Prologo

52 3 0
                                    


"Bakit ngayon ka lang dumating?" Mas lalong humigpit ang hawak ng kaniyang kamay sa aking pulso. Nang itaas ko ang aking paningin ay nasilayan ko ang kaniyang mga mata na may poot at panghihinayang sa likod ng nagbabadyang mga luha. Ibinuka ko ang aking mga labi, subalit nanatili akong walang imik hanggang sa marinig kong muli ang kaniyang tinig.

"Huli na."

Huli na. Sinabi niya ito sa akin na para bang may dapat akong pagsisihan. Kung anuman ito, iyon ay ang sikretong aking bubuksan at mismong wawakasan sa loob ng dalawampu't apat na kabanata.

Ang pangalan ko ay Gina. At ito ang unang pahina ng aming istorya.

24 Pages of MichelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon