Prologue

2.9K 91 16
                                    

"Dude, gusto ko rin magkaroon ng girlfriend tulad ni Daemon." Pierre rolled his eyes as he heard Flynn's words.

"Flynn pwede ba? Wag nga ako ang pestehin mo tungkol diyan sa love life mong nonexistent." Walang ganang sagot niya sa kaibigan niyang sumimangot nang marinig nito ang sinabi niya.

"Dude, Daemon's relationship is going strong. He looks happy. Hindi na ako magugulat kung mamaya magpapakasal na sila. Gusto ko ring magpakasal." Pagdradrama nito kaya naman pagak siyang tumawa.

"Huwag mo nang paasahin ang sarili mo. Tanga lang ang babaeng magpapakasal sa'yo." Sambit niya at sinamaan naman siya ng tingin ni Flynn.

"Hey, I'm a very handsome and rich bachelor, how dare you mock my future wife?" Inis na sagot ni Flynn sa kaniya at walang buhay niya namang tiningnan ang kaibigan.

"Saka mo ako sabihang may future wife ka kapag nagka-girlfriend ka na." Aniya at ngumuso naman si Flynn.

"Pero ikaw? Ayaw mo talagang mag girlfriend? Dude, kapag nakikita ko si Daemon at ang girlfriend niya feeling ko ang sarap biglang magpakasal. Sure kang ayaw mo?" Pangungulit nito sa kaniya kaya napabuntong hininga na lang siya.

"Ayaw ko ng sakit sa ulo." Panimula ni Pierre.

"At mas lalong ayaw kong magpasakal. Este, magpakasal." Nakasimangot na sambit niya sa kaibigan niyang tinaasan siya ng kilay.

"Kung magandang babae ang sasakal sakin, okay lang." Nakangiting sambit nito at nginisian niya naman ang kaibigan.

"Yeah, go die." Aniya at tumingin sa suot niyang relo.

"Ano? May sasabihin ka pa ba? May operation pa ako in thirty minutes kaya kung wala ka nang sasabihin, pwede na ba akong umalis? And please, next time, 'yung kakambal mo ang kulitin mo, huwag ako. I'm a busy man." Pierre stated as he stood up and straightened his white coat.

"Huwag kang basta-bastang sumusulpot dito sa hospital. Lalo na kung tungkol sa kasal 'yung sasabihin mo sakin. Hindi ako interesado." Dagdag pa niya at nangalumbaba naman si Flynn habang nakatingin sa kaniya.

"Para nagtatanong lang naman eh." Pagrereklamo nito and he shrugged his shoulders.

"Fine. Aalis na ako. May meeting pa din naman ako." 

Pierre sighed as he arrived in his office. The operation was a fucking headache and ilang oras siyang nakatayo kaya gusto niya na lang humiga at matulog kaya naman dere-deretso siyang pumasok sa private room niya sa loob ng opisina niya at hinubad ang white coat na suot niya.

Kahihiga-higa niya pa lang sa kama nang biglang tumunog ang telepono niya kaya nanggigigil niyang kinuha ito mula sa bulsa niya and then he saw his mother's name on the screen.

"Mom, bakit po kayo napatawag? May problema po ba?" He asked as soon as he answered the call at tumawa naman ang nanay niya.

"Hindi ko ba pwedeng tawagan ang anak ko kung kailan ko gustuhin?" Tanong nito pabalik kaya napasimangot na lang siya.

"I'm tired mom. I want to sleep." Pagrereklamo niya at kaagad namang nagsalita ang ina niya.

"Don't talk to me in that tone Reuben." Pagsaway nito sa kaniya at hindi niya mapigilang mapabuntong hininga.

"I'm sorry." He stated and his mother hummed.

"Mhm. So, kailan mo ba ako bibigyan ng apo? Tumatanda ka na Reuben, at pati kami ng daddy mo. Huwag mong ipagdamot saming makita ang apo namin bago kami mamaalam." Sambit nito.

"Mom! Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan. And please, ayaw ko pang magpakasal." Kaagad na sagot niya at muling nagsalita.

"Seriously mother, I do not want to get married. Masaya ako sa buhay ko at hindi ko naman kailangan ng kahit sino para samahan akong mamuhay dito sa mundo. Ayaw ko rin ng problema at sakit sa ulo." Dagdag pa niya at kaagad namang umimik ang nanay niya.

Dangerous 3: Pierre GeorgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon