Chapter 33 Bampira

753 28 5
                                    

Chann's POV





Part of what she said made sense at nakuha ang atensiyon ko. Kung mayroon mang mga kulto na naninirahan sa mga liblib na bahagi ng San Miguel, na naniniwalang ang dugo ng tao ang makapagbibigay sa kanila ng kakaibang lakas at katalinuhan, then I might be into something.





Tumango si Luna.
"Oo. Dugo."





Nakakita naman ako ng kaunting liwanag sa pagpunta dito kay Luna.





"Sinasabi niyo po ba sa akin na mayroong kulto na naninirahan dito na pumapatay ng tao para makakuha ng dugo nito?"





Ngumiti naman si Luna habang umiiling iling.
"Hindi. Alam kong alam mo kung ano sila Chann."





Tumayo si Luna at naglakad patungong tukador. May isang bagay siyang kinuha mula rito at naglakad pabalik sa akin at tumayo sa harapan ko. Iniabot niya sa akin ang isang salamin na may silver na frame.





"Tignan mo ito." Utos niya. Kinuha ko naman iyon at tiningnan.





"Ano ang nakikita mo?"





"Ang sarili ko ho."





Tumango naman si Luna.
"Ang isang Chaser ay hindi nakikita ang sariling repleksiyon sa harap ng salamin."





Tinignan ko siya at hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"Hindi nila makita ang sarili sa harap ng salamin? Come on! Parang napapanood ko na yan sa mga vampire movies at series sa hollywood. And anyway, napaka imposible nun. Lahat ng bagay na ilagay mo sa harap ng salamin ay makikita mo ang repleksiyon."

My Immortal Love ( EXO FF )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon