Itinadhana pero di pinagtagpo

78 7 0
                                    

Hindi nga patas ang mundo.
Sadyang pinaglapit man ang ating puso,
Pinaglayo naman ang landas ko sa iyo.
Tayo ma'y itinadhana pero 'di naman pinagtagpo.

"Ikaw ang ilaw, ako ang dilim
Ikaw ang bunyag, ako ang lihim"
Ang pagtangi ng puso ng bawat isa'y malalim.
Ang pagsuyo sana ma-ibulong mo sa akin ng mataimtim

"Ikaw ang tuwa, ako ang luha,
Ika'y maaliwalas at ako'y lubha."
Nais ko ang pagsinta mo'y makasalamuha,
Sa kabilang mundo ka man, puso ko'y iyong nakuha.

===M===

PoemsWhere stories live. Discover now