Kabanata 1

38 2 0
                                    


Maaga akong nagsimulang mag-impake ng mga damit at gamit sa isang malaking maleta. Ang aking destinasyon ngayong araw ay isang lugar na nakikita ko sa mapa ng Pilipinas pero ngayon ko pa lamang mapupuntahan.

"May mall kaya r'on?" pakikipag-usap ko sa sarili pagka-upo na pag-kaupo sa bandang gitna ng bus. Sabi kasi ni mama, rito raw ang pinaka-safe na puwesto.

"Aandar na ang biyaheng Bataan!" ang sigaw ng konduktor. Hinawi ko ang kurtina at pinagmasdan ang pagsikat ng araw sa silangan. This will be a long adventure.

Ang pangalan ko ay Gina Carpio, 27 years old and single. Isa akong highschool teacher sa Manila pero biglang na-assign sa probinsiya sa loob ng ilang buwan. Siyempre masama ang loob ko pero mas okay na 'to kaysa mawalan ng trabaho. Habang iniisip ko ang mga iniwan ko sa bahay, si mama at ang kapatid kong lalaki na si Marco, naalala ko ang sinabi ng kapatid ko bago ako makaalis.

"Okay lang 'yan, ate Gina. Malay mo, sa Bataan ka na makahanap ng soulmate mo."

Tumigil ako panandali sa pagsi-siksik ng damit sa aking maleta at tinitigan siya ng masama. "Alam mo Marco, hindi gumaan ang loob ko sa mga sinabi mo."

"Anong negative sa sinabi ko? Ito na ang panahon para magkaroon ka ng adventure sa buhay. Hindi mo alam kung gaano ako magiging masaya kapag umuwi ka nang may dalang jowa, sakay-sakay ng kalabaw."

Mag-isa akong natawa sa kinauupuan dito sa bus. Napatingin pa nga 'yong katabi ko kaya agad akong nag-poker face. Sa totoo lang, wala namang problema sa kalabaw, kung may magiging boyfriend ako na may-ari ng kalabaw o mukhang kalabaw ang soon to be jowa ko. Sadyang gusto lang idiin ni Marco na pupunta ako sa probinsya kung saan pag-sasaka ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao. And nothing is wrong with that.

"Nakalimutan kong sabihin na itigil na niya ang kakasulat ng mystery stories sa Whopad Whopad na 'yon. Kapag napabayaan niya ang pag-aaral niya, lagot talaga siya sa'kin," paghihinayang ko. Muling napatingin ang katabi ko dahil sa narinig na monolouge. This time, I forged a cough and leaned my head on the windowsill.

'Mahaba-haba ang biyahe kaya itutulog ko muna 'to.'

Naalimpungatan ako nang maramdamang tumigil ang bus. Pagtingin ko sa paligid, iba na pala ang katabi ko. Lalaki ito, naka-sombrerong itim, gray shirt at ripped jeans. Sa unang tingin, mukha naman siyang matino at malinis na tao. Kaso, may naamoy akong kakaiba mula sa kaniya. 'Is that from his underarm?' Lumapit ako ng kaunti. At nang masigurado kong galing nga sa kili-kili niya ang mabahong amoy ay parang bumaon ang ilong ko!

Nang dumaan pa nga sa amin ang konduktor ng bus ay napasigaw pa ito ng, "Boom! May bomba!" Pero hindi parin nakahalata ang katabi ko. Mabuti nalang malapit lang ang destinasyon ni kuya. Kaya nang makababa na siya, nakahinga na ako ng maluwag. 'Na-terrorist attack ako a.'

Ang sumunod na problema sa aking "Adventure to Bataan" ay ang pagiging mahiluhin ko sa biyahe. Tatlong oras na kong nakaupo sa loob ng gumagalaw ng bus. Sinubukan ko naman ang best ko pero talagang sukang-suka na ako! Ang nakakainis pa, nakalimutan kong magdala ng plastic bag. Kaya noong naamoy ko ang banana cake na dala-dala ng nagtitinda sa bus ay napasuka ako ng kaunti. Wala namang nakapansin kasi pinanatili ko ang suka sa bibig at... nilunok uli. First time kong lunukin ang suka at talaga namang maasim ito. 'This will be one of my most embarrassing moments of my life.'

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa Bataan. Sa Balanga City ako bumaba at nang makapagmasid sa paligid, malaki ang kaibahan nito sa kinalakihan kong lugar. Kakaunti ang mga matataas na building. Kung meron man, mga apat hanggang anim na palapag lang ang taas nito.

"Kuya, sa Cupang po," ang sabi ko sa pinarang tricycle.

Binuhat niya ang dala kong maleta at ipinasok sa side-car. Tapos tinanong niya ako ng, "dalawa na ang ibayad mo, ha miss?"

24 Pages of MichelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon