CHAPTER 1

124 4 0
                                    

"Elway!" tawag saken ni Ash, agad ko siyang nilingon ... "Oh my God!" sigaw ko at halos mapatakbo pa sa ginawa niya. Ikaw ba naman salubongin ng laruang ahas!

Tumawa lang siya na parang akala niya nakakatawa talaga yung ginawa niya.

"You think that's funny?" strikta kong tanong habang inaayos ang gamit ko para sa try out mamaya.

"I was just kidding. I'm sorry!" she laughed again.

Nilingon ko siya bago irapan ulit. Ewan ko ba, hindi siya nauubosan ng kakulitan sa katawan. Kakatapos lang namin ipresent yung anecdotal record namin and I was very exhausted! Pero siya? Akala mo talaga hindi napiga kanina.

"Oy! Taray talaga nito!" pangungulit niya uli.

"Hindi pa ba ubos energy mo? " baling ko sa kanya habang nilalaro niya paren yung ahas na laruan. Kinikilabutan tuloy ako "and please keep that away from me, lalo na mamaya sa court, baka hindi tayo makuha sa try out" .

"Try out nga diba? Tsaka hello? Best tandem kaya tayo, its their loss if they will not get us" kibit balikat niyang sabi.

Yabang nito! But ... it's half true tho. We used to be the best tandem in volleyball when we were in high school. Ewan ko lang ngayon, it feels different.

Pagkarating namin sa gymnasium sabay kaming napairap sa malaking note sa pinto pa lang.

- TRY OUTS WILL BE HELD AT THE OVAL, SEE YOU THERE -

"So nilakad natin tong malayong gym na 'to for nothing!?"

"I guess" sagot ko. Inip na talaga ako pero I wanted to join the try out, ito nalang ang matatawag kong paborito ko.

Ash just keep on talking hanggang sa makarating kami sa oval. Hindi pa nga nagsisimula pero hingal na ako. This school is quite big, kaya ganon.

"Hi! Dito ba yung try out ng volleyball?" Ash asked the girl na naka volleyball attire.

She looked at Ash na parang hindi makapaniwala na nagtatanong ito para sa try out?

"Oo, bakit? Mag t-try out ka?"

"Yes, kaming dalawa ng friend ko" masayang sabi ni Ash sabay lingon saken, napatingin rin saken yung babaeng napagtanongan niya bago ako ni head to foot.

What is her problem!?

"Oh talaga? Parang hindi naman kayo athletic, matatangkad lang" she said and rolled her eyes.

"You heard that?" pabulong na sabi saken ni Ash ng lapitan uli ako.

"Hindi ako bingi" sagot ko "hayaan mo na, don siguro magpapa register"  dagdag ko ng makita ang pila sa gilid.

Nagtatanong pa kasi. I smiled.  First time kong makarining ng ganon.

"Thank you" sabi ko ng matanggap ang registration form.

"You look familiar? Are you Ychavez?" natigil ako ng marining ang tanong ng isa sa mga babaeng nasa table. Tatlo kasi silang namimigay ng form.

"Uh .. yes" di ko sure na sagot, ewan. Bakit niya 'ko kilala?

"Oh gosh! I saw you one time, nong umuwi akong probinsya to watch my cousin's game. Kayo yung kalaban nila right? Agaton vs. Sesda?"

Napalingon na halos lahat ng nakapila dito saken pati si Ash na parang curious na, nasa pangatlong linya kasi siya at medyo malayo sa akin.

"Uh yes" wala akong ibang masagot. That was like 3 years ago.

"It's nice to meet you. Welcome to our team!" tumayo siya at nakipagkamay saken. What!?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not So InnocentWhere stories live. Discover now