Chapter 11

289 12 8
                                    

After 3 years...

Hindi ko maiwasang mapangiti ng malawak habang nakatingin sa gilid ng stage. Rinig ko ang tilian ng mga fans habang kumakaway sa akin.

Agad ko naman silang binigyan ng matamis na ngiti at kinawayan lahat. Lalong lumakas tuloy ang hiyawan nila kaya hinatak na ako ng editor ko paalis ng gilid ng stage.

"Ang kulit mo talaga, Crysaline! Sabi ng bawal ka sumilip doon eh. Tignan mo nga iyang itsura mo, hindi ka pa tapos make-upan tapos makasilip ka doon akala mo artists ka?" sita sa akin ng editor kong si Ms. Siana kaya napanguso ako.

"Sorry na. Cutie kasi nila eh. Gusto ko lang naman sila batiin." sabi ko sa kanya habang sumusunod sa kanya papasok ng dressing room.

"Bente sais ka na! My gosh! Act like your age! Ilang beses ka na bang umaakto na parang isip-bata. Sinabi ko rin sa'yo noong nakaraan na huwag kang lalabas ng hindi kasama iyong bodyguard mo pero hindi ka pa rin nakinig. Muntik ka na tuloy dumugin ng mga fans mo." patuloy niyang litanya hanggang makaupo na ako sa harap ng dresser.

Napanguso ako. Alam ko naman na mali ko iyon pero anong magagawa ko? Gusto ko lang naman mag-shopping. Ang tagal-tagal ko na hindi nakakalabas tapos isang araw lang, bawal pa rin. Hindi ko rin naman in-expect na ganoon ka-big deal sa mga tao sa Pilipinas ngayon ang isang tulad ko.

Parang dati lang kulang na lang maglupasay ako sa bahay ng mga magulang ko tapos biglang ganito?

Masaya ako sa mga naging achievements ko sa loob ng tatlong taon na nakalipas. Nanalo ako sa in-offer sa akin ni Ms. Siana noon na contest. Simula noon, naging malaki lalo pagbabago ang nangyari sa buhay ko.Nagising na lang ako, madami na akong projects na nakukuha pati na rin sa pagsusulat umayos ang takbo ng buhay ko.

May mga napanalunan akong mga awards sa mga librong isinusulat ko. Marami rin imibtasyon na maging speaker sa mga university or college. Dati natutulog lang ako sa mga talk sa school, ngayon ako na ang nagsasalita sa harapan ng entablado.

Dahil nga sa kahiligan ko rin sa pagda-drawing, ako na ang gumagawa ng sarili kong book covers at kung minsan naman ay gumagawa rin ako ng mga comics online kapag may oras.

Sa pagiging bida-ba ko tumatanggap din ako ng ibang offer sa mga music labels para sa mag-cover ng songs or kapag need nila ng featured artist sa album ng ibang artists.

Dahil nagawa ko nga pagsabay-sabayin lahat ng gusto kong gawin sa buhay ko, nabayaran na rin namin ang mga utang ng pamilya namin. Nakapag-pundar ako ng mga ari-arian para sa pamilya ko pati na rin hanap buhay.

Nakakapag-donate na rin ako ng malaki sa mga orphanage at home for the agent na pangarap ko noong gawin simula bata pa lang ako. Hindi kasi ako makatulong noon dahil kahit kami nga kapos sa pera.

Naging maayos ang takbo ng buhay ko at masasabi kong kuntento na ako sa lahat ng meron ako ngayon. Syempre hindi ko pa rin naman maiwasang malungkot kapag naiisip kong NBSB pa rin ako hanggang ngayon. Chos.

"Ang cute mo talaga, Ms. Crysaline." sabi ng stylist ko kaya hindi ko maiwasang mapahagikgik.

"Uy, thank you. Alam ko naman 'yun. Matagal na." sabi ko sa kanya at pareho kaming natawa.

Nang matapos niya akong ayusan ay pinasuot na niya sa akin ang isang hapit na lilac dress na may katamtamang laki ng ribbon sa bandang likod.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa salamin. Sa wakas. Kahit hindi na nadagdagan ang height ko, nabawasan naman ang timbang ko. Naging firm din ang katawan ko.

Kung dati sobrang insecure ko sa katawan ko, stretch marks, nunal at kung ano-ano pa, ngayon natuto na akong mahalin sila kahit papaano. Natatakpan naman eh. Atsaka isa pa, normal lang naman ang mga ganoong bagay.

Dandelion NightsWhere stories live. Discover now