Chapter Forty Six

6.8K 244 86
                                    

"Why did you broke up with me?"

Unang tanong niya.

"Is this a closure?" nag-aalangang tanong 'ko.

Baka kapag sinabi ko sa kanya ang dahilan ay hindi na sya magtanong. Kung wala ng tanong, tuldok na dulo. Tuldok na ang ibig sabihin ay pagtatapos.

"Just answer my question kasi dalawang taon na akong mabaliw baliw isipin bakit mo 'ko iniwan. Inisip ko na lang na baka dahil kay Renz o baka dahil sa pag-aaral mo o dahil baka ganito kasi ako pero laging may baka. Laging hindi sigurado. I want to be sure, Klaisse."

Huminga ako ng malalim at tinitigan siya ngunit ng masalubong ko ang mata niya ay mabilis din akong napaiwas ng tingin. Puno ng lungkot iyon.

"The truth is.. I never like you Jez." pagtatapat 'ko sa kanya.

"Hindi ka katulad ng mga nababasa ko sa libro na nakakakilig. Gusto ko yung romantiko. Yung dadalhin ako sa lugar na hindi ko alam tapos may surpresa sa akin."

"Sabi mo, ayaw mo ng surprise." pagdadahilan niya.

"I said that! Pero hindi porket sinabi ko iyon na ang totoo." tumango naman siya.

"Continue.."

"Gusto ko yung masungit sa lahat pero sa akin lang mabait. Ikaw napaka-pacute mo sa lahat!" akusa ko sa kanya.

"What? Kailan ako nagpa-cute?" mabilis na tutol niya.

"Duh?! Kapag naglalakad tayo sa school, kapag kumakanta ka sa banda at pumupunta sa mga inoman. Basta lahat ng puntahan mo nagpapa-cute ka sa mga tao."

"I'm sorry. Hindi ko alam na ganon ang dating sayo. I'm just being friendly." depensa niya naman.

"Friendly? You're flirt. Pagkatapos mo makipag-kaibigan ikakama mo!" singhal ko sa kanya.

"Okay. I'm guilty with that but that was before. Hindi pa tayo nun, nang maging tayo na wala ng iba." inirapan ko naman siya.

"Sabi mo liligawan mo ko. Hindi ko naman naramdaman." ani ko habang nilalaro ang daliri 'ko.

"Honestly, I didn't know how to court. All i know, pinagsisilbihan kita. Akala ko okay na yun sayo."

Napa-tsk na lang ako.

"Tapos pabaya ka sa pag-aaral. Parang di mo pinaplano future mo. I want someone who's goal oriented. Everyone loves that."

"May plano naman ako sa future 'ko. Hindi lang talaga ako mahilig mag-aral. Hindi mo naman magagamit pinag-aralan mo sa work, konti lang. I'm just being practical at mas nagfocus ako sa actual. Can't you see? I'm doing good handling our business."

Bakit ba lahat ng sabihin ko may sagot siya? And all her answer has a point.

"Ang laki mong red flag! Nag-iinom sa bar, buti kung minsan lang kaso palagi tapos ang papangit pa ng ugali ng mga kaibigan mo. Tapos ngayon naman nag-vavape ka na." panunumbat ko pa rin sa kanya.

"I'm sorry. We all have different stress reliever. You reading books and this is mine." napabuntong hininga ako.

"Bakit yung mga sinasabi mo, lahat naman yun ginagawa o nandyan na bago maging tayo. Ibig sabihin ba, nakipag relasyon ka sakin pero alam mong makikipag break ka rin?" balik tanong niya.

"No. Ofcourse not. Kahit naman red flag ka, color blind ako. Ang tingin ko sa red ay green kaya nag-go pa rin ako." huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa kanya.

"Pero nang maging tayo na, dun na ako unti unting nagsisisi bakit tinake risk ko yung friendship natin."

"What do you mean?" curious na tanong niya.

My Maniac Bestfriend (Under Editing)Where stories live. Discover now