CHAPTER 1:

4.3K 117 17
                                    

enjoy reading! :)

CHAPTER 1:

RIYEE'S POV

"Hoy! Riyee.. bakit bigla kang natulala? Okay ka lang ba?" Tumango na lang ako bilang tugon. Pero hindi ko maitago yung kaba ko sa dibdib ko. Para bang hindi ko na alam ang gagawin ko. Pag bumalik sila, panigurado pati tong mga to pag uusapan ako. Lalayuan ako. Magiging malungkot na naman ang buhay ko.

Ayoko nang mag isa.. Kaya minsan hirap akong mag tiwala sa mga tao. Minsan na pra-praning din ako. Pero hindi ko na talaga alam.

“Huy! Okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Harper. Ngumiti na lang ako.. Ayokong ipakita na mahina ako, dahil alam ko gagamitin nila ‘yun sa akin..

"Pero mabalik tayo, gusto mo ba talaga si Kyd??"

"Ano.... hindi? Ewan? Hindi ko alam." Nabaling ang atensyon namin nang biglang dumating si Donald na may dalang malaking torotot.

"Ano na namang paandar yan bading?" Masungit na sabi ni Twaylem habang pinag mamasdan ang torotot na hawak ni Donald. "Wala fifi, eksena lang. Alam mo naman bongga ang friend mo. Weheee!"

Nag beautiful eyes ito, ngunit hinampas ito sa mukha ni Twaylem. "Alam mo ikaw Twaylem? Hanggang kailan ka ba magiging mabait sa akin? Masyado mo akong linalapastangan! Kaibigan ba talaga kita?!"

Nag emote si Donald na para bang aping-api ito. Dumating si Tao at hinagisan ito ng asin. Nag tatawanan silang lahat maliban sa akin.

"Bakit may asin?"

"Para maalis ang lansa.. ang sang-sang mo." Habang nag kukulitan ang mga ito minabuti ko na munang tumayo at lumabas.

Hindi kaso ako kompprtable. Pakiramdam ko plina-plastic nila ako. Hindi ko alam.. pero parang bumabalik na naman ako sa dati.

"Oy.." nang inangat ko ang tingin ko, bumungad sa akin si Kyd na may dalang mais. "G-gusto mo ng sweetcorn na kasing sweet ko?"

"No thanks, diet ako." Linag pasan ko lang ito. Dahil sa mga oras na 'to, gusto ko munang mag pahinga.

"Riyee.." liningon ko si Kyd. "May tanong ako.. sana sagutin mo ng siryoso.. hmm matagal ko na kasing gustong itanong sayo 'to pero.."

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. "Ano 'yun?"

Omg! Aamin ba si Kyd na gusto nya din ako?? "Uhmm, Riyee Salazar."

"Yes Kyd?" Ang dami pang arte!!

Ano ba! Ang daming patalastas.

"Ilan ang butas ng sky flakes?" Sabay ngiti nito sa akin.. "Gagu! Diyan ka na nga.."

Nakaka inis naman! Akala ko naman kung anu na ang itatanong sa akin. Ano pa bang i-eexpect ko sa gagong 'yan? Siryosong tanong? Asa naman ako.

"Joke lang. Pinapatawa lang kita.. para kasing di ka okay." Ngumiti lang ako, "okay lang ako."

"RIYEE.. naisip ko kasi, baka kaya ganyan ka these past few days.. ano.." may inabot itong plastic sa akin.

"Ano 'to?"

"Mag thank you ka nalang." Tinapik nya ako sa braso, "lilipas din yan. Okay? Kaya mo yan. Go! GO! GO!"

Ang weird talaga ng lalakeng ‘to. Nang makalayo na ito, tinignan ko ang laman ng plastic. At napamura na lang ako, "Really Kyd Hakeem Choi?! Sanitary Pads?!"

Nakita ko itong tumakbo ng mabilis.

Sira ulo talaga ang gung-gong na yun. Kainis. Natawa ako bigla ng tignan ko yung note. "Hindi ko alam kung ano ginagamit mo d'yan. Hindi ko rin maintindihan yung may wings at walang wings."

L.A SIDE STORY#2:ALWAYS BE MINEWhere stories live. Discover now