Chapter 18

64.2K 1.3K 254
                                    



Chapter 18
Anak




"Mga pagod" sabi ni Gio habang nag lalakad kami papunta parking lot.

Mag aalas syete na ng gabi at ngayon lang kami pauwi. Nakatulog na din ang tatlo. Sina kalil at Kai ay tulog sa balikat ni Gio habang si Kayla'y sa aking balikat.

Binukasan ko ang pinto at inupo ni Gio sina Kalil at Kai sa kanilang mga car seats.

Habang inaayos niya ang mga seat belt nito ay may narinig akong isang pamilyar na pamilyar na boses.

"Baby?" Napaangat ang tingin sa akin ni Gio at para lang akong nabato sa kinatatayuan ko.

Boses yon ni Cullen.

Siguradong sigurado ako.

Nilingon ko ang likod ko kung saan nangaling ang boses at hindi naman ako nag kamali sa akala ko.

Ang triplets. Napabaling ang tingin ko sa balikat ni Callum na may kalong kalong na batang babae at tulog ito sa balikat niya.

"Sweetie" "Bella" sabay na tawag ni Callum at Corey sa akin.

Agad agad silang tumakbo papalapit sa akin kaya agad kong ibinigay kay Gio si Kayla.

"Ipasok mo na si Kayla dalian mo" Agad na kinuha ni Gio di Kayla at dali dali kong isinara ang pintuan ng back seat para hindi makita ng triplets ang mga bata.

"Baby" biglang yumakap ng mahigpit na mahigpit si Cullen sa akin na para bang ayaw na akong pakawalan.

"W-Wag mo kong hawakan" inilalayo ko ang mukha ko habang tinutulak siya papalayo sa akin pero mas lalo lang niya akong hinapit papalapit.

"Cullen ano ba" Sabay tulak ng sobrang lakas kaya kahit papaano'y napa usod ito.

"Baby please let us explain. Ilang taon ka na naming hinahanap. Please" hawak hawak nito ang mga kamay ko.

"We miss you Sweetie" ani ni Corey.

"Tigilan niyo na ko please lang. Wag niyo na kong guluhin pa" Tatalikod na sana ako para pumasok sa kotse ni Gio pero pinigilan ako ni Callum.

"Anak namin sila hindi ba?" malamig ang boses na tanong nito.

"Ano? S-Sino?" pag mamaang maagan ko pa.

Nakita ba niya ang mga bata.

"Ang mga bata sa loob ng kotse. Anak namin sila hindi ba?" mukhang nag taka naman sila Corey at Cullen dahil mukhang hindi nila nakita ang tatlo.

"Hindi. Hindi niyo sila anak. Wala kayong anak." Tatalikuran ko na ang mga ito ng hawakan naman ako ni Corey.

"Sweetie please, Alam naming galit ka pa sa amin pero wag mo naman silang ipag kait sa amin." nangungusap ang mga mata ni Corey.

"May problema ba?" Biglang dumating si Gio at pinulupot ang kamay niya sa bewang ko.

"Sino ka ba ha? Tsaka pwede ba tangalin mo yang kamay mo sa bewang ng girlfriend namin" kunot noong tanong
ni Cullen.

"I'm Gio. I'm her boyfriend. May problema kayo?" tinaguan niya pa ng paangas ang tatlo kaya mas lalong uminit ang ulo ng mga ito.

"Boyfriend?" tanong ni Corey.

"Yes. Kaya kung wala na kayong kailangan pa aalis na kami ng girlfriend ko" Hinila ako ni Gio at pinag buksan ng pinto. Agad akong sumakay ng kotse niya habang hindi tinitignan ang triplets.

Nang makapasok na ako'y umikot si Gio sa Driver's Seat. Tinignan ko sa labas ng bintana ang triplets dahil tinted naman ang kotse at siguradong hindi kami kita ng mga ito simula sa labas. Tulala ang tatlo pero halata ang galit sa mga mata nila.

"Are you ok?" tanong ni Gio.

"Yeah. I'm fine. Tara na pagod na din ako" pag yayaya ko bago isinandal ang ulo sa bintana.

Habang nag dadrive si Gio ay tahimik lang akong nakatingin sa labas at iniisip ang pag kikita namin kanina.

"Ara" napalingon ako kay Gio.

"Hmm?"

"Pwede ba kong mag tanong?"

"Oo naman" umayos ako ng pag kakaupo.

"Sino sa kanila ang tatay ng triplets?"

"H-Ha? Ano...Kasi..." napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil hindi ko alam kung paano mai eexplaine kay Gio ang relasyon namin.

"Magulo kasi Gio eh. Pero silang tatlo...Silang tatlo ang tatay" nanlaki ang mata niya sa akin.

"S-Silang tatlo ang ex boyfriend mo?"

"Yes" halatang gulat padin ito pero binalik na niya ang paningin sa kalsada at ako'y bumalik sa pag kakasandal sa bintana.

"Thank you talaga Gio ha. Mag ingat ka pauwi" Inihatid ko siya papalabas ng gate namin.

Inantay ko munang maka alis ito ng tuluyan bago pumasok ng gate at ilock ang pinto.

Hindi na nakapag linis ang mga anak ko dahil mga naka tulog na kaya't kumuha nalang ako ng plangana nay may tubig at tuwalya para punasan ang mga ito. Habang pinapalitan ko sila ng pang tulog ay biglang umilaw ang cellphone ko.


Mama Calling



"Hello Ma?" inipit ko ang telepono sa tenga ko para ituloy ang pag bihis kay Kalil.

"Anak. Nakauwi na kayo?" tanong niya.

"Opo Mama kakauwi uwi lang. Bakit ho kayo tumawag? Ok lang ho ba kayo dyan?" tanong ko.

"Oo naman anak. Maayos kami. Medjo ok na ang pakiramdam ni Alex ngayon. Pwede ba kayong pumunta ng mga bata dito bukas? Gusto sana niyang makita ang triplets"

"Oho naman ma. Sige ho maaga kaming pupunta at ako na hong bahala sa breakfast wag na ho kayong mag pabili ha" inililigpit ko ang ginamit kong tumawalya at pinag paltan nilang damit.

"Oo sige. Sige na't mag pahinga ka na din ha. Mag ingat kayo" paalala ni Mama.

"Opo ma kayo din ho mag pahinga na ha" Ibinaba niya ang tawag at tsaka ako pumasok ng baniyo para maligo.






FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Montemayor Series #1: The Triplets Obsession Where stories live. Discover now