APARTMENT I

4 2 0
                                    

Apartment I

MAVIRIL

Nagising ako sa malakas na pagtunog ng alarm clock. I dreamt about it again. It's not clear but it's the exact scene happened four months ago. Lagi ko ito napagiginipan tuwing gabi. Isang nakatatakot na bangungot na laging bumibisita sa akin gabi-gabi. Hindi ko ito magawang kalimutan dahil hindi ko pa rin matanggap na nangyari iyon.

Napabuntong-hininga ako. Makulimlim na naman siguro ang kalangitan ngayon dahil sa walang nakasisilaw na liwanag ang tumama sa aking mukha. Now I understand why people hate this weather. I'm also starting to hate it too. It's reminding me about her. I jerked my head at right as I saw the music box on the wooden small cabinet.

I could still feel everything; the fear, sadness and pain. It showed me the real definition of death. I can't even remember her voice—their voices. I don't even remember if I shouted that night.

Wriven survived. He and I, survived. We didn't save everyone but we saved the memories we've got. He recovered fast while me, I'm always locking myself in this unit. Hindi ako lumalabas ng apartment na ito, hindi kumakain sa tamang oras at laging natutulog.

Iniiwasan kong makipag-usap sa labas. Ayaw ko rin na buksan ang bintana at mga kurtina sa loob ng kwarto ko. Tinalo ko pa ang mga nakakulong sa kulungan ng mga kriminal.

Sa pangalawang beses, ay napabuntong-hininga ako. Hinayaan ako ng amo ko na huwag magtrabaho dahil alam niya ang kalagayan ko. He said, I'm still welcome in his grocery store. He didn't judge me about the incident. He was shocked but he still accepted me.

Humiga ulit ako sa kama at ipinikit ang mga mata. Hindi ko na kailangan magluto ng kakainin ko at wala rin naman akong gana. Wala ring ilaw dito sa loob ng kuwarto ko kaya madilim dito ng kaunti. Nakikita ko pa rin naman kaya hindi ko na sisindihan ang ilaw.

Agad kong nailagay ang braso ko sa may mata ko dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko. Hindi ko matandaan na may pinapasok ako rito sa loob.

"Ganiyan ka na lang ba habang-buhay, Mavi?" Napaupo ako sa boses na iyon. Tinanggal ko ang kaliwang braso ko sa mukha dahil humarang ito sa liwanag.

"Sino ka?" mahina kong tanong. Pamilyar ang boses niya. Sa tagal kong pag-kulong sa sarili ko hindi ko na matandaan ang boses ng iba.

"The hell, Mavi? You don't remember me? It's Wriven," he answered, slightly raising a voice. Oh Wriven. What is his last name again?

"Last name?" I asked. I can't see his face. Maliwanag kasi sa likuran niya.

"You've gotta be kidding me. Bro, what happened to you? Should I really need to say it? Damn, fine! I'm Wriven Ash Lemilon, nineteen years of age, your flirty friend guy," inis na pagpapakilala nito sa akin.

Wriven Ash. Yes, I remember it now. And yes, he's a flirty one. He can't take the relationship seriously.

"Oh, Wriven. What brought you here then?" I covered my face after he walked away from the sunlight. Akala ko makulimlim ang kalangitan o sadyang buhay ko ang makulimlim lagi?

"Thanks for your wonderful welcome," sarkastiko nitong pagkasabi. "Isn't it obvious, Mavi? I'm visiting a damn friend. Stop mourning, Mav. Stop your sufferings. Do you really think it will help you to ease that?" Halata rito na galit na. Madaling sabihin pero mahirap gawin. I saw it on my two naked eyes. Hindi niya iyon nakita dahil agad siyang nawalan ng malay. Masasabi niya pa ba ang mga iyan kung nakita niya rin ang mga nakita ko?

Half Blood Reaper (Soul Time 2)Where stories live. Discover now