Chapter Fifty Seven

6.7K 228 49
                                    

Nang magkamalay ako ay nasa ospital na ako.

"Mommy.." tawag ko sa babaeng nasa tabi ko.

"Klaisse.." mahinang banggit nya ng pangalan ko.

"W-Where's my baby? How's my baby?" agad na tanong ko habang hinihimas ang tiyan 'ko.

Libo libong kaba ang nararamdaman ko ng parang lumiit ito at nawala na ang kaunting umbok.

"Klaisse, mag paghinga ka muna. Mahina pa ang katawan mo." hindi ko na iniisip ang sarili ko.

Isa na lang ang nasa isip ko ngayon. Ang anak ko.

"Mommy, how's my baby??" sa muling tanong ko ay yumuko lang si Mommy at agad tumulo ang luha sa mata niya.

"N-No.." umiiling na pahayag ko.

May mga nagdatingan din na doctor na lumapit sa akin.

"Where's my baby? How's my baby?" naiyak ng tanong ko sa kanila.

Hindi nila ako sinagot. May tinurok sila sa dextrose ko na unti unting nagpahina sa akin.

Hawak hawak ni Mommy ang kamay ko habanh patuloy sa pag-iyak.

"Mommy, sabihin mo sa akin na okay lang ang anak ko." paki-usap ko sa kanya pero naiyak lang siya.

Pagtingin ko sa likod ay nandun din si Ate Niña umiiyak at puno ng dugo ang damit.

"Sorry, Klaisse.." hinging paumanhin niya sa akin.

Nanghihina ako at gusto ko na lang pumikit.

Hindi pwede. Hindi pwedeng mawala sa akin ang anak namin ni Jez.

"Jez.. Where's Jez?" tanong ko sa kanila ng maalala ko ito. Pero wala ding nasagot.

I lost our baby and for sure Jez is mad at me. Hindi ko rin siya masisisi. Kasalanan ko ang lahat.

Gusto kong umiyak na lang ng umiyak pero nanghina na ang katawan ko at tuloyan akong hinila ng dilim.

                                                                     

Nang muli akong magising ay si Mommy at Tita Siena ang nakita ko.

"Tita.." nahihiyang tawag ko dito.

Nawala ang apo nila dahil sa akin. Hindi ko iningatan ang baby namin.

"Klaisse.." lumapit ito sa akin.
Marahan niyang hinaplos ang buhok ko habang pinagmamasdan ako.

Wala akong makitang galit sa mata niya kundi lungkot lang.

"Tita si Jez po?" umaasang tanong ko sa kanya.

Alam kong galit si Jez dahil wala siya ngayon dito.
Alam kong galit siya pero kailangan ko siya ngayon. Kailangan ko siya.

"Wag mo muna siya isipin. Kailangan mo magpahinga." malambing na pahayag niya.

Napahinga na lang ako ng malalim. I felt like i lost everything.

Nakatulala lang ako sa kisame. Inaalala ko yung unang beses na malaman kong buntis ako.

Yung saya sa akin. Yung hirap nun pero masaya. Yung excited ako sa mga bagay bagay na lahat na ng laman ng google search ko ay tungkol sa baby.

Yung nagpa-ultra sound kami at unang beses kong marinig ang pagtibok ng puso niya.

Sa mga ala-alang iyon ay unti unti na naman akong naiyak.

Hindi ko makakalimutan ang sayang naramdaman ko nun at ganon din ang saya kay Jez. Yung pananabik niya at sobrang pagmamahal sa anak namin.

My Maniac Bestfriend (Under Editing)Where stories live. Discover now