, bakas din sa mukha niya ang pagkagulat.

Agad ko ibinalik ang tingin kay Sam na nakatingin pa rin ng diretso kay Harold.

"S-Sam?" utal kong tawag.

"Ummm?" Lumingon ito sa akin na para bang walang nangyari.

"T-tayo na?"

Lumapad ang ngisi niya 'tsaka tumango.

"Napag-isip-isipan ko kasi na napakatagal na natin gusto ang isa't isa pero hanggang doon lang tayo, it's almost three years na rin kaya dapat na baguhin ang estado ng relasyon nating dalawa. 'Tsaka para naman may karapatan na rin ako sa 'yo, Rezel. Mahirap na at baka maunahan ako ng iba. H'wag ka mag-alala hindi naman kita pagbabawalan sa mga kinasanayan mo. Just know your limit at ayos tayong dalawa."

"I... I.... H-hindi ko alam ang sasabihin ko, Sam."

"Wala ka naman dapat pa sabihin, Rezel," bungisngis niyang sabi sa akin.

"So.... T-tayo na?" paninigurado kong tanong. Mahirap na kasi baka mamaya nakikipagbiruan lang si Sam sa akin. Ito pa namang babaitang 'to malakas din ang trip katulad ni Harold kaya mahirap na rin.

"Paulit-ulit ka, Rezel. Narinig mo na nga ng maayos, 'e," iritableng sabat ni Harold.

Lumingon ako sa kaniya. Kinuha niya ang stick niya sa kaniyang baso at tumuhog aa baso namin na mayroon pang kakaunting fishball at kikiam.

"Jowa ko na si Sam, Harold. Paano ba 'yan?"

"Edi congrats sa 'yo. Nawa't tumagal ang pagsasama ninyo hanggang sa pagtanda n'yong dalawa," aniya.

Hindi ako makapaniwalang tumingin muli kay Sam. Pakiramdam ko sa mga oras na 'to ay nakalutang ako sa ulap at pinapaliburan ng mga ibon na nagsisikantahan.

Dahil sa tuwa ko ay bumili muli ako ng pagkain para sa amin. Dumating na rin si Francis galing sa kung saan. Nang malaman ni Francis tungkol sa amin ni Sam ay natuwa siya ng sobra at nanlibre naman siya ng inumin naming apat.

Naging maganda ang takbo ng relasyon naming dalawa. Halos wala na nga ako hinihiling pang iba. Bukod kasi sa mabait si Sam ay hindi rin siya selosang babae. Lahat ng babae na kumakausap sa akin ay baliwala lang sa kaniya.

Minsan nga iniisip ko na hindi niya ako mahal dahil sa loob ng halos tatlong buwan na naming dalawa bilang mag-girlfriend ay hindi ko pa naranasan na naging mahigpit siya sa akin.

 I Hate You, Samanta. [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon