CHAPTER TWENTY-ONE

1.4K 76 0
                                    

Demonisse Brave PoV

Sarado pa din ang bahay ng makauwi ako..

Tss talagang hindi siya umuwi? Masyado yata siyang nag enjoy sa Ursula na yun..

Pabagsak kong inihiga ang katawan ko ng makapasok ako ng kwarto ni Blake,

Galit pa din siguro siya sakin,Bakit ba kasi kailangang mapunta pa ako sa ganitong sitwasyon

Ok, sasabihin ko na talaga kay Blake ang lahat ng about kay Zyier..

Blake Ford PoV

Napahinto ako ng makitang nakadapang natutulog si Demonisse sa kama ko..

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, mukang pagod na pagod siya, hahawakan ko sana ang pisnge niya ng bigla siyang magmulat kaya mabilis akong lumayo.

Mukang nagulat din siyang nasa harapan niya ako at mabilis na umupo..

"What are you doing here?" basag sa katahimikang tanong ko.

"A-ah ano kasi" kinakabahang usal niya kaya nilingon ko siya, nakayuko siya at pinagdidikit ang dulo ng dalawang hintuturo..

"What?" kunwari napipikon kong tanong..

"Aish! Saglit nga!" sigaw niya habang kinakabahan at tinignan ako ng masama bago nag iwas kaya hindi ko mapigilang ngumiti.

Para siyang batang galit dahil hindi nagpagbigyan ang gusto..

"what do you need? I'm waiting" kunwari naiinip kong usal sa kanya..

"Uhm, ano kasi yung about kay Z-zyier" kinakabahan pa din niyang usal kaya umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sakin..

"What about him?" kalmado kong usal.

Gusto kong maging komportable siyang magkwento sakin...
Huminga muna siya ng malalim bago tumingin ng deristso sa mata ko..

"Zyier is my ex, he die in an incident yun ang akala ko, pero buhay pa siya" Mabilis niyang usal sakin.

"You're crying because he's alive?" takang tanong ko, yumuko siya at kinuha ang kamay niya sakin..

"Namatay ang family niya dahil sakin" pahina ng pahina niyang usal na punong puno ng lungkot at pagsisisi ang boses niya.

"Do you mind if you tell me what really happen?" malumanay kong tanong sa kanya.

FLASHBACK*

"Love, may pupuntahan lang ako saglit dito ka muna" nakangiting usal ni Zyier

"Ha? Bakit? San ka pupunta? Magsisimula na yung party eh" Nagtatakang tanong ko..

8th birthday ngayon ni Zndy, kapatid ni Zyier

"May importante lang akong pupuntahan babalik din ako kaagad" usal niya at nagmamadaling umalis kaya hindi ko na siya napigilan..

"Oh, San pupunta yun Brave?" takang tanong ni Tita Andy

"Ewan ko nga po eh, may importante daw po siyang pupuntahan" usal ko din, Hindi ko alam pero kinakabahan ako ngayon.

"Naku talaga yun, magsisimula na pa naman, halika na sa loob ija" aya sakin ni Tita Andy kaya sumunod na din ako..

Wala masyadong bisita dahil bagong lipat lang sila dito, mga ilang classmate at kaibigan lang ni Zndy ang bisita...

Taming My Badass Wife | Book 1Where stories live. Discover now