30 - The Dinner Date

1.6K 140 57
                                    

30 - The Dinner Date



"Saan ba kayo nanggaling?" kunot-noong tanong ni Warren kina Yuan at Lucas nang salubungin nila ang mga ito sa parking lot ng ospital. Hindi pa man nakakababa ang dalawa mula sa truck ay ilang ulit na siyang nagtanong. "Bakit ang tagal ninyo? Are you okay?"



"Kuya Wawie, calm down," awat ni Yuan sa binata saka tumalon mula sa passenger's side at isinarado ang pinto. "Ayos lang kami."



"We had to stop, coach," simpleng sabi naman ni Lucas nang makaikot mula sa driver's side palapit sa dalawa. Ibinigay niya kay Warren ang susi ng truck.



"Akala namin kung napano na kayo," naiiling na sabi ni Andrew na siyang kasama ni Warren. "Kanina pa kami rito. Balak na nga sana namin kayong balikan. Ano ba'ng nangyari at tumigil kayo?"



Sabay na napatingin sa isa't isa sina Yuan at Lucas. Sabay din silang nag-iwas ng tingin sa isa't isa.



Naiilang na ngumiti si Yuan kina Andrew at Warren. "Sorry, if we made you worry. Pero we're okay. Nothing serious happened."



Matagal na tinitigan ni Warren si Yuan na para bang alam na mayroon itong hindi sinasabi. Maging si Andrew ay binibigyan ng makahulugang tingin ang kababata na para bang sinasabihan itong ikuwento sa kaniya mamaya ang tunay na nangyari. Maya-maya ay sabay silang napabuntong hininga.



"Tara na. Naghihintay na do'n sina Mariz at Kenzo. Babalikan din muna namin sina Pareng Gibo," pagyayaya ni Warren saka naunang tumalikod para pumasok sa loob ng ospital.



"Si Kevin ang pinakausap namin sa mga doctor tungkol kina Kuya Gibo kasi 'di naman namin naiintindihan 'yong sinasabi," dagdag pa ni Andrew. "Siya na lang ang magpapaliwanag sa'tin."



Pinanood ng dalawa ang mga likod ng naglalakad na sina Andrew at Warren hanggang sa lumiko ang mga ito sa main entrance ng building.



"Nothing serious happened, huh?" nakangising bulong ni Lucas nang maiwan silang dalawa ni Yuan. "I was serious. I'm still serious."



"And I'm tired." Tinatamad na tinignan ng dalaga ang mga mata ni Lucas. "Awat muna sa landi."



Natawa ang binata at agad namang tumalikod ang nakasimangot na si Yuan. Mas binilisan niya ang paglalakad hanggang sa mawala sa kanyang pandinig ang mapang-asar na tawa ni Lucas.



"Hoy, saan kayo galing?" Si Kenzo ang naunang sumalubong kay Yuan nang makapasok siya sa lobby.



"Si Mariz?" Hindi pinansin ng dalaga ang tanong ng kanyang kababata. Nagtatakang inilibot niya ang paningin sa mga nagpapabalik-balik na tao.



"Tapos nang manganak si Ate Mara."



Natigilan ang dalaga dahil sa narinig. "F-For real? As in, we'll be seeing a baby?"



"Yeah," sagot ni Kenzo saka iniangat ang kamay niyang may hawak na isang bote ng tubig. "Binili 'to ni Kuya Warren. Dumiretso sila ni Andrew do'n sa mga tinulungan n'yo raw kanina. Umupo ka muna at inumin mo 'to para kalmado ka na bago natin puntahan si Ate Mara."



"I am calm?" natatawang sabi naman ni Yuan habang umuupo sa waiting area pero agad siyang napakagat sa labi nang hindi nagbago ang ekspresyon ng kababata. "Kenzo, I'm alright."



"Your hands have been shaking since I told you that Ate Mara has given birth," madiin na sabi ni Kenzo na umupo rin sa tabi ng dalaga. Kung walang ibang makakarinig ay tila mas pipiliin niyang isigaw ang mga salitang iyon kay Yuan.



2025: RLWhere stories live. Discover now