I'm inlove with you

531 19 8
                                    

Pablo's POV

Two days after namin makabalik from Siargao. Hindi ko pa rin nakakausap si Stell regarding sa nararamdaman ko. Hindi ko alam, siguro natatakot ako? Bago tong nararamdaman ko. First time kong magkagusto sa kapwa lalaki at hindi ko alam kung anong gagawin. Nandon yung takot pero higit sa lahat, natatakot ako sa magiging reaksyon ni Stell. Pano kung iwasan nya ako?

Bago kami maghiwahiwalay pagdating namin sa manila ay kinausap ko muna si Mae. Before kami humiwalay sa grupo ay inaya ko muna sya na kumain para makapag usap kami ng maayos.

"Mae, hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko. Hindi ko alam kung anong gagawin." Nakapag order na kami at hinihintay nalang ang mga pagkain.

"What's the problem, Pau? You know you can talk to me, right? About anything."

"I know, pero natatakot ako baka ijudge mo ako. Bago lang ako sa sitwasyong to."

"You know I won't judge you, right? What is this about?"

"I-i think I'm in love...."

"Uhuh...." panghihikayat nya para ituloy ko.

"And.... i don't think this is right."

"Why do you think so? Kailan ba hindi naging tama ang magmahal? May nasasaktan ka bang iba dahil sa pagmamahal mo?"

"W-wala. Wala pa pero baka masaktan ko sya pag nalaman nya."

"Bakit mo naman naisip yan? Sinubukan mo na bang sabihin kay Stell?"

"Hindi pa per-- wait... alam mo?! I mean alam mong kay Stell ako inlove? Nasabi ko ba sayo unconsciously?" medyo napasigaw ako sa pagkabigla kaya medyo nakaagaw kami ng pansin ng mga katabi naming mesa.

"Nope. Matagal ko ng alam, Pau."

"W-what? Hhhow? I mean, is this what you mean about why we shouldn't continue our relationship?"

"Yes."

"How? Pano mo nalaman? At anong matagal na?"

"Well, feeling ko lahat kami alam na, ikaw nalang at si Stell ang walang alam."

"What?! I don't get it!"

"Pau, my friend, my ex-boyfriend, you were so obvious nung nasa Siargao tayo, bawat kilos mo at galaw sobrang obvious."

I felt guilty even I, myself didn't notice it.

"I'm sorry, Mae, hindi ko alam." Napatungo kong sabi. Hindi ko alam na masyado kong napagtutuonan ng pansin si Stell kahit na si Mae ang kasama ko. Looking back, talaga ngang matagal na akong inlove kay Stell dahil halos minu-minuto hinahanap ko sya at kapag kasama ko sya lahat ng atensyon ko nasa kanya.

"You don't have to be sorry, Pau. That's just how love works. At boto ako kay Stell para sayo." nakangiti pang sabi ni Mae. Maya-maya lang ay dumating na ang inorder namin.

"Pero Mae, anong gagawin ko? Natatakot akong malaman ni Stell."

"Why? Tell him, malay mo, you guys feel the same way."

"Imposible. I don't know natatakot akong masira kung anoman ang meron kami ngayon."

"Pau, you need to take risk. Kung mahal mo talaga sya dapat maiparating at maiparamdam mo sa kanya bago pa mahuli ang lahat."

"You think may pag-asa ako sa kanya? You think magkakagusto sya sakin?"

"100% sure. Maganda yata ang taste ko." napangiti ako sa biro ni Mae. Okay, nakapagdesisyon na ako. I will confess to him.
_________________________________

Stell's POV

Broken hearted is an understatement. Sobra pa sa broken heart ang nararamdaman ko ngayon. Ang sakit. Umasa ako na mag-uusap kami ni Pau tungkol sa'ming dalawa pero iba ang nakita ko. Sabay umuwi si Mae at Pau at mukhang nagkakaigihan na ulit sila. Hanggang kailan ba ako masasanay sa ganitong sakit? Bakit ba hindi parin ako natututo?

I looked like a zombie dahil sa kaiiyak. Balik practice pa naman kami bukas. Mawawala kaya ang pamamaga ng mga mata ko? Haaaay. I think I need ice cream.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang doorbell. Wala naman akong inaasahang bisita ah. Haays ngayon pa na ganito ang itsura ko.

