74 - The Getaway Plane

1.1K 102 101
                                    

74 - The Getaway Plane



"It was his father's funeral, two days before I transferred here, he showed me pictures... of him and my mom."



Mula sa katahimikang dulot ng paligsahan nila ilang segundo lamang ang nakakaraan, tila mas tumahimik pa ang kiosk na kinaroroonan nina Yuan habang nakikinig sila kay Aiah na tila nawala na sa sarili matapos basahin ang message na natanggap nito. Maging sila, kahit hindi kilala ang tinutukoy na Warren sa mensahe, ay natigilan at hindi nakakibo.



"I grew up with him... We weren't that close but we grew up in the same place, tapos two days bago ako umalis, do'n ko lang nalaman na magkapatid kami." Napabuga si Aiah ng hangin. "And now, he died. Ano 'yon? Bakit gano'n?"



"Aiah..." naaawang pagtawag ni Mariz sa dalaga. Hindi na siya nagulat na diretsong nakakapagsalita si Aiah matapos makatanggap ng ganoon mensahe dahil ilang taon na siyang nakakakita ng parehong reaksyon sa tuwing may problema si Yuan—ni hindi nagpapanggap, tila ba kumbinsido talaga sa sarili na wala siyang karapatang umiyak.



Hindi pa nadudugtungan ni Mariz ang sasabihin nang hinila ni Gian si Aiah at niyakap. Lahat sila ay nagulat, pero muli, walang nagsalita.



"Cry," ani Gian matapos ang ilang segundo. Naramdaman niyang sumubsob si Aiah sa balikat niya.



"I want to go home," mahinang sabi ng dalaga.



"I'm coming with you," mabilis na sabi naman ng binata.



"Rina..." Ganoon din kabilis na napahiwalay si Aiah sa yakap kasabay ng paglingon ng lahat nang marinig ang sinabi ni Yuan. Napaawang ang mga labi nila nang makitang nasa tabi lamang ng kiosk si Rina, pakurap-kurap habang nakatingin sa kanila. Lahat sila ay napatayo, maliban lamang kay Gian na napatulala na lamang sa dati niyang girlfriend.



"U-Uh... may naiwan lang ako—"



"Rina," tila humihingi ng tawad na pagtawag ni Aiah sa dalaga. Doon pa nga nangilid ang mga luha niya.



Mabilis ding nagbago ang ekspresyon ni Rina nang makitang kumislap ang mga mata ni Aiah. "A-Are you crying? What happened?"



*****



"She's kind," bumubuntong-hininga at may malungkot na ngiting sabi ni Aiah habang nakaupo sa kama sa kwarto ng sarili niyang unit sa Scitus Towers. Nakatitig lamang siya sa pinto kung saan lumabas si Rina na nagprisintang tulungan siyang mag-ayos ng mga gamit para makauwi sa Batanes, kahit pa alam nitong sasama sa kaniya si Gian. "I can't believe I'm an antagonist in her story."



Napalingon si Yuan sa dalaga. Nakaupo lamang siya sa tabi nito dahil, hindi man alam kung paano mapapagaan ang loob nito, alam niyang hindi ito dapat na iwan nang mag-isa. "She doesn't see you that way—"



"What if..." sinadya ni Aiah na putulin ang alam niya nang sasabihin ng kausap. "What if I actually want to be the antagonist? What if, I really want to get the male lead?" Nangilid ulit ang mga luha niya nang pilitin niyang ngumiti. Mabilis niya iyong pinahiran. "This is not the time for this."



Hindi na rin sumagot pa si Yuan. Pinili niya na lamang na tumahimik dahil hindi niya rin alam kung saan pupunta ang usapan. Maya-maya ay muli siyang nagsalita, iniba na ang topic. "We both have a Kuya Warren, huh?"



"I only found out that I do a month ago."



"How about him? Matagal niya na raw bang alam?"



2025: RLWhere stories live. Discover now