CHAPTER 2

2.2K 80 26
                                    

KYD'S POV

Pinuntahan ko si Riyee sa isang lugar na alam kong madalas niyang puntahan pag na s-stressed ito. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan maging mahina ni Riyee sa harap ng mga babaeng 'yun. Hindi hamak naman na maganda ang baby loves ko ng isang milyong beses sa kanila.

Tama nga ako, nasa ilalim ito ng tree house na malapit sa Labyrinth Academy.

"Bakit ka nandito? Umalis ka na!" linapitan ko ito ngunit pinag tutulakan niya ang aking mukha. Sinubukan kong isuot ang aking ray ban upang maitago ang aking mga mata. Alam ko namang nag papakipot lang itong si Riyee.

"Salazar! May insured tong mukha ko. Pag ito nagalusan kahit maliit lang sige ka!" tumigil ito sa pag hahampas sa akin at umiyak ng umiyak. "Gusto ko ng mamatay! Ayoko na!"

"Anong mag pakamatay?! Hindi pa nga tayo kinakasal mag papakamatay kana?!" bigla akong natauhan sa sinabi ko. "Mother crakerrr! Hukashet!" pabulong kong sabi sa sarili ko.

"Halika na Riyee, umuwi na tayo. Iuuwi na kita.."

Nagulat ako nang bigla itong yumakap sa akin. Naramdaman kong namumula ang aking mukha kaya naman pasimple akong kumakalma dahil gusto kong tumalon sa tree house. Tagal kong inaasam to. WHOOO!

Pero kung tatalon ako sa tree house,well baka masira ang pogi kong mukha. Kaya dito na lang ako tatalon. Sa tabi ni mahal.

Minabuting kong ihatid si Riyee sa bahay nila. Ngunit para itong balisa at wala pa ring tigil sa pag iyak. Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip nya sa mga oras na to.

"Alam ko you're having a bad day. Pero cheer up! Kung ano man yang gumugulo sa utak mo, you can share it with me or maybe with Twaylem." Bumaba na ito sa kotse ng malungkot at tila wala pa rin itong balak ba tumigil sa pag iyak.

Pati tuloy ako nalulungkot. Hindi ko kasi gusto na malungkot yung rason ng pag ngiti ko sa araw-araw. Ano nga ba ang nangyari at ganun na lang ang nangyare kay Riyee. Minabuti kong tawagan si Twaylayt para kausapin ito.

Nag kita kami sa isang sikat na coffee shop. "That's all miss Gonzales? Any additional order??"

Tumingin muna sa akin si Twaylem bago sumagot, "1,240 pesos po"

"Narinig mo Kyd? Bayaran mo na. Tapos bibitin mo na din. Doon tayo sa may saksakan,lowbat na ako." Napailing na lang ako. Walang pinag bago.. tssk.

Nang makaupo na kami pareho, pinag usapan namin si Riyee. "Bubbly naman si Riyee, mabait, matulungin,understanding.. kaya hindi ko maintindihan kung bakit sinabi nung mga chaka face na yun na mag ingat kay Riyee."

Masungit na sabi ni Twaylem. "Baka naman may away na naganap sa kanila? Twaylem,pwede mo ba akong tulungan para malaman kung bakit nag ka ganyan si Riyee?"

Hindi naman ito kumontra at pumayag naman ito kaagad... huwag kang mag alala Riyee magiging okay din ang lahat.

TWAYLEM
Habang nag uusap kami ni Kyd,panay ang tingin nito sa cellphone nya. "Bakit hindi mo sagutin? Mukhang importante yata??"

"Twaylem, pwedeng samahan mo muna ako? May dadaanan lang tayo tapos ihahatid na kita papauwi."

Hindu na ako kumontra. Dahil hindi rin naman kami bati ng sira ulong Yoshida na yun. Napaka epal kasi.

Pumunta kami sa isang bar, "Mag iinom ka?" Tanong ko sa kanya. Pero dire-diretso lang ito hanggang sa may nakita itong babae na halos naka handusay na sa sahig sa sobrang kalasingan.

Binubulungan nya ito, parang chinicheck kung nasa tamang pag iisip pa ito o nasa ilalim na ito ng kalasingan. Tinapik-tapik nito ang mukha nung babae. Nang nakumpirma na lasing na lasing ito, isinuot ni Kyd yung jacket na suot nya. Mabilis na itong nag lalad papalabas ng bar.

Nang maka sakay na kami sa kotse,nakita ko kung paano pag sasampalin ng babaeng to si Kyd.