Dalidali akong naghilamos at nagsuklay para atleast medyo presentable pero ganon parin ang itsura ko.

"Pau?!" nagulat ako ng makita sya sa pinto.

"Hi, Ste- anong nangyari sayo? Are you okay? What happened? Did you cry?" sunod-sunod na tanong ni Pau. Bakas sa mukha nya ang pag-aalala. Dahil to sayo, gonggong.

"Ah...eh nagmovie marathon kasi ako at alam mo na hehe." palusot ko.

"I see. I thought kung ano ng nangyari." relief is visible on his face.

"Eh, ikaw? Anong ginagawa mo dito? Napasugod ka yata?" tanong ko habang ginigiya sya papasok sa condo.

"Ah! ih, ito oh may dala ako para sayo. Favorite mo, kare-kare ni mama!" sabi pa nitong excited pero parang kinakabahan.

"Uy thank you! Alam mo talaga pano ako pasayahin, Pau." Sabi kong nakangiti at habang inaamoy ang ulam.

"Ou naman. Basta ikaw alam ko lahat." malumanay na sabi nito habang nakatitig sakin.

Medyo nailang ako sa titig nya at medyo kinabahan parang may gustong ipahiwatig pero ayokong mag assume. Dyan kasi ako madalas masaktan, sa kakaassume.

"So, ba't ka nga nandito? Don't tell me dahil lang dito sa ulam? Ang thoughtful mo naman yata." pag-iiba ko ng usapan.

"Thoughtful naman ako,ah. Lalo na sa'yo." 'yong totoo nananadya ba tong si Paulo? Hirap na hirap na nga ako dito eh at parang bumabanat pa.

"Ou na thoughtful ka na, so ano nga?" pangungulit ko.

"Wala. Masama bang dalawin ka?"

"Bakit? May sakit ba ako para dalawin? Yung totoo, Pau, ano nga kailangan mo?"

"Ayaw mo bang nandito ako at parang gusto mo na akong paalisin? Ayaw mo bang makasama ako?"

Naku talaga. Konting-konti nalang at kikiligin na ulit ako. Ba't ba kasi bumabanat to.

"Naku, wag ako Paulo. Dun ka sa girlfriend mo magpakilig."

"Bakit? Kinikilig ka na ba sa mga banat ko?" tanong nito na mas lumaki ang ngiti.

"Ang sabi ko dun ka sa girlfriend mo." kunwari naiinis na ako.

"Wala akong girlfriend. I thought, I told you about me and Mae? Na we decided to be just friends nalang." biglang sumeryoso ang tono ni Pablo.

Hindi ko napigilang mainis. So ano yung nakita ko nung pagdating namin galing Siargao? Imahinasyon ko lang?

"Ou nasabi mo nga pero hindi naman yun ang nakikita ko. Anyways, hindi ko naman siguro kailangang malaman ang status nyo ni Mae, di ba? Kung wala ka ng kailangan pwede ka ng umalis. Pwede ka ring mag-stay dito but I can't entertain you kasi gusto kong matulog."

I know, I sounded like a bitch pero ayoko ng makarinig ng kahit na ano tungkol sa kanila ni Mae.

"You need to know." sabi ni Pau sa seryoso paring tono.

"What?"

"I said, you need to know na wala na kami ni Mae and never na kaming magbabalikan because I'm in love with someone else." Sobrang nagulat ako sa sinabi ni Pau. Alam kong kakabroken hearted ko lang pero mukhang mabobroken hearted ulit ako ngayon. Gustong-gusto ng tumulo ng luha ko pero kailangang pigilan.

Anobayan akala ko may chance na ako after kay Mae, yun pala may bago ulit.

Tumalikod ako kay Pau bago ako nagsalita para maitago ang mga luha ko.

"Ganon ba? Congrats! May bago pala ulit. Sige na matutulog na ako." Hindi pa man ako nakadalawang hakbang ay tinawag ulit ako ni Pau.

"Stell! I'm in love with you!"
_______________________
Nagka oras akong magsulat dahil nasa byahe ako ngayon yeheeey!

Thank you sa lahat ng nagbabasa at nagcocomment! Mothership 'til the end! ay Fathership pala hahahha

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Di Masabing Gusto KitaWhere stories live. Discover now