Silong

84 5 0
                                    

Sa pa bugso-bugsong ambon
na bitbit ng magulong panahon,
nahanap kita.

Nahanap kita sa gitna
ng mga taong naka payong,
nandoon ka,

Sa gitna nag iisa;
hindi alintana ang pagtila
ng mga patak na bumabasa-

Ang langit na walang tigil sa pagluluksa,
sa mga nanlalamig nating kaluluwa;
natagpuan kita.

Sa gitna ng mga tanong
sa puso ko na hindi mahinahon,
nahanap kita aking sinta-aking Silong

===M===

PoemsWhere stories live. Discover now