Chapter 11
"Summer Break"
Written by ShyyshaiiAC's POV
I woke up with a hangover. Sumandal muna ako sa headboard ng bed ko.
"Ouch!" ang sakit talaga ng ulo ko.
Pumunta na ako ng cr at naghilamos. Mawawala rin 'to mamaya. Iinum nalang ako ng gamot.
Pagkatapos kung maghilamos ay bumaba na ako para kumain ng breakfast.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" bungad sakin ni manang pagkababa ko.
"Medyo masakit lang yung ulo ko." sagot ko sa kanya sabay upo.
"Ikaw kasing bata ka. Ewan ko ba kung anong naisip mo at nag-iinom ka 'don."
Ito talagang si manang akala ko pa naman makakatakas na ako sa sermon pero pati rin pala siya.
"Eh nagpawala lang naman ako ng stress eh. Naii-stress na kase ako sa school eh."
"Tumawag sakin kahapon ang mama mo."
Hindi ko natuloy ang pagsubo ko ng pagkain ng dahil sa sinabi niya. Napanganga nalang ako.
"A-ano po yung sinabi niyo sa kanya?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
"Edi..."
Manang talaga oh, may pa suspense pa siyang nalalaman.
"Ano?" hindi na ako makapaghintay.
"Sinabi kong tulog ka parin."
Ayy salamat. Nakahinga ako ng maluwag.
"Syempre hindi kita sinumbong dahil alam kong mapapagalitan ka na naman."
"Talaga? Salamat po manang." at nagpuppy eye pa ako.
"Huwag ka jan Christine. Dahil sa susunod sasabihin ko na sa mama mo. Baka sabihin pa niya na pinagtatakpan kita." sabi ni manang.
"Love na love niyo talaga ako manang." sabay yakap sa kanya.
"O siya kumain kana. Lalamig yang pagkain mo."
Nagpatuloy na ako sa pagkain. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto at naligo.
Tinawagan ko si Kath.
"Hi kath?"
["Hello, ano na naman ang problema mo."]
"Anong ginagawa mo ngayon?"
["Kakatapos ko lang maligo."]
"Tamang tama. Gala tayo?"
["Sige ba. Basta hindi sa bar ah."]
"Oo. Sige na, kita nalang tayo sa mall."
["Sige. Bye."]
Binaba ko na ang phone at pumunta sa walk-in closet ko.
I'm wearing now a white sweater, a ripped jeans and my white sneakers and also a black cap.
Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot papuntang mall.
~Mall~
Pagdating ko dun ay nagpark ako sa basement at pumasok na sa loob.
Pinuntahan ko si Kath sa isang resto dito kung saan kami exactly magkikita.
![](https://img.wattpad.com/cover/289135804-288-k686895.jpg)
YOU ARE READING
SUMMER BREAK (ON-GOING)
Teen Fiction𑁍𝐒𝐮𝐦𝐦𝐞𝐫 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐤𑁍 Part of growing up is realizing that you love so many people and you'll get hurt. But in a billion of peoples around you, their is only one people that's destined for you. Ayeesha Christine Harkley - The new girl at Har...