Chapter 2

87.2K 1.8K 644
                                    



Chapter 2
Breakfast




"Oh sige tara na at kumain ng breakfast. Paki tawag ang mga anak ko ha. Nasa second floor ang kwarto nila pang unang pinto"

"sige ho maam mauna na ho ako" paalam ko at tsaka umakyat sa itaas.

Nakita ko naman agad ang pintuan na tinutukoy ni maam.

Naka tatlong katok ako sa pintuan pero walang sumasagot.

"Sir? Sirs?" pero wala padin sumagot kaya pinihit ko na ang doorknob.

"Wow" namangha ako ng makita ako ang loob ng kwarto nila.

Sobrang laki. Parang buong bahay na ata nila tita itong kwartong to.

Puro kulay Black at Grey lang ang makikita dito. Sobrang linis din ng kwarto na parang hindi lalaki ang mga natutulog.

"Yes miss?" nagulat ako ng may mag salitang lalaki.

Nilingon ko ito at naka upo pala siya sa isang kama.

Sobrang ganda ng mata nito. Kulay lila. Malaki ang pangangatawan,maninispis at mapupulang labi.

Shet ang yummy.

Ay ano daw? Wala akong sinabi ha.

Hindi pa ako nakaka sagot sa tanong nito ay may lumabas nanamang lalaki mula sa closet at banyo.

Ang isa ay naka suot ng pormal habang ang isa'y tanging tuwalya lang ang balot sa baba at walang suot pang itaas. Tumutulo pa ang tubig sa katawan nito na dahil sa basa niyang buhok.

Napalunok ako ng malakas.

Binabawa ko na...Yummy nga.

"Baby?" tawag ng lalaking naka hubad.

"H-Ho? Hindi ho ako si baby sir,Arabella ho ang pangalan ko." Nag katinginan naman ang tatlo at nag tawanan.

"B-Bakit ho?" Pag tataka ko.

"Nothing. You're cute" sabi ng lumabas sa closet.

Agad namang nag init ang pisnge ko kaya napahawak ako doon. Hala may sakit ba ako? Bat ang init ng pisnge ko?

"Why are you here Bella?" tanong nung naka upo sa kama.

"Ahh kasi ho pinatatawag na kayo ni maam Elspeth kakain na ho ng umagahan. Tsaka ako nga ho pala si Arabella Sandoval ako po yung kinuha ni maam na taga bantay sainyo" nakangiti kong sagot.

"Taga bantay?" kunot noong tanong nung naka upo.

"Oho bantayan ko daw kayo kasi mga babaero kayo at baka mamaya kung sinong mabuntis niyo"

"What?" Sabay sabay nilang sabi at tumawa.

"Don't worry hindi na kami mang bababae lalo na't nandito ka baby" sabay kindat pa nung naka hubad.

"Sir hindi nga ho baby ang pangalan ko. Arabella ho" nakanguso kong sagot.

Bat ba siya baby ng baby?

Sino ba yun?

Isa sa mga babae nila?

"Sweetie alam naming hindi yun ang pangalan mo. It's an endearment." natatawang sabi nung lumabas sa closet.

Tamo tas ito namang si sir Sweetie ang tawag.

Endearment daw?

"She's so innocent bro" naka ngiting sabi nung naka upo

"Teka nga mga sir ano ho bang mga pangalan ninyo?" mag kakamukha kasi sila. Simula sa kulay ng mata at hubog ng katawan ay pare pareho.

Ang kanilang pinag kaiba lang ay ang buhok.

"I'm Corey,pinaka bata sa amin" sabi nung lumabas sa closet at maikli ang buhok. Siya din ang tumawag ng sweetie sa akin.

"I'm Cullen. Pangalawa sa aming mag kakapatid." cool ng sabi nung naka hubad. Ang buhok naman niya ay mahaba at naka tali.

"And I'm Callum. I'm the oldest" tumayo na ang lalaking nakaupo sa kama at tsaka sabay sabay silang lumapit sa harapan ko.

Sobrang lapit nila sa akin kaya napa atras ako hanggang sa mapansandal na ako sa pader.

"S-Sirs? kailangan na ho nating bumaba" nag iiwas ako ng tingin dahil nasa harapan ko si Cullen na hubad padin.

Tumawa nanaman ang mga ito at tsaka nag si alisan sa harap ko.

"Susunod na kami Bella. Mag handa ka na din at sasama ka samin sa office" ani ni Callum at agad akong tumayo.

"Sige po mauna na ako" At tuluyan na akong lumabas ng kwarto nila.







Pag baba ko ng hagdan nakita kong naka upo na sina Maam Elspeth at Gov sa dining table. Sobrang dami ding pag kain sa lamesa na kala mo'y may piyesta sa dami.

"Maam susunod na daw ho sila" pag imporma ko kay Maam.

"Ok Hija,tara na at maupo ka na dito" pag aaya niya.

"Nako hindi ho maam,doon nalang ho ako sa likod kakain" nakakahiya naman kung sa pamilya nila ako sasabay kumain.

"Hija it's ok sa amin ka na sumabay. Maupo ka na diyan" si Gov sabay turo sa isa sa mga upuan.

"Good morning" Sabay sabay bati ng triplets na pababa ng hagdan.

Humalik pa ito sa ina nila bago mag si upuan. Natira naman akong naka tayo sa harapan ng lamesa.

"Bella sit here" tawag ni Callum at tinapik ang silyang kalapit niya.

Agad naman ako sumunod sa kaniya at naupo doon. Nasa kaliwa ko si Callum at sa kanan si Corey,sa tabi naman nito ay si Cullen.

Nag simula ng mag kainan sila. Aabutin ko palang ang lalagyanan ng kanin ng makuha na iyong ni Corey at lagyan ako sa pingan.

"Sir ako na po" Mahina kong sabi pero hindi ako pinansin nito at nilagyan pa.

Pag ka tapos ni Corey ay si Callum naman ang nag lagay ng ulam sa akin.

"Sir kaya ko na po" Nahihiya kong ani sakaniya habang pinipigilan ang kamay at kinukuha ang serving spoon pero tulad ni Corey ay hindi ako inintindi nito.

Mas lalong lumala ang hiya ko at para gusto ko ng mag pakain sa lupa ng ipag salin ako ni Cullen ng juice at inabot sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang pag titig sa amin nila Maam at Gov. Sinulyapan ko ng tingin ang mag asawa,nakita kong naka ngisi si Gov at si Maam Elspeth naman ay nakangiting iiling iling.

Sinumulan ko nalang ang pag kain at nanahimik. Eto kasing sila sir eh nakakahiyan tuloy kila Gov.

Tahimik nalang ako pero ang triplets ay tuloy padin sa pag alok at pag lalagay ng kung ano ano sa pingan ko.

Sobrang dami ng laman ng pingan hindi ko alam pano ko pa mauubos to.







FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Montemayor Series #1: The Triplets Obsession Where stories live. Discover now