PROLOGUE at PASINTABI

270 29 4
                                    



'Kay fine, hindi ako prepared. Aba, malay ko bang one, day isang araw, may bangungot na darating. Isang uri ng pangyayaring mas matindi pa sa zombie apocalypse. O pagkawala ng 13th month pay sa pasko.

Hindi ako naging Girl Scout kaya wala sa motto ang 'Laging handa'. Basta, dumating na lang sa puntong may 'wapak', 'kaboom', 'kapow' at 'tooogsh' ang lahat.

Isang araw hirap akong magkamot ng likod kasi 'di maabot. Sa susunod naman, hirap akong mangulangot dahil nasobrahan sa sundot ang ilong, dumugo.

Ah basta, ganun yun.

Sino ba ang dakilang handa? Sa pagtaas ng pamasahe sa LRT at MRT, sa pagkalat ng Ebola at... sa feelings? Hindi mo alam kung nagmamahal ka na o sadyang tanga ka lang.

Kung noon, gusto mong suntukin ang mukha niya at ngayon gusto mo siyang patayin kara-karaka, baka in the future, gusto mo na siya o mas higit pa. Uri ng gustong may kasamang 'I Do' at sexy time sa imahinasyon.

Ah ewan. Masyadong misteryoso ang buhay. Sino ba ang maniniwalang uso ang sapian ng fertility goddess? Ang mag-aakalang matututo akong mag-upper cut? O uulan ng nyebe sa Pilipinas?

At sa lahat ng nangyari, nangyayari o mangyayari, uulitin ko...

Ako, si Inkarnasyon Bonifacio, ay hindi prepared.

♥♥♥

Pasintabi ni Otor :

Hello. Ang kwentong ito ay hindi pa tuluyang na-edit. Kung isasalin ko sa salitang lutang, may mga kabanatang nangangailangan ng esperitista upang paalisin ang Jeje Monster.

Ito ang pinakaunang kwentong naisulat ng inyong lingkod, kaya't sa panahong sinulat ay mangha-mangha ako. At hanggang ngayon, ay nakakamangha parin... ang jeje ko palang magsulat dati (baka nga hanggang ngayon). Nevertheless (naks, Ingles), pinagmamalaki ko pa rin ito.

Ang original na manuscript ay nanalo bilang 2nd place sa Novel writing contest ni Ms. @Baka_usagi at na self publish pa ang book 1. Marami akong natutunan sa kanya, sa mga judges at kapwa kalahok. At dahil doon, mas pinag-igi ko ang pagsusulat. Kaya umabot sa puntong naisipan kong iedit ito.

Iisa nalang ang POV at bawas na bawas ang pagmumura.

Nasa sa'yo na kung ipagpapatuloy ang pagbabasa. Sana ay i-vote mo o mag-comment. Pinaghirapan at pinagpuyatan po ang bawat kabanata, ang iyong boto at komento ay nagpapatunay na meron kang paki kahit konti. Nakakatulong iyon upang hindi malunod si otor sa kalungkutan at magbigti sa sotanghon. lol

Ellena Odde ♥

Hello, Sh*tface!Where stories live. Discover now