"Hey Bitch! Stop slapping my friend!!" Pag uutos ko. "Fvck Kyd! Go home. I dont need you! Umalis ka sa harapan ko!" Tuloy pa rin ang pag sampal ng babaeng ito kay Kyd.

Pero itong si Kyd ay kalmado lang at ikinabit ang seatbelt ng babae. Tuloy pa rin sa pananakit tong babaeng to. Hanggang sa ipag tatanggol ko na sana si Kyd ngunit natigilan ako sa sinabi nya.

"Its okay Twaylem. Lasing lang nanay ko." Pinag masdan ko ang babaeng sinasabing mama ni Kyd, mukha itong bata pa.

"Ma, uuwi na tayo." Kahit na puro sampal at sabunot ang inaabot ni Kyd sa kanyang ina. Nanatili itong tahimik at walang kibo. Ito ang unang beses na nakita kong malungkot si Kyd.

Kung titignan mo, para itong walang problema. Mahilig mang trip at mambasag ng trip ng iba. Lagi itong naka ngiti kahit na may mabigat pala itong problema. Lalong ikinalungkot ng puso ko ng makita kong pasimpleng nag punas ng luha si Kyd.

Nang maihatid na ako ni Kyd sa bahay namin,huminga muna ito ng malalim. Pinilit na ibalik yung pag ka kengkoy nya. Pero hindi nya ito maitago sa akin.

"Ano bang nang yare sayo? Anong nangyare sa mommy mo?" Umiling lang ito at piniling huwag na lang mag kwento.

"Kung mag fofocus ako doon sa mga pangit na nangyayari sa buhay ko Twaylem.. sakit ng loob lang ang aabutin ko. Kaya mas mabuti ng maging positibo kahit na gustong gusto ko ng sumuko at panghinaan ng loob." Tinapik ko ito sa balikat at yinakap..

"Kaya mo yan Kydo." Ngumiti lang ito at pumasok na ako sa bahay. "Don't worry, sa pogi kong to? Panis lahat ng problema ko."

Hindi ko na ito nilingon pa kahit alam kong kahit anong oras ay iiyak na ito.

What a great pretender..

RIYEE'S POV
Habang kumakain ako sa instant noodles sa isang mini stop na malapit sa school ko dati. Nakita ko na naman yung mga schoolmates ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko, nanginginig ang buong katawan ko, namamawis ang kamay at sobrang kaba ang nararamdaman ko.

"Look who's here!" Gusto kong mag laho sa mga oras na ito...

Inaatake na naman ako ng anxiety at panic attacks ko. Nakuha ko ito last year. At ayaw ko nang maalala lahat.

Dahil ang sakit-sakit at ang hirap-hirap. I didn't meant to hurt them. To spread fake rumours.. I just want to fit in. Para dumami ang friends ko.. pero mali. Sobrang mali..

Nang aktong kokornerin na ako ng mga dati kong ka schoolmates, biglang sumulpot si Twaylen at sinabuyan nya ang mga ito ng tomato juice.

"Opps, sorry. Napaka clumsy ko kasi." Sabay ngiti nito sa akin. Hinawakan ni Twaylem anv kamay ko at hindi nya ako binitawan.

"Napaka immature naman ng ginawa mo." Nang aktong sasampal na sana sila. Tinulak ni Twaylem ang isa sa kanila at napaupo ito sa lakas ng tulak ni Twaylem.

"I don't give a fvck kung immature man yung ginawa ko. Pero yung pag bully sa kaibigan ko? Yan ang hinding hindi ko matatanggap." Hinila ako ni Twaylem papunta sa counter, "Here, para sa damages na nagawa ko. Now will you please excuse us?"

Nagulat lang yung babae sa counter sa ginawa ni Twaylem. "Well, hindi muna tayo papasok sa L.A for the mean time. Since you owe me this time.. baka pwede ka namang mag kwento sa akin?"

"Baka pag kwinento ko pati ikaw lumayo sa akin."

"Gosh Riyee. Oo bitch ako,rude, demonya or kahit anong itawag mo sa akin. Pero, kahit anong mangayari kaibigan mo ako. I don't care kung ano man ang past mo. I still love you.. so.. please? Sabihin mo sa akin."

Hindi ko alam kung papaano uumpisahan. Natatakot ako.. na baka lumayo na naman sila sa akin. Hindi ko na alam..

My anxiety and panic attacks are killing me.. ang hirap hirap. Gusto ko nang mamatay. :(

L.A SIDE STORY#2:ALWAYS BE MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon