Kabanata 3 : Third Day to Fourth day
"Kumain ka na muna." sabi ni Aqua kay Louise ng ibaba nito ang mga nakuhang bunga ng puno sa dahon na nasa buhanginan
Napatitig si Louise kay Aqua, ayon sa lalaking kaharap nasa ikatlong araw na sila sa isla. At mula kahapon ng may mangyari sa kanila hindi na ito humihiwalay sa kanya. Kumukuha lang ito ng pagkain nila sa mga punong malapit doon at agad naman bumabalik.
Ibinigay ni Aqua ang nakuhang bunga ng puno kay Louise na agad na tinanggap ng dalaga.
"Mamaya, pumunta tayo sa gitna ng islang ito. May tubig doon na puwedeng inumin." sabi ni Aqua.
Napatitig si Aqua kay Louise, kahapon pa ito walang imik mula ng magising ito matapos nila magniig.
"Okay ka lang?" masuyong tanong ni Aqua sabay kapa sa noo ni Louise ng hindi ito sumagot.
Wala na itong lagnat na ipinagpasalamat ni Aqua. May nakita kasi siyang dahon at kahit paano may natandaan naman siya sa pinag-aralan niya noong nag-aaral siya tungkol sa mga dahon, bunga at damo.
Tumango lang si Louise, nagtataka kasi siya at tila alam ni Aqua ang mga halaman sa paligid, kahit ang mga bungang kinakain nila, tila panatag ang binata na hindi sila malalason. Marunong din ito gumawa ng apoy, at ng silungan nila. Mga bagay na hindi niya akalain na kaya at magagawa ng binatang kaharap.
"Magsalita ka naman. Isang buong araw ka ng hindi nagsasalita." sabi ni Aqua kay Louise.
Nakatitig pa rin si Louise kay Aqua, ni sa hinagap hindi niya akalain na makakasama niya ito ng solo. May fiancé na siya at nakatakda ng ikasal pero ngayon mukhang mapupurnada na naman. Tama, dahil nakailang fiancé na siya at sa di malaman niyang dahilan lagi na lang hindi natutuloy ang kasal niya.
"Louise." mahinang usal ni Aqua habang nakatitig sa dalaga.
Inilapit ni Aqua ang mukha sa dalaga habang nakatitig ito sa kanya.
"May problema ka ba?" masuyong tanong ni Aqua.
Napalunok si Louise ng halos magkalapit ang mga labi nila ni Aqua. Hindi sumagot ang dalaga sa tanong ni Aqua at napapikit lamang ang dalaga saka nito idinikit ang labi kay Aqua na ikinangiti ng binata.
"Okay, almusalan. " masuyong sabi ni Aqua saka nito hinawakan ang batok ni Louise at idinikit pa lalo ang labi niya sa labi ng dalaga.
Naikawit ni Louise ang kamay sa leeg ni Aqua na ikinangiti ng lihim ng binata.
Masuyong inihiga ni Aqua sa buhanginan si Louise saka umibabaw dito habang patuloy na naghahalikan ang dalawa.
"Aqua." malamyos na tinig na sabi ni Louise na kumawala sa labi nito habang kahalikan ang binata.
BINABASA MO ANG
H8 : Aqua : a.k.a Ocean - The Water : COMPLETE
RomanceAno ang kahalagahan ng tunay na pagmamahal sa dalawang taong salungat sa itinadhana na pag-iisa? Date started October 28, 2021 Date Ended : November 11, 2021 Highest Ranking #187 eroticromance