May iba

459 21 15
                                    

Stell's pov

Nandito kami ngayon sa Siargao, isa sa pinakasikat na lugar ngayon sa Pinas. Sikat ito dahil sa mga beach dito.

Kasama ko ang SB19 maliban kay Ken dahil kailangan nyang samahan ang Lolo nya sa Ospital.

Kasama din namin ang ibang members ng The Juan, ang mga brothers namin.

Well, kasama din namin ang ex-gf ni Pau, pero feeling namin sila na ulit.

Haaaay! Akala ko kami-kami lang ang aalis kaya nagulat ako na kasama nya si Mae (gf ni Pau). Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, pero sa twing nakikita ko silang magkasama, sumisikip ang dibdib ko. Ang sakit.

Pero syempre, kailangang magpanggap na okay lang. Na wala lang. Wala pa naman dito si Ken na syang dumadamay sakin pag ganitong nasasaktan ako ng sobra. Pero kakayanin ko to, ilang araw lang naman eh, apat? Limang araw? Yakang-yaka kompara ba naman sa ilang taon kung pagtatago ng nararamdaman ko kay Pau. Kaya wala to. Wala to.

Pero ba't ganon? Sampung beses ang sakit sa twing nakikita ko silang magkasama? At kapag nakikitang ko silang masaya at nagtatawanan parang sinasaksak ako sa sakit. Kaya hanggat maaari iniiwasan kung sumama sa kanila. Buti nalang nandyan sila kuya Carl atleast may excuse ako kung bakit di ako nakakasama kila Pau. Sina Justin at Josh may sariling mundo din naman kaya di ko rin maaasahan.

Aaaah! Ang hirap ng ganito.
Parang gusto ko nalang umuwi at magmukmok sa kwarto!
_______________________________

Pablo's pov

Dinner time! Nandito kami sa isa sa mga kainan sa Siargao. Nagbakasyon kami pero, unfortunately, hindi nakasama si Ken because of personal reasons.
Sinama ko rin si Mae. Ex-gf ko sya. Okay kami ngayon, sinusubukan namin ulit baka pwedi pa. Pero yun nga risky masyado dahil na nga may mga fans na rin ang grupo namin.

Asan na ba sina Stell? Kasama nya sila Carl eh. Nakapagreserve na ako ng upuan nya na nasa tabi ko at sa kabilang side ko naman si Mae. Ang tagal naman nila? Mga 20 minutes na kaming nakaupo dito at wala pa sila. For sure gutom na si Stell.

Kinuha ko ang phone ko at tatawagan ko sana si Stell pero nagriring lang ang phone nya at walang sumasagot kaya di ko maiwasang mag alala.

"Pau? Are you okay?" Narinig kong tanong ni Mae.

"Hindi sumasagot si Stell eh. Asan na kaya yun?" Nag-aalalang sagot nya.

"Don't worry Pau. Kasama naman nya sila kuya Carl at ibang boys. Siguro hindi nya lang napansin yung tawag mo." Pag-alo nito.

"Eh, anong oras na? Panigurado gutom na yun. Hindi ba sila marunong tumingin sa oras?" naiinis na sabi nya.

"Hindi naman siguro. Pabalik na siguro sila. Maghintay pa tayo saglit."

Napabuntong hininga sya. Tinawagan nya ulit si Stell pero wala parin.

Maya-maya nakarinig na sila ng ingay. Nagtatawanan at nagbibiruan ang mga ito. Ng medyo malapit na sila sa amin ay nag unahang tumakbo ang mga ito papalapit at nag unahang umupo.

Nagtangkang umupo si Japs sa upuang nireserba ko para kay Stell.

"Sorry Japs pero si Stell dyan."

"Ah, ganoon ba? Stell! Dito ka daw umupo!" Pagtawag ni Japs kay Stell na nakaupo na pala sa kabilang dulo ng mesa. Katabi nito si Carl at busy makipagbiruan.

Tumingin si Stell sa amin ng marinig nya si Japs.

"Hindi. Okay lang dito na ako. Dyan ka na maupo." Tanggi naman ni Stell na hindi man lang tumingin sa'kin.

Di Masabing Gusto KitaWhere stories live. Discover now