Ano ba talaga?

191 14 10
                                    

Pablo's POV

"Pau? Are you okay?" Narinig kong tanong ni Mae.

"Hmm? Yup. I'm good." Ngumiti ako para mas kumbinsidong okay ako. Pero alam kong obvious na napipilitan lang ako.

Dapat masaya ako, 7 am pa lang pero heto na ang barkada at nag eenjoy sa beach. Sinusulit ang bakasyon. Pero heto ako nagpapaka KJ at wala sa mood.

Nakikita ko sila Stell, kasama ang iba at masayang lumalangoy at naglalaro sa dagat. Napangiti ako nung narinig ko ang mga sigaw ni Stell dahil binuhat sya ni Japs sa balikat nito.

"Bakit hindi ka sumali sa kanila? Para mag enjoy ka rin?" Tanong pa ni Mae.

"Hindi na. Tinatamad ako."
"Sure ka? Eh parang naiinggit ka eh."
"Obvious ba? Heheh" napangiti kong tanong sa kanya. Nakangiti syang tumango sakin.

Nakatitig lang ako kay Mae. Alam kong may feelings pa rin ako sa kanya. Mabait sya, maganda, nagkakasundo kami at naiintindihan nya ako pero ewan ko ba kung anong pumipigil sakin para ligawan ulit sya. Siguro nga tama si Stell na I need to spend more time with her. Yeah, Stell is right.  Napalingon ako sa direksyon nila Stell at nahuli ko syang nakatingin sa direksyon namin. Matagal muna bago nya bawiin ang tingin nya.

"Sige na? Join na tayo?" Yaya ulit ni Mae. Tumango nalang ako.
______________________________

Pinilit ko. Tinry ko ulit for the past two days, na magfocus kay Mae. Lahat ng atensyon ko nasa kanya, naging mas attentive ako pero bakit ganoon hindi pa rin ako masaya? Parang may kulang. Hindi ko alam kung ano.

Napatingin ako sa taong kumakanta sa harap ko. As usual napakaganda talaga ng boses ni Stell. Napangiti ako.

Nandito kami ngayon sa beach, may bonfire at nagkakantahan. At syempre pagdating sa kantahan si Stell ang bida. Ah! Gusto ko ng matapos tong bakasyon na to. Gusto ko ng masolo si Stell. Namimiss ko na yung kwentohan at biruan namin.

Nakatingin lang ako kay Stell habang kumakanta sya. Nakatingin din sya sakin na para bang para sakin ang kanta. Napangiti ulit ako. Nakalimutan ko na ang mga tao sa paligid namin at para bang ng sandaling yun kaming dalawa lang ang nasa beach at kinkantahan nya ako. Mas napangiti ako sa naisip ko.

Mayamaya ay narinig kong tumikhim si Carl kaya napatingin ako sa kanya.

"Stell ibang kanta naman kaya kantahin natin wag puro love song." Sabi ni Carl sabay akbay kay Stell. Nawala ang ngiti ko sa ginawa nito. Hindi ko alam pero bigla akong nairita. Parang gusto kong hawiin ang braso nyang nakaakbay kay Stell.

"Sige ba, ikaw maglead." Narinig kong sabi ni Stell. Wala na ako sa mood kaya sinabi ko kay Mae na pupunta na ako sa kwarto ko.

"Okay ka lang ba? Samahan na kita." Tumango na lang ako.

_______________________

"Pau? Can we talk?" Tanong ni Mae pagkapasok namin sa kwarto. Napatingin ako sa kanya. Parang alam ko na kung anong gusto nyang pag-usapan namin. Hindi pa ako handa dito pero mas mabuting mapag usapan na namin ng maaga. Gusto ko parin subukan pero gusto ko ring ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko.I want to be as honest as possible.

"About us?" Sabi pa nito. Tumango ako.

"Mae, gusto kita but I want to be honest with you." Simula ko.
"Can we take this slowly? Us? Alam ko sa sarili kong gusto kita pero ewan ko. Hindi pa siguro ako handa. Hindi na tulad ng dati. Hindi ko alam kung bakit, kung ano ang kulang pero siguro we need more time?"

Nakita kong ngumiti si Mae.
"Alam ko kung bakit,Pau."

"Huh?" Hindi ko sya maintindihan.

"Alam ko kung bakit di na tulad ng dati. Alam ko kung ano ang kulang." Mas naguluhan ako sa sinabi nya.

"Ano?" Nakita kong umiling iling sya.

"You should find it out yourself. Ikaw dapat ang makaalam kung ano talaga ang gusto mo, Pau. And as for me, masaya na ako sa time na binigay mo sakin. Alam kung ginawa mo ang lahat, Pau. And okay na ako dun. This will serve as our official closure. I hope and I pray na sana malaman mo na Ang sagot bago pa mahuli ang lahat."

"What do you mean? Are you calling it off for good? Time lang ang hinihingi ko Mae." Sabi ko pa. I still want her in my life. Hindi ko alam kung anong sinasabi nyang gusto ko pero gusto ko parin sya I just need time. More time.

"Mae j-just give me more time, please?" Pagmamakaawa ko pa. Hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit.

"No, Pau. Hindi time ang kailangan mo. Believe me. Figure it out yourself and you will know why I tell you all of these. I love you Pau and I wish for your happiness. Wag mo na sanang patagalin pa."

"Mae. I don't understand. Please don't leave me. J-just...." Nagpapanick na ako.

"Bye Pau. Good night, see you tomorrow. And please know, hindi ako mawawala. I will still be here for you, it's just that I know na I won't be able to give you the happiness you want. I will always be here as your friend." Yun lang at umalis na sya. Hindi ako mapakali. Hindi ko parin gets kung anong ibig nyang sabihin. Ano ba ang gusto ko? Hindi ko rin alam. Basta ngayon ang alam ko kailangan ko ng kausap at iisang tao lang ang nasa isip ko. Stell.

________________________________

Hi guys! actually matagal na to sa drafts ko, ngayon ko lang nacheck since wala na talaga akong plano icontinue yung story. Pero tatapusin ko sya para sa peace of mind nating lahat hahahah

Di Masabing Gusto KitaWhere stories live. Discover now