Kabanata 7

10.5K 373 66
                                    

Kabanata 7

MABILIS na iniwas ni Argus ang kanyang tingin nang mabaling sa kanya ang atensyon ni Tammy. Nakaupo sila sa isang bench sa loob ng carnival habang kumakain ng ice cream na napansin niyang nais nitong bilihin kanina kaya lang ay nahihiya dahil tingin nito ay hindi na ito bata. He realized while they're going around the carnival, Tammy forgot to treat her inner child, probably because she was too excited to grow up and handle her own life.

"Anong tinitingin-tingin mo, hmm? Pinapanood mo kong dilaan ang ice cream?" mataray kunwari nitong tanong.

Argus shook his head immediately with his face slightly blushing. Nang mapansin niyang namantsahan ng ice cream ang tungki ng matangos nitong ilong, dinukot niya sandali ang kanyang panyo at pinunasan ito habang nagsasalita. "I—It's not like that. Tinitignan ko lang kung... namamaga pa ba ang mga mata mo."

Napatitig ito sa kanya ng ilang sandali. Nang mabaling sa mga mata nito ang tingin ni Argus, simple siyang ngumiti habang magkalapat ang mga labi. "Hindi na masyado. Buti na lang." He fixed her bangs. "Ayan. Mas lalong hindi na halata."

Tammy looked away and continued eating her ice cream. Sumandal pa ito sa bench saka kumuyakoy, ang mga mata ay pinanood na lamang ang mga taong dumaraan. Nang may pamilyang sandaling tumigil sa harap nila upang maitali ng tatay ang sintas ng anak nito, napansin niyang muling lumamlam ang mga mata ni Tammy.

"Kapag nagkapamilya na rin ako, matutulad kaya sa akin ang mga magiging anak ko? Will they also feel like excluded? Unloved? Under appreciated?" bigla na lang tanong ni Tammy habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa pamilya.

Napahugot siya sandali ng hininga at sinangkal ang kanyang mga siko sa magkabila niyang hita. "Do you know the phrase, blood is thicker than water? Kilala mo ba kung sinong nagsabi?"

Tammy glared, trying to hidethe sadness in her eyes. "Malay ko kung sinong nagsabi ng kasinungalingang 'yan."

Napakamot ng patilya si Argus. "The original phrase actually goes like, the blood of the covenant is thicker than the water of the womb. Ibig sabihin, your chosen family will always have the stronger bond with you, Tammy. In our church, we are all family. We chose to be one, and we know that someday, we will pick someone whom we'll build a family with kaya nasa amin ang kakayahang pumili ng klase ng pamilyang kalalakihan ng magiging mga anak namin." He looked at the mom and dad in front of them. "Kapag nagkapamilya ka, Tammy, lagi mong iisipin na kung ano ang ayaw mo sa mga dinadanas mo ngayon, dapat hindi na maranasan ng magiging anak mo. If your family by birth failed to keep your tears from falling because of them, someday, make sure your kids wouldn't experience it, too."

Basag itong ngumiti habang nakatitig sa ice cream nito. "I never had the chance to... go to carnivals with my parents. Maaga silang nawala at... pinakamahirap na parte ng pagmatay nila ay 'yong hindi ko na maalala ang... ang boses nila. I bet if we didn't have photographs, I wouldn't even remember how my parents looked like. Pero sabi ni tito, kamukha raw ako ni mommy at... kaboses din." She flashed a bitter smile. "Pero bakit kapag nakatingin ako sa salamin at ngumingiti, I can't see her in me? Why can't I hear my mom whenever I'm trying to comfort myself? Bakit iyong nakikita at nadidinig ko lang ay... iyong Tammy na mag-isa?"

Kumirot ang puso ni Argus nang makita kung papaanong namuo ang mga luha ni Tammy kaya bago pa iyon pumatak, umayos na siya ng upo saka niya ito hinagod ng palad sa likod.

"Hindi mo naman kailangang pekein ang pagko-comfort sayo. Kung nahihiya ka kay kuya, pwede naman ako ang makinig sayo. Magkaibigan din naman tayo, hindi ba? Hindi nga lang kasing close ng sa inyo ni kuya..."

Tammy sniffed. "Of course. Huwag mo lang akong babanatan g Bible verses dahil baka ingudngod kita sa harap ng anghel sa bungad ng simbahang may buhat na holy water."

SEDUCTION SERIES: When He Pleaded Guilty (Exclusive In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon