Chapter 26

53 12 0
                                    

Nakatulala pa akong nakatingin sa kamay na nakalahad. Hindi ko gaanong narinig ang sinabi niya dahil sa kanta. Tinignan ko ang mata niya kahit mahirap maaninag. Of course I can't recognize him because of the mask. But his lips... it's familiar.

Wala sa sarili kong inabot ang aking purse. Ito yata ang gusto niya. Baka ang sinabi niya, "I like your purse."

Napalingon ako sa mga kaibigan kong naghahagikhikan. Nakatingin pala silang lahat sa amin! No, scratch that. Pati yung ibang tao na kalapit ng table namin, nakatingin din.

"Baliw ka,Freya. Inaaya ka niyang sumayaw." Si Les habang natatawa pa rin.

Talaga ba? Feeling ko talaga yung purse ko ang gusto niya. Rinig ko purse eh.

"Sige na, bebs. Makipagsayaw ka na. He's hot." Bulong ni Margaux na ikinangiwi ko. Nagiging manyak na ang babaeng ito kakasama niya yan kila Nico.

Tinignan ko ang iba kong kaibigan na nasenyas na rin. I pouted. Nilingon ko ulit ang lalaki na nangalay na yata kaya binigay ko agad ang kamay ko.

Marami na rin ang naasayaw sa harap. Dinala niya ako sa gitna.

"Kilala ba kita?" Tanong ko agad.

He shrugged while smirking widely.

My brows furrowed.
"So.. kilala mo ako?"

He shrugged again. Nagsalubong ang kilay ko. Hindi kaya pinagloloko lang ako neto? Saka napipi na yata 'to. Hindi nagsasalita. O baka naman inis? Kasi yung purse ko yata ang gusto niya talaga tas ang binigay ko, kamay ko.

Inis kong inirapan siya. Tumingin ako sa gilid at nakitang nakikipag sayaw na rin si Margaux kay...

"You have a very sinful eyes." Mabilis kong nilingon ang kaharap ko. Marunong pala magsalita.

"What do you mean?"
Nagtataka kong tanong.

"Nothing."
Nakita ko ang pag-irap niya. Aba. Maldito?

Pinagmasdan ko ang kilos niya, parang may gusto siyang sabihin o gawin. Hindi ko alam kung nagmamadali ba siya o ano. Bigla siyang nagsalita.

"Shall we dance?" Patanong niyang sabi.

"Alright." Tumango ako.

Inilapit niya ang kanyang sarili sa akin. He slowly held my waist. I bit my lip. I can feel my cheeks burning. Iginiya niya ang dalawang kamay ko papunta sa kanyang batok. Medyo naiilang ako sa pagsayaw namin, ngunit habang tumatagal nagiging komportable na ako. Nakayuko ako habang kami'y nag sasayaw dahil hindi naman ako marunong sumayaw at ayaw ko namang matapakan yung sapatos niyang makintab, mamaya itulak ako kasi nadumihan ko.

"Don't worry about making a mistake. It's alright." He whispered.

I tilt my head. Pamilyar ang boses. Kanino ko nga ba ulit narinig 'yun? May kaparehas siya ng boses, hindi ko matukoy kung kanino. Sumakit ang ulo ko sa pag-iisip. Nevermind. Nagpatuloy lamang kami sa pagsayaw ng mabagal. Pinagmamasdan ko ang mga paa naming nagalaw. Ginagaya ko ang galaw ng kanya. Side step,side step.

Tiningala ko siya. Sinalubong naman niya agad ang tingin ko. Mukhang kanina pa siya nakatitig.

"Pwede ko bang malaman pangalan mo?"
Tanong ko na lamang. Ang tahimik niya kasi. Napilitan talaga siguro siyang isayaw ako. Sabi na talaga! Yung purse ko talaga ang pakay niya.

"Cal." Tipid niyang sagot na ikinangiwi ko.
Suplado ang lalaking ito. But I already feel comfortable even though I just met him.

Nilapit ko ng kaunti ang mukha ko sa kanya.
"Cal? As in Caltex?"
Weird naman.

First Love Never Dies {Love Series #1}Where stories live. Discover now