21

13.3K 239 87
                                    

[H-hello, Ma'am?]

"Kumusta na 'yang kumpanya?" tanong ko sa kaniya habang ang mga mata ko ay nasa camera na ginagamit namin ni Ian every time we record.

I am sitting pretty on the sofa. Ang cam ay nasa center table. I am playing with ny nails while talking to her on the phone. I wonder, para saan nga ba't nagre-record kami? Pinapanood niya kaya 'to?

"Okay naman po, Ma'am," she answered. Napatango ako kahit wala siya rito.

"Are you busy right now? Can you bring my papers here? 'Yong mga papel na naiwan ko riyan kahapon bago ako umalis."

Ian became busy as days passed by. Hindi na naman naaabutan ang isa't isa na gising. Kapag gising ako, tulog siya. Kapag tulog ako, gising siya. Vice versa lang. Bukod pa ro'n, kapag naalis siya, uuwi siyang tulog ako at kapag nagising ako, tulog siya. Minsan naman, hindi na siya umuuwi.

The election will be one week from now and guess, what? I don't have any plans. Wala na 'kong planong makipaglaro o ano.

Nahulog ako.

I let out a heavy sigh before closing ny eyes deeply. Puwede ko nang i-play ang viral na audio for lipsync na nakikita ko sa facebook. Iyong "What was plan A? Don't fuck up. What was plan B? Don't fuck up plan A. What did you do? I fell in love! I fell in love! But that's okay."

[Yes, Ma'am,] Alice answered. [Ngayon na po ba? Sa condo ninyo?]

"Ah." I bit my index finger, thinking. Ano ba ang dapat kong isagot? Should I say that I am staying with Ian na?

Pero baka naman masira siya sa 'kin.

I have a bad image, everyone knows that. Ang dami kaya ng mga taong nakakakita sa 'kin everytime na mapapaaway ako at naire-record pa nila! Everyone thinks I'm bad! Maraming nagko-comment sa videos kesyo bad bitch daw, but no. I bet to disagree. I was never been a bad bitch. I was just a mannerless immature type of person before.

What the heck, Alena? Nag-mature ka na ba niyan?

[Hello, Ma'am? Nandiyan pa ba kayo?]

"A-ah, yes, yes! I'm still here," I answered in shock. "Alam mo ba kung taga-saan si Mayor Ian Acoza? Pumunta ka ro'n."

[S-sorry, Ma'am? A-ano po 'yon?]

"Nasa bahay ako ni Mayor Acoza," I repeated. "Pumunta ka rito."

[A-ano po'ng ginagawa niyo riyan?] Pahina nang pahina niyang tanong na hindi ko naintindihan. [S-sige po, Ma'am. Yes po, alam ko kung taga-sa'n si Mayor. Pupunta na po 'ko riyan.] And without even saying goodbye like she used to before, she dropped the call.

Nagsalubong ang mga kilay ko at nagusot ng husto ang aking mukha. Bastos. Inano ko ba siya? Hindi na nga 'ko gaanong nanenermon sa kanila, e!

Napangisi ako sa iritasyon na namuo sa loob ko dahil lang sa simpleng akto na ginawa ni Alice. Kahit naman siguro sino ay maiirita, ano? I am her boss. The audacity she has to just drop the call just like that!

Iritang ipinatong ko ang aking cellphone sa center table bago kinuha ang camera. I checked it at napangiwi habang tinitignan ang mga ito. Ang freeze namin sa bawat video ay ang laswa. As in! May ilang... Basta!

"Geez, disgusting!"

Kahit pa nire-record namin ang ilan sa mga ginagawa namin ay never pa kong nanood kahit isa sa mga iyon.

Habang tinitignan ang mga iyon ay napatingin ako sa phone ko nang bigla itong mag-ring. I wanna change my number so bad when I saw the caller's ID.

The Politician's Biggest Mistake (Flame Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon