Chapter 1

833 17 3
                                    

Nakatulala lang ako sa kisame at hindi malaman ang gagawin sa buhay ko. Nagkakaroon ata ako ng career crisis nitong mga nakaraang araw.

"Crysaline, ano na? Kaya pa ba?" tanong ko sa sarili ko habang pinaglalaruan ang hawak kong maliit na wireless keyboard.

Ilang linggo na akong hindi nakakapag-sulat ng manuscript at malilintikan na ako sa editor ko. Bukod sa madami akong pending na istoryang kailangan tapusin, mayroon pa akong full-time na trabaho na kailangan matapos sa pang-araw araw.

Bente tres anyos na ako pero pakiramdam ko hindi umuusad ang buhay ko. Bukod sa wala akong ipon, ubos palagi ang sinahod ko sa full-time job ko pati na rin sa mga sideline ko. Kailangan ko kasing makatulong sa pamilya ko at malaki talaga ang pangangailangan nila.

Nitong mga nakaraang buwan kasi ay sunod-sunod ang nagkakasakit sa pamilya namin at nawalan pa nga ng trabaho ang iba kong pinsan. Mama ko na lang ang inaasahan pati na din kung minsan ay ako kapag nangangailangan talaga sila ng pera.

Hindi naman ako mayaman at higit sa lahat hindi naman ako tumatae ng pera. Hindi rin naman ako madamot. Nakakalungkot lang kapag ako mismo ang walang mahugot kapag kailangan ko ng pambayad ng bills.

Minsan hindi ko na malaman kung saan pa ako huhugot ng pera. Nakakapagod na. Iyong mga collection ko ng albums at libro, isa-isa ko na rin binebenta para lang may pandagdag sa mga gastusin.

Inis na napasipa ako sa unan na nasa paanan ko sa sobrang inis. Gusto ko yumaman kaso wala naman ako sa teleserye para maging bidang babae na nawawalang anak ng isang bilyonaryo.

Biglang nag-ring ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table ko. Napalingon ako sa kinalalagyan ng cellphone ko at tamad na tamad na inabot iyon.

Napasimangot ako nang makitang pinsan ko ang tumatawag. Ano naman kayang kailangan ng babaeng 'to?

Sinagot ko ang tawag at ni-loudspeaker iyon.

"Linlin! Nasaan ka?"

"Nandito sa condo, bakit?" sagot ko sa kanya.

Umikot ako ng higa at dumapa sa kama.

"Samahan mo naman ako sa Sabado. Bibili ako ng pang-regalo para kay Joseph. Malapit na kasi birthday niya eh. Sige na, please?"

"Sige sige. Text mo na lang ako." tamad na sagot ko sa kanya.

"Okie! Thank you! Labyu!"

"Labyu too."

Binaba na niya ang tawag at hindi ko maiwasang mapabuntong hininga.

Kung hindi ako third wheel sa date ng mga pinsan at kaibigan ko, taga-sama ako sa pagbili ng regalo o taga-tulong sa pag-surprise sa mga jowa nila.

Paano naman ako? Forever NBSB? Forever alone?

Tamad na tumayo ako sa pagkakahiga sa kama at pumunta sa tapat ng salamin. Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin at nanatiling blanko ang ekspresyon ko.

Maputla masyado ang kulay ko. Medyo may kasingkitan ang mata. Matangos naman ang ilong ko. Manipis ang medyo maputla kong labi. Itim na itim ang wavy kong buhok na aabot sa ibabaw ng balikat ko.

Napangiwi ako ng mapadako ang tingin ko sa katawan ko. Ang taba ko na nga, nasa 5'3 pa ang height ko. Ano ba naman 'yan.

Minsan napapaisip ako. Panget ba ako? Hindi ba ako kajowa-jowa? Mukha ba akong puff ball kaya walang nanliligaw sa akin?

Aminado naman ako na hindi ako palaayos. Madalas pa na kapag lalabas ako ng bahay, jogging pants at crop top lang ang suot ko na pinaparesan ko ng wedge sandals o rubber shoes na nabili ko lang online.

Dandelion NightsWhere stories live. Discover now