𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝙷𝚁𝙴𝙴🦋🌼

68 18 0
                                    

Chapter 3

"Summer Break"
Written by Shyyshaii

*Kriing kriing*

"Class dismissed. You can have your lunch now." sabi ni prof.

*Yawn*

Pagkagising ko ay agad akong nagpaunat unat ng mga braso ko at inayos ang sarili. Pangatlong araw ko na sa University na 'to. Ano na naman kaya ang mangyayari ngayong araw?

Napalingon ako sa katabi ko nang mapansing nag-uunat rin, mukhang antukin rin sa klase ang taong ito.

"Tsk! Don't look at me kung ayaw mong dukutin ko yang mata mo." literal na napanganga ako sa sinabi niya. Kakaiba talaga siya, parang may saltik.

Tumayo na ako at saka binitbit ang bag ko na naglalaman ng isang notebook at ballpen atsaka naglakad na palabas ng room.

Pumunta ako ng Cafeteria. Bumili ako ng pagkain at agad na naghanap ng vacant table.

Habang kumakain ako ay nakarinig ako ng mga estudyanteng nagtatawanan. Kaya napalingon ako sa pinanggagalingan ng ingay.

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

At dahil nacu-curious ako ay agad akong nakiusyuso at nakita ang isang babaeng may suot na salamin at nakabraid yung buhok na pinagtatawanan nila. Tapon ang pagkain nito at nakaluhod ito sa sahig habang nililigpit ang natapong pagkain.

Nakita ko ang lalaking may kagagawan kung bakit kawawa ang babaeng 'to. Si kapreng hilaw na tuwang tuwa pa sa ginagawa niya.

Hindi ka na nga naawa, tinawanan mo pa!

Bumalik ako sa inu-upuan ko.

Pinigilan ko ang sarili ko, alam ko na hindi dapat ako mangialam. Pero kailangan parin ng babaeng 'yun ang tulong.

Hinilot ko ang sentido ko, bakit ba napakalapitin ko sa away? Bahala na.

Tumayo ako at pumunta na pinangyayarihan ng kaguluhan.

Nilapitan ko ang babaeng pinagtatawan ng mga estudyante dito sa loob ng cafeteria at pinatayo ito. Ngumiti naman siya sakin matapos ko siyang itayo.

"Umalis ka nga rito." sabi ng lalaking mayabang na 'to.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya sakin.

At matapos niyang sabihin 'yon ay bumaba siya sa mesa na pinagkakaupuan at lumapit sa akin.

"Bitiwan mo siya, hindi pa kami tapos sa kanya." mariin niyang sabi habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Hindi pa ba sapat sayo na makita siyang napapahiya sa harap ng maraming tao!?" sagot ko na nagpatahimik sa mga tao dito.

Mukhang bago yata sa paningin nila na mayrong sumasagot sa kapre na 'to.

"Pano kung sabihin kong hindi pa?" nakangisi niyang sagot.

"Oh my god gurl... she's so stupid, hindi niya alam ang lugar niya."

"Wala siyang karapatan na sagot sagutin si Fin."

"Ang tapang niya men."

"Wish her good luck, tsk!"

Nakarinig na ako ng bulong bulungan sa paligid, mukhang inaabangan nila ang mangyayari.

"Pwede bang tumigil ka na sa pambubully mo?!" sabi ko habang sinasalubong ang matatalim niyang titig sa akin.

"I'm not scared of you, Stupid!" pangisi-ngisi niyang sagot.

SUMMER BREAK (ON-GOING)Where stories live. Discover now