Chapter 9

64 5 1
                                    

Chapter 9

DUMAAN ANG MGA araw na lagi ko nakikita sina Sam at Harold sa bahay nina Francis.

Gusto ko sana magreklamo pero wala naman akong karapatan dahil hindi ko naman tahanan ang tinitirahan ko.

Ang ginagawa ko na lang tuwing umuuwi ako ay nagpapatay-malisya na lamang ako kapag naabutan ko sila sa bahay. May mga araw pa nga na inaya nila ako maghapunan kasama sila pero tumatanggi ako at minsan pa nga ay nagsisinungaling ako na pagod ako kahit hindi naman talaga.

It's almost two months since bumalik sila at sa loob ng halos dalawang buwan ay hindi ko sila nagawang kausapin hanggang sa isang araw ay bigla na lamang sila nawala na parang bula.

Gusto ko sana magtanong kay Francis pero hindi ko naman magawa dahil sa kaba na nararamdaman.

Bumalik muli sa normal ang buhay ko. Noon kasi nandito sila tuwing umuuwi ako ay lagi ako kinakabahan, malamig ang pawis ko at 'yong puso ko parang lalabas sa dibdib ko pero ngayon ay bumalik na sa lahat.

May napapansin din ako kay Francis nitong mga nakaraang araw. Lagi ko siya nahuhuling nakatingin sa akin na tila ba naawa sa akin at ramdam kong may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya magawa.

Hinihintay ko na lang siya magkusang lumapit sa akin at sabihin kung ano man ang gusto niyang sabihin sa 'kin.

Pero dumaan lang ang mga araw na wala siyang sinasabi sa akin na kung ano. Isinantabi ko na lamang ang bagay na 'yon kaysa naman ma-stress pa ako sa kakaisip tungkol doon.

HABANG NASA KALAGITNAAN kami ng meeting ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong pantalon.

Kinuha ko 'to at pasimpleng sumilip. Nakatanggap na naman ako ng tawag mula sa unknown number.

Ilang beses na 'to tumawag sa akin nitong mga nakaraang buwan at halos walang tigil. Kapag sasagutin ko naman ay biglang namamatay, at kapag tinatawagan ko na ang number na 'yon ay biglang magca-cannot be reach na.

Ilang beses ko na rin 'to pinadalhan ng message pero kahit na isang beses ay wala man lang ako natanggap na reply mula dito.

Gusto ko i-block ang numerong 'to pero hindi ko naman magawa dahil makiramdam ko ay napaka-importante ang cellphone number na 'to.

Hindi ko na rin sinabi kay Justin ang tungkol dito dahil alam kong siya ang gagawa ng paraan para tumigil lang sa pagtawag ang unknown number.

Muli ko ibinalik sa bulsa ang cellphone ko at binalik ang atensyon sa presenter.

NANG MATAPOS ANG meeting ay agad ako nagtungo sa restroom at agad ko inilabas ang cellphone ko at d-in-ial ang numberong 'yon.

Simula kanina kasi habang nasa meeting ay hindi ako makaugaga kakatingin sa cellphone ko at nagbabakasaling tumawag muli ito.

Ngayon lang ako naging ganito sa loob ng ilang buwan na pagtawag nito sa akin at hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Sa unang tawag ko sa unknown number ay hindi sumagot. Nang pangalawang tawag na ay 'tsaka ito sumagot.

"H-hello?" rinig kong sambit ng isang babae sa kabilang linya. Ang boses nito ay tila nahihirapan magsalita at medyo mapaos-paos pa.

"Hi," aniya ko. "I just want to ask bakit ka tumatawag sa 'kin? I'm just curious dahil halos ilang buwan na simula nang tumawag ka. Then, everytime na tatawag ako laging cannot be reach....." I stopped.

Naghintay ako ng response niya pero tanging buntong hininga lamang ang narinig ko sa kabilang

I sighed. "I-I just want to know the reason, Miss..."

 I Hate You, Samanta. [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